Chapter Five

6 0 0
                                    

Jaize Annarih Vera's POV

"SO, KAMUSTA 'YUNG MGA PINAKILALA NI LORD VANDROUS?"

I sighed as I heard Alcher's question. "Trouble," I said which made him shoot me a curious look.

"Trouble? Paanong trouble?" Hindi pa siya nakuntento sa simpleng pagtatanong at mula sa pagtatype sa laptop niya ay yumuko pa siya para silipin ako nang malapitan sa mukha.

"Mukha mo nga," sabi ko bago inilayo ang mukha niya sa akin gamit ang palad ko. "I don't know. They just smells trouble. Sana lang ay hindi sila makasagabal sa mga plano ko."

Sana nga ay hindi, dahil sa oras na maging sagabal sila, I will make sure to get rid of them right away.

"'Di ba sila ang ipinares sa'yo ni Lord Vandrous sa problema raw?" tanong niya kaya tumango ako. Nakakunot ang noo niya at tumingin sa taas na parang may iniisip. "May nasimulan na ba kayo?"

Umiling ako. "Wala pa. As of now, hindi ko pa rin alam kung paanong uumpisahan dahil sa hindi ko rin talaga gustong makasama 'yung mga 'yon." I sighed as I continue my statement. "Kung ako lang ang magdedesisyon ay kaya ko namang gawin 'yon nang mag-isa, kaso gusto ni Lord Vandrous na alam ng lahat ang kilos ng bawat isa."

Archer took a deep breathe at isinandal ang sarili sa sandalan ng inuupuan niya. "I can talk to Lord Vandrous if you want. I-suggest ko sa kanya na ako na lang ang partner mo sa mission. Besides, I am always your partner naman, 'di ba?"

"Ang tanong, u-oo kaya siya?" I immediately dismissed his thoughts. "Hayaan mo na, kaya ko naman na 'yung dalawang 'yon nang mag-isa, eh."

"Are you sure?" Napakunot ang noo ko nang bigla niyang hawakan ang dalawang siko ko at ipinaharap ako sa kanya. "I'm willing to talk to Lord Vandrous just to be with you. Are you sure na okay ka lang kasama sila?" His eyes looks like it's going in depths into my eyes, kasabay pa ng ngiti niya na parang ina-assure ako na gagawin niya ang sinasabi niya.

"Of course," I nodded. "You don't have to worry about me, Alcher. Kaya ko ang sarili ko."

-

"Hello, Annarih!"

I frowned when I was greeted by a loud greeting as I entered my office. It was Brix Tristan Cuevas who held my door and loudly greeted me. Nakaupo naman sa harap ng lamesa ko si Adara Star Santiago na kumaway sa akin habang nakangiti. "What are you doing in my office?" Wala naman akong natatandaan na sinabi kong pumasok sila sa loob ng opisina ko habang wala ako.

"Hello, Annarih," Adara greeted me at tumayo pa. Hinawakan niya ang parehong braso ko at bumeso sa parehong pisngi ko. "Your office was locked, so we asked your assistant to open the door for us. She tried to reject us but we bribed her with money."

Maybe I should fire my assistant, then? Ipagkakanulo ako para sa pera? I could triple their offer to her, anyways.

"Don't you know that it's rude entering someone's premises without permission?" I stated habang naglalakad papunta sa lamesa ko.

"Ang sabi mo, dito na lang tayo sa office mo magkita at mag-meeting, 'di ba?" sabat ni Brix na akala mo kung sinong close ko na naupo sa tapat ng lamesa ko at ipinatong doon ang isang paa niya. "You're late, so nauna na kaming pumasok."

"You should have waited, hindi 'yung basta-basta kayong pumapasok sa opisina ko nang walang paalam at sinuhulan pa ang assistant ko." It irritates me knowing that someone- or in this case, two- invaded my personal space. Irita kong itinulak ang paa ni Brix paalis ng mesa ko. "This is not your home. Learn to respect other people's properties."

Nakangiti niyang itinaas ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko bago tumayo. "Okay, I'm sorry, Miss Annarih."

I sighed before nodding. "So, do you have anything in mind to identify who we are looking for?" I looked at them intently. Pareho na silang nakaupo nang maayos. "To identify who is or who are threatening our organization?"

Adara shook her head in return of my question. "Unfortunately, none. We tried to track down the different numbers who tried to threaten us through our gadgets, and also, 'yung pinanggalingan ng mga bombang bigla-biglang sumasabog sa mga offices and sa site, but to no avail. Wala rin kaming nagiging balita sa kung sino ang mga pumapatay sa agents natin."

I sighed. "Then maybe we should-"

I was interrupted on my statement when someone suddenly knocked on my door. Bumukas 'yon and it revealed Alcher, who's wearing a formal attire- a three piece suit which includes his slacks, navy blue coat, and a white polo underneath. "I see you have your visitors," sabi niya bago tuluyang pumasok at isarado ang pinto. Dumiretso siya sa akin at inilapag ang isang kamay sa isang balikat ko at tumingin sa mga bisita. "Good afternoon, Miss..." Sasagot na sana si Adara nang biglang ituloy ni Alcher ang sinasabi niya. "...Adara Star Santiago, and Mr. Brix Tristan Cuevas."

Adara frowned as she heard Alcher who is now smiling. "How did you know our names?" she asked that made Alcher chuckle.

"I asked the boss," sagot niya. "Syempre, hindi ko naman hahayaang makasama ni Annarih ang mga taong hindi pa namin lubusang kilala. Right, Annarih?"

Sumimangot ako nang tumingin siya sa akin at umakbay kaya tinanggal ko 'yon bago ibinaling ulit ang paningin ko kila Adara. "He probably did some background research on you two before going here. Alcher's a li'l bit protective of me." I stated as a matter of fact.

"So, what did you find out?" Prente nang nakasandal si Brix sa inuupuan niya ngayon at nakangisi kay Alcher na ginantihan naman siya ng pag-ngisi. Nakapatong ang isang paa niya sa tuhod niya while consistently tapping it unto the air while his arms are rested on the arm chair.

"Bakit ko sasabihin? It's for you to find out, Mr. Brix Tristan Cuevas." Matapos sabihin 'yon ay tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Let's talk for a bit outside."

Hindi na ako umangal at sumama na lang sa kanya palabas ng office. Dinala niya ako sa stockroom. "What's with the scene inside?"

"Kailangan mong mag-ingat sa kanila, Annarih," seryosong sabi niya na nagpakunot sa noo ko.

"I know. You know I always have my guard up," I stated. "Bakit? Ano bang nalaman mo?"

He frustratingly sighed. "Ayun nga. Wala akong nalaman tungkol sa kanila kaya mas lalong nakakapag-hinala. You should be more careful." Mariin ang mga tingin niya sa akin at seryosong-seryoso, so I nodded.

"I know, and I will, Alcher. Sa oras man na traydurin nila ako, I will make sure that it will be the last time they're going to betray someone."

Behind her MaskWhere stories live. Discover now