"Why do you care?" tanong niya. Woah! "Kalma," I said. "Mainit na naman ang ulo mo."

Her brows furrowed bago inikot ang mga mata. "Tabi nga." Nilampasan niya ako bago lumapit kay Lord Vandrous.

"Can we talk in private?"

Sungit, ah.

Tiningnan ako ni Lord Vandrous na para bang sinasabihan ako kung ayos lang bang umalis ako at bilang mabait at masunuring tauhan ay tumango ako.

"Una na ako," paalam ko. Tiningnan ko pa si Janella na halatang naaalibadbaran sa akin. "Ingat ka, Agent Top," paalam ko at ngumisi para inisin siya lalo bago naglakad papalabas.

Gustuhin ko mang pakinggan ang usapan nila ay hindi ko magagawa. Bukod sa pribado at sigurado akong ayaw ni Janella na marinig ko ito ay soundproof din ang wall ng office kaya 'di ako makapag-eavesdrop.

Umiling na lang ako at tsaka naupo sa couch na nasa tabi lang ng office ni Lord Vandrous. Kung hindi pwedeng mag-eavesdrop, edi maghihintay na lang ako hanggang sa matapos sila.

Janella Diaz's POV

"Just make sure na para 'to sa ikabubuti ng kaibigan ko," sambit ko. He nodded. "Wala akong gagawin na ikakasama ni Annarih, Agent Top, alam mo kung gaano ko siya pinapahalagahan. She's one of the best." I nodded. He's got a point. My best friend is certainly a great assassin. She's capable of performing several skills and abilities. She's also a fast learner kaya't wala siyang hindi kayang pag-aralan.

Malaki ang naiambag niya sa organization and in exchange, malaki rin ang pakinabang nito sa kanya in her quest to search for justice.

My best friend's heart was filled with misery and anger. Her parents were the whole reason why she even signed up as an assassin in the first place. She's craving for revenge.

And if there's one thing I am sure of about her, iyon iyong gagawin niya ang lahat makuha lang ang gusto niya.

That's the type of person she is and I admire her for that.

"Janella!"

Napakurap ako nang marinig ang malakas na sigaw ni Lord Vandrous. "Kanina pa kita tinatanong, you're spacing out."

I sighed bago umiling. "My apologies, Lord Vandrous," I stated. "What was your question?"

"Iyon lang ba ang kailangan mo? Wala nang iba?"

I nodded.

"I want to ensure nothing but my best friend's safety," I justified.

He nodded. "Alright, makakalabas ka na."

Tumango rin ako. I went out of his office, but confusion filled my mind upon seeing a familiar man outside.

"Anong pinag-usapan n'yo?" tanong niya bago siya tumayo at lumapit sa akin. Seriously?

"Wala ka na roon," sagot ko. Nilampasan ko siya pero naramdaman kong sinundan niya ako.

"Alcher Dee Reyes, what do you need?" I questioned as I faced him.

He raised his hands na para bang sumusuko.

"Relax, Agent Top, sheeesh. You don't have to be like that all the time."

I scoffed.

"Whatever," I answered. I turned my back to him and walked away.

I just hate that man's guts, masyadong nagmamarunong, feeling niya alam niya lahat. Dikit pa ng dikit kay Annarih, parang buntot.

Ewan ko ba anong nakita sa kanya ng kaibigan ko at talagang sa dami ng pwedeng maka-partner sa mga mission ay siya ang parating pinipili.

Ang akala ko ay lulubayan na niya ako pero ang loko, sinusundan pa rin ako.

"Kumusta ka na pala? Kumusta naman sa abroad?" I looked at him again. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Wala namang kakaiba sa kanya. Wala rin namang something attractive or what. Paano ba 'to napalapit sa kaibigan ko, eh, knowing her hindi naman siya mabilis magtiwala.

I rolled my eyes again sa naisip ko bago siya tinalikuran. Hindi ko na lang siguro siya papansinin. Naglakad ako papunta sa office ni Lady Harris to talk to her about sa napag-usapan namin ni Lord Vandrous.

Well, actually, wala naman akong issue kay Alcher, it's just that nakakainis siya. Tinalbugan pa si Jollibee sa pagiging bida-bida.

"Janella." Muli kong narinig ang boses niya pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Agent Top!" Ang ingay!

"Ano?" asik ko. Hindi pa rin ako humihinto sa paglalakad. Nararamdaman kong sinusundan niya rin ako.

"May problema ba ang organization?" he asked. I sighed. I stopped walking pero hindi ko pa rin siya tinitingnan. "There's a threat. May mga nanggugulo at sumusubok na pabagsakin ang org," I stated.

"Ahhh, 'yon ba? Alam ko na 'yon." Naramdaman ko pang ngumiti siya nang sabihin niya 'yon. See? Feeling Mr. Know It All.

"Alam mo na pala, eh, bakit ka pa nagtanong?"

I began walking again. "Akala ko kasi si Annarih ang topic ninyo."

I shook my head. It's none of his business anymore.

"Nagkita na ba kayo ni Annarih? For sure matutuwa 'yon kapag nakita ka niya."

"Hindi pa. Mamaya ko pa siya pupuntahan."

"Bakit hindi na lang ngayon? Busy ka ba?"

At hindi na nga ako nakapagpigil. I faced him with a glare na kung nakakamatay lang ay baka nakahiga na siya ngayon sa sahig. Ang akala ko ay hindi na siya magsasalita ulit pero nagulat ako sa huli niyang sinabi bago siya naglakad palayo sa akin.

"Masaya akong nandito ka na. Kailangan ka ng kaibigan mo. Kailangan ka ni Annarih ngayon."

Kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong ngumiti siya matapos bigkasin ang mga salitang iyon.

He's right.

Kailangan ako ni Annarih.

And now that I'm back, I will ensure that no one could ever mess with my best friend anymore.

I will protect her at all cost, even if it means risking my life.

Behind her MaskWhere stories live. Discover now