Chapter 6

19 5 0
                                    

Para akong zombie na naglalakad ngayon habang papasok sa malaking gate ng school namin. Ilang araw na kasi akong walang maayos na tulog at ilang araw na rin akong puro iyak lang ang ginagawa.

Kahapon pa kami pinapabalik sa eskwelahan pero dahil araw iyon ng libing ni Jieyanth, ay ngayon lang ako pumasok.

Pinagtitinginan ako ngayon ng ibang mga estudyante, kung dati-rati ay tumitingin sila sa akin dahil sa ganda ko, ngayon ay alam kong tinitingnan nila ako dahil sa mga nangyari. Nagkibit-balikat na lang ako dahil wala akong oras ngayon para pagtuunan sila ng atensyon.

Masyado na ako maraming iniisip at ayoko nang idagdag pa sila sa mga pino-problema ko.

Pati ang assignment namin sa Philippine Literature na kailangan kong ipasa ngayon ay muntik ko nang hindi matapos.

Bumalik ako sa sarili nang makalampas ako sa malaking puno ng Narra kung saan nangyari ang pagpatay roon sa isang estudyante na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas ng mga pulis.

Huminto ako ng ilang segundo bago ako tuluyang naglakad palapit sa mismong harapan ng puno. Maraming mga nakasalansan sa harap nito na mga bulaklak at mga cards at piraso ng papel na sa tingin ko ay mga mensahe para sa pumanaw na estudyante.

Bukod pa r'yan, may mga kandila rin sa palibot ng puno. Ang dami nang wax na natunaw pero marami pa rin ang mga nakasindi. Sa tingin ko mula noong may namatay rito ay nagsimula na silang magtulos ng mga kandila, siguro para mag-alay na rin ng dasal para sa kaluluwa n'ong namayapang estudyante.

Sa dami ng mga bagay na nasa harap ng puno ng Narra, may isa na nakakuha ng atensyon ko—at iyon ay ang isang picture frame. Hindi ko masyado maaninag pero kuha ito ng larawan ng isang lalaki na nakahawak sa baywang ng babae, na nakaakbay naman sa kanya.

Iyong lalaki siguro ay ang sinasabi nilang si Jim, at iyong babae naman ay—biglang nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko na ako pala iyong babae na kasama niya.

Agad na rumehistro sa isipan ko ang mga nangyari noong kinuhaan iyong litrato na 'yon.

"Ate! Puwede po ba magpa-picture?" tanong niya nang makalapit siya sa kinaroroonan ko. Pumayag naman agad ako at nag-pose sa camera ng phone niya na may nakadikit pang sticker ng cute na pusa.

Tinitigan kong maigi iyong picture frame. Ilang beses pa akong kumurap-kurap para masiguro na tama ang mga nakikita ko ngayon.

Sa madaling salita, si Jim at iyong lalaking nagpa-picture sa akin noong first day of school namin ay iisa?

Sa dami ng mga tanong sa isipan ko na gusto kong hingian ng sagot, isa lang ang nangingibabaw sa mga panahong ito. At iyon ay kung sino ang naglagay nitong picture frame rito?

Hindi ko alam kung kaya pang i-proseso ng utak ko itong tanong ko dahil bukod sa pagod na pagod pa ang katawan ko, e, sobrang occupied na talaga ng isipan ko. Saka ko na lang siguro ito iisipin kapag nakakapag isip na ako ng maayos.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang makita ko si Ander sa hindi kalayuan na nakatitig sa 'kin. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin niya nang makita niyang napansin ko siya.

Hindi ko alam kung bakit ngayon lang biglang sumagi sa isip ko ang tungkol sa pigura ng isang lalaki na nakita ko sa gubat noong naglalakad kami ni Jieyanth patungo sa Tam-Aw Falls. Kasunod n'on ay naalala ko ang mga kinuhaan kong larawan kung saan nag photo bomber siya habang nakatanaw mula sa malayo.

Hindi kaya siya rin iyong pigura ng lalaki na nakita ko sa daan?

Hindi malabong mangyari na siya nga iyon dahil naroon din siya n'ong araw na 'yon at bukod pa r'yan ay ilang araw ko na rin napapansin na ang weird ng mga kilos niya.

Lost in Tam-Aw FallsWhere stories live. Discover now