Chapter 7

23 5 0
                                    

Nang makarating ako sa clinic ay nadatnan ko ang isang nurse doon. Saglit siyang lumingon sa kung sino at pumasok at saka tinanong kung ano ang pakay ko. Pagkatapos kong banggitin ang pangalan ni Ander ay pinatuloy niya ako at itinuro kung nasaan siya. Tumango naman ako at naglakad na papunta sa itinuro niya.

Maraming mga kama rito sa clinic pero ang bawat isa ay may hospital bed curtain para sa private space ng mga patients. Nasa dulo pa si Ander kaya ilang kama pa ang nilampasan ko bago tuluyang makarating sa kinaroroonan niya.

Nang makahinto ako ay huminga muna ako ng malalim at saka hinawi ko ang curtain. Nadatnan ko si Ander na nakaupo sa kama niya at nakahawak sa ulo. "A-ayos ka lang ba, Ander?" nagaalalang tanong ko dahil mukhang masakit ang ulo niya.

Tumingin siya sa direksyon ko kaya pinilit kong ngumiti. "Gusto mo ba tawagin ko iyong nurse?" tanong ko sa kanya. Bahagya pa akong lumapit sa direksyon niya kahit deep inside ay natatakot ako na baka gawin niya ulit iyong ginawa niya kanina sa akin.

"Anong nangyari, Issyl?" tanong niya. "Nawalan na naman ba ako ng malay?" dagdag pa niya.

Mukhang hindi niya natatandaan ang mga sinabi niya kanina. "Ano ang naalala mong pinag-usapan natin kanina?" tanong ko sa kanya.

Saglit siyang tumingin sa ibang direksyon na para bang nag-iisip kaya hinayaan ko muna siya. Baka inaalala niya ang mga nangyari kanina bago siya tuluyang nawalan ng malay. "Ang pagkakatanda ko ay tinatanong mo sa akin kung nakapunta na ako sa Tam-Aw Falls."

"Tapos?" tanong ko. Kasi hindi lang naman iyon ang mga nangyari kanina.

"Wala na ako ibang maalala pagkatapos n'on."

Saglit akong natigilan habang pinagmamasdan ang mukha niya. Mukhang sigurado naman siya sa sinasabi niya. "Nahimatay ka na pagkatapos n'on?" tanong ko sa kanya. Feeling ko mukha akong tanga dahil ako ang naka-saksi tapos siya iyong tinanong ko.

"Hindi ko alam, basta na lang pagkagising ko ay nandito na ako sa clinic." Nagulat ako nang bigla niyang sinabunutan ang sarili niya. Napansin ko rin na parang may tumulong luha sa mata niya.

Marahil ay nafu-frustrate na siya dahil totoong wala talaga siyang maalala kaya hindi na ako nagtanong pa ng ibang tungkol sa nangyari kanina.

Tiningnan ko ang oras sa wristwatch na suot ko. Halos tanghali na rin pala. "Gusto mo bang kumain?" tanong ko sa kanya. Naisip ko lang kasi na pagkatapos ng lunch ay pupuntahan namin si Tito Arlan para masagot ang mga katanungan sa isip ko.

Dahil sa palagay ko ay alam ko na ang mga nangyayari.


***


Tamihik lang kaming dalawa ni Ander habang naglalakad papunta sa kina Tito Arlan. Bwisit kasi iyong nasakyan namin dahil hanggang dito sa kanto niya lang daw kami maibababa. Hayun tuloy ang ending, kailangan pa naming maglakad ng mahaba papunta sa bahay nila Jieyanth.

Pagkagaling kasi namin sa clinic ay kumain muna kami ng lunch sa canteen. Tapos ay inaya ko na siyang pumunta sa bahay nila Jieyanth. Gusto ko kasing kausapin si Tito Arlan. Noong una, ako lang sana ang pupunta, pero dahil sa tingin ko ay konektado ang mga nangyayari kay Ander sa mga nangyayari sa akin at sa pagkamatay ni Jieyanth, ay nagpasya na akong isama siya.

Habang marahan kaming naglalakad ay nagdadalawang isip ako kung dapat ko bang kausapin si Ander. Nang sulyapan ko kasi siya ay parang ang lalim ng iniisip niya.

Siguro iniisip niya kung bakit isinama ko siya rito.

"Uhm—huwag kang mag-alala, Ander. Hindi naman kita isinama rito dahil ikaw ang sinisisi ko sa pagkamatay ng bestfriend ko," umpisa ko. Naalala ko kasi na pinag-isipan ko siya ng masama, though hindi ko naman sinabi sa kanya ang tungkol doon kanina, pero gusto ko lang din i-reassure siya na hindi ganoon ang iniisip ko kaya kami pumunta rito.

Lost in Tam-Aw FallsWhere stories live. Discover now