Napainom ako ng gatas na nasa harap ko.

"Are you okay?" Tanong nya.

Nag thumbs up lang ako sakanya.

Paano ko kaya sasabihin na hindi ko naman talaga sya hinintay? Na si Cheska ang naghatid sakin kahapon. Na hindi naman talaga ako nainip kahapon. Na nagkataon lang talaga na pumayag ako na ihatid ni Cheska!

"Hoy! Ayos ka lang? Ano? Lutang?" Sabi sakin ni Kate. Habang winawagayway yung kamay nya sa harap ng mukha ko.

Tinabig ko yung kamay ko.

"Ano ba?!" Sabi ko.

Tumawa lang sya sakin.

Habang kumakain ako ay napansin ko na nakatitig sya sakin.

Napakunot ang noo ko at napataas ang isa kong kilay.

"Bakit?" Tanong ko.

-------

KATE'S POV

"Bakit?" Tanong nya sakin.

Ngumiti ako.

Inilapit ko ng konti ang mukha ko sa mukha nya.

"Im just wondering. Kung ano ang makikita ko kapag wala yang glasses mo sa mata mo!" Sabi ko.

"Malamang mata yung makikita mo :3" sagot nya sakin.

See? She's kinda weird.
Pilosopo pa sumagot.

Dahan dahan kong tinanggal ang eye glasses nya. Napapikit naman sya.

Dahan dahan nyang iminulat ang mga mata nya.

And you know what?

She got that beautiful eyes ive ever seen :)

Those beautiful Big brown eyes :)

Ang haba pa ang pilik mata nya na bumabagay sa hugis ng mukha nya.

And that cherry lips she had.

She's cute :)

Simple but attractive.

Oo sa unang tingin. Weird sya at parang panget sya tingnan dahil sa fashion na nakasanayan nya.

Pero kapag nakilala mo sya. At kapag nalapitan ko sya at natitigan.

Maganda sya.

Yeah! Nagagandahan ako sa kanya.

"Hoy! Ibalik mo na yang eye glasses ko. Sakit ng mata ko :3" sabi nya sakin.

Natatawa ako sa kanya.

Kaya ibinalik ko na yung eye glasses na suot nya.

-----

NICOLE'S POVs

Napapikit ako. At dahan dahan kong iminulat ang mata ko.

Ayy nako. Salamat naman at binalik nya ang salamin ko.

Ano ba kasi trip ng babaeng to?

I open my eyes and i saw her staring at me.

Ano ba yang mga tingin nya?  Kinikilabutan ako.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala! Ngayon ko lang na realize na.. " pabitin na sabi nya.

"Na ano?" Tanong ko.

Ngayon nya lang siguro napansin na maganda ako. Hehe .

"Na ang panget mo pala kahit wala kang salamin." Sabi nya. Sabay balik atensyon sa kinakain nya.

Tusukin ko kaya ng tinidor ang babaeng to. Excuse me! Nasa bahay ko kaya sya baka nakakalimutan nya.

"Bat kaba kasi napadpad sa bahay ko?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin sya sakin.

"Gawin natin yung research bukas!" Sagot nya.

"Eh bukas pa pala eh. Bakit ngayon ka pumunta?" Tanong ko ulit.

"Para sabihin sayo na gagawa tayo bukas!"

"Haler! Pwede mo kaya akong e text!" Sabi ko.

"Bakit? May number ba kita?" Taas kilay nyang sabi sakin.

Ayy oo nga pala. Haha .

Hindi ko pala sa kanya nabigay number ko. Kay Cheska ko nga pala binigay yun.

Inilapag ni Kate ang cellphone nya sa mesa.

"Save mo number mo dyan!" Sabi nya.

Kinuha ko phone nya at saka sinave ang number ko.

"Oh! Ayan!" Sabi ko.  Habang binibigay ko sa kanya ang cellphone nya.

"Galit?" Tanong ni Kate. " ayaw mamigay ng number? Chix ka?" Tanong nya.

Pigilan nyo ko. Hindi ko na talaga papalabasin ng buhay to sa bahay ko :3

Ilayo nyo sakin ang taong to. Nakoooo!!!

Oo na ako na hindi maganda. Ako na talaga! Tsssh.

Tumayo sya .

"I gotta go! See yaa tomorrow." Sabi nya . sabay alis at sara ng pinto ng bahay ko.

Tiningnan ko lang sya hanggang makaalis.

Napatingin ako sa mga kalat sa kusina.

Mga kalat na paper bag at plastic. Tapos iniwanan pa yung pinagkainan.
Ang galing talaga ng babaeng yun. Iniwanan pa ako ng hugasan :3



Authors Note:
Appreciated ko yung votes and comments nyo :) thanks :)



This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon