Chapter 4

20 5 0
                                    

Tiningnan ko ang likuran namin, which is ang gubat kung saan kami nakatalikod kanina sa picture.

Wala namang tao.

"Teka, kukuha muna ako ng tubig na maiinom natin," paalam ni Kael. Saglit ko siyang sinulyapan at tinanguan.

"Samahan na kita," pagprisinta pa ni Karl.

Kinuha nila ang apat na wine glass na nakapatong sa blanket na inuupuan namin, malapit sa picnic basket at saka sabay na tumayo. Bale, tig dalawa sila ng dalang mga wine glasses. Nakalimutan ko rin pala na itanong sa kanila kung bakit may apat na wine glasses dito. Nagtakha lang ako kasi dalawa lang naman sila rito kanina. As though they were seriously expecting the arrival of two more guests.

Anyway, it's none of my concern na lang siguro kaya ibinalik ko na ang tingin sa mga pictures namin kanina.

I-zi-noom ko ang isa sa mga pictures kung saan mas visible iyong hitsura n'ong lalaking nakatayo sa malayo. At laking gulat ko nang makilala kung sino iyon.

Si Ander? Ano naman ang ginagawa niya rito?

Inilipat ko pa ang mga photos para makita ko pa ang ibang mga larawan. At lahat ng pictures ay iisa lang ang hitsura niya.

Nakatayo lang siya sa malayo at nakatingin ng masama sa gawi namin. Ano'ng kabaliwan na naman ba 'to Ander? Jusko! Hindi ba niya talaga ako tatantanan?

Muli kong nilingon ang likuran namin, specifically sa lugar kung saan ko nakitang nakatayo si Ander sa picture.

"Ano ba ang tinitingnan mo r'yan, beshy?" Mabilis akong lumingon kay Jieyanth nang marinig ko siyang magsalita. "H-ha, wala beshy, tinitingnan ko lang kung malapit na maggabi," palusot ko, hapon na rin naman kasi at malapit na maggabi.

Mukhang naniwala naman siya dahil iba na ang sunod na sinabi niya. "Patingin naman ako ng pictures natin," excited na sabi niya habang nakatingin sa cellphone na hawak ko.

Agad kong pinatay ang screen ng phone ko at saka ito inilagay sa bulsa para hindi na niya makita pa. "Huwag na, beshy. I-se-send ko na lang sa 'yo," nakangiting sagot ko sa kanya.

"Ang mabuti pa ay ituloy mo na lang iyong kwento mo kanina." Medyo nabitin din kasi ako sa kuwento niya kanina.

Kasabay ng pagbanggit ko kay Jieyanth ng tungkol sa kinukuwento niya kanina ay sumagi naman sa isip ko ang boses na narinig ko kanina. Mabuti naman at hindi na iyon nasundan pa simula nang makapasok na kami mismo dito sa Tam-Aw Falls.

"Oo nga pala, beshy. Sige itutuloy ko na. Sakto nandito tayo ngayon kung saan sinasabing nangyari 'yung insidente."

Tiningnan ko ang mataas na falls na nakakonekta sa malawak na batis. Sa ganda nito, hindi mo aakalaing may ganoong klase ng misteryo pala 'tong itinatago.

"Sige beshy," sagot ko habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa harap naming dalawa ni Jieyanth.

"Edi iyon nga, beshy. May humawak sa balikat niya. Tapos nang tingnan niya kung sino iyon ay..."

Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko upang tingnan at bahagya akong napaatras nang wala akong nakita kahit anino man lang ng tao na puwedeng gumawa n'yon.

Napakunot ang noo ko sa pagtatakha dahil sigurado akong hindi iyon isang guni-guni lamang sapagkat nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon ang paghawak sa balikat ko.

Ipinihit ko ang mga paa at katawan ko paharap sa likuran para mas mapagmasdan ko ang daan na tinahak ko kanina. Mas lalong kumunot ang noo ko nang mapansin ko na parang nag-iba ito. Kung kanina ay may maluwag na daan palabas ng gubat, ngayon ay puro malalaking puno na ang nandito.

Lost in Tam-Aw FallsWhere stories live. Discover now