Chapter 3 - Part 2

22 4 2
                                    

"Beshy, may pogi oh." Tinuro ni Jieyanth iyong lalaki na 'di kalayuan sa kinatatayuan naming dalawa.

Bakit nandito si Karl? Ano'ng ginagawa niya rito... at bakit siya nagwawalis?

"Aray ko!" daing ko nang sikuhin ako ni Jieyanth sa tagiliran. Napalakas yata ang pagkakasabi ko n'on dahil napatingin si Karl sa direksyon namin. Ito kasing si Jieyanth, akala niya ata hindi masakit.

Tiningnan ko siya ng masama dahil sa ginawa niyang paniniko habang siya naman ay nakangiti lang sa akin. Kapag talaga nakakakita ng pogi nag-iiba ang ugali niya, sa kanya ko nga ata namana ang kalandian na taglay ko.

"Lapitan natin, beshy." nakangiting saad niya. Ang harot talaga.

Nakatingin lang siya sa amin habang papalapit kami sa kanya. Habang ako naman ay tinatapunan siya ng matatalim na tingin. Akala niya ata ay nakalimutan ko na 'yong pagpapahiya sa akin.

Pero in fairness ang haba pala talaga ng buhok niya, hindi kasi ito nakatali ngayon tulad nang una ko siyang makita. Hanggang dibdib niya ang haba nito at parang mas tumitingkad pa dahil sa sikat ng araw na tumatama rito.

Nakasuot siya ng puting long sleeves at naka shorts na kulay puti rin. Hindi naman halatang favorite kulay niya ang puti, 'no? May hawak-hawak rin siyang walis tambo. Pero on serious note, bagay na bagay naman sa kanya dahil malinis siyang tignan hindi tulad ng mga kilala kong titingnan mo palang ay alam mong maasim na.

"Anong ginagawa n'yo rito?"

"Anong ginagawa mo rito?"

Pabalik-balik ang tingin sa amin si Jieyanth dahil sabay kaming nagsalita ni Karl. Napatingin din siya sa mga kwintas na suot namin ni Jieyanth, bigla naman akong nakaramdam ng hiya kaya napahawak ako sa kuwintas. Baka iniisip niya na mga weirdo kami. Well, medyo weird naman talaga si Jieyanth. Pero ako? Hell no!

"Magkakilala kayo?" tanong no Jieyanth sa aming dalawa.

"Hindi," Matigas at sabay ulit na sagot namin.

Pagkatapos n'on ay tinalikuran na niya kami tapos naglakad siya palapit sa isang nakalatag na kumot sa hindi kalayuan. Teka, picnic blanket ba 'yan?

Nag-pi-picnic siya rito?

Maraming nakapatong doon na mga pagkain, may mga isda, prutas at mga tinapay. Mayroon din mga glass na may laman na kulay pula, wine siguro 'yon.

Sumunod naman si Jieyanth sa kanya, ako naman ay tinanggal ko ang suot kong kwintas at itinago iyon sa bulsa ko. Baka mamaya kung ano pa marinig ko sa kanya.

"Bulaga!"

"Tangina!" Napatakip ako ng bibig ko dahil umalingawngaw sa buong lugar ang boses ko, pati sina Karl at Jieyanth ay napatingin din sa'kin. Bigla kasing may humawak na malalaking kamay sa balikat ko.

"Hahaha, sorry. Nagulat ba kita?"

Hinarap ko para tignan kung sino ang may gawa non at nakita ko si Kael na patawa-tawa pa.

Gago ba siya? Tinanong pa ako kung nagulat ba ako, aba s'yempre?

"Syempre ginulat mo ako, e!" Hinampas-hampas ko pa siya ng notebook na hawak ko pagkasabi ko non pero itinigil ko rin agad kasi na-realize kong masyado na pala akong feeling close. Pero kasalanan niya pa rin naman.

"Tara, doon tayo," Itinuro niya ang puwesto kung nasaan sina Karl at Jieyanth ngayon — sa picnic blanket. At si gaga nakaupo na dun at magkatapat sila ni Karl. Natatawa ako dahil parang kinakausap niya si Karl pero nakasimangot lang ito sa kanya.

"Bakit pala kayo nandito ni Karl?" Tanong ko kay Kael, dahil kung 'yong isa ang tatanungin ko alam ko wala ako makukuhang matinong sagot.

Tiningnan ko ang suot ni Kael at katulad ni Karl ay naka-suot din siya ng long sleeves na kulay puti at casual pants na kulay puti rin. Hindi naman nila kami na-inform na may color coding pala dito.

Lost in Tam-Aw FallsWhere stories live. Discover now