Chapter 7

13 3 2
                                    


Tahimik na lumabas si Aoki at Tyrese sa loob ng faculty room. Laman ng kanilang mga isipan ay ang mga taong pipiliin nilang maging muse at escort. Hindi nga napansin ni Tyrese na muntikan na palang siyang matisod sa nakaharang na bato mabuti na lang at nahila siya ni Aoki. Nagpatuloy sila sa pag-iisip hanggang nakarating sila ng volleyball court.

Pati ang kanilang mga kasamahan na naglalaro ay napatigil dahil nakita silang dalawa na magkasama at parehong malalim ang iniisip.

“Huy tingnan mo ‘yong dalawa, tulala” sambit ni Kim at itinuro sila Tyres at Aoki

Nagsilapitan silang lahat pati ang grupo ni Aoki. Pinalibutan nila ang dalawa na hindi yata nito napansin. Napamulat bigla ang lahat ng sabay pa itong tumingin sa mga kasamahan nilang nakapalibot sa kanila.

Nanlalaki naman ang mata ni Aoki at Tyrese sa nakita dahil nasa harapan na nila ang kanilang mga kasamahan.

“Anong ginagawa niyo?” tanong ni Tyrese

“Eh kayo anong ginagawa niyo?” balik tanong ni Luke

“Magsitabi nga kayo. Everyone back to your practice” sabay palapak ng kamay ni Tyrese at pinagtatabuyan ang iba.

“Ses! Dali na captain ano ba kasing meron bakit kayo nakatulalang dalawa?” ususerong tanong ni Kim

Napalingon naman si Tyrese kay Aoki na ngayon ay nakatingin rin sa kanya. 

“Nakapili kana ba?” tanong niya agad kay Aoki

“Oo” sagot pa ni Aoki

“Ano ba kasi iyan ha, pa suspense pa kayo eh” singit pa ni Luke na naka-abay sa kanilang kateammate
“Okay sige mauna ka sabihin mo kung sino napili mo” sabi ni Tyrese

“No mauna ka ladies first diba?” sabi pa ni Aoki

Tyrese let go a sigh. Pagod na siyang makipagtalo wala rin namang patutunguhan. Humarap siya sa kanyang mga kasamahan, to be exact nakaharap siya ngayon kay Kim.

“I choose Kim as our muse” sambit ni Tyrese

“And I choose Luke as our Escort” dugtong pa ni Aoki

Nagpalakapakan ang lahat ng mga manlalaro sa narinig habang nanlalaki ang mata ni Kim at Luke. Nakaturo pa rin ang kamay ni Kim sa kanyang sarili habang hindi pa rin makapaniwala sa narinig.

“Wait Captain bakit ako?” naguguluhang tanong ni Kim

“Oo nga bakit kami?” hindi rin makapaniwalang sabi ni Luke na sinang-ayunan ng pagtango ni Kim

“Eh sa sinabi ko bakit may angal?” mataray na sabi ni Tyrese

“Bakit hindi na lang kayong dalawa?” nakaturong sabi ni Luke

Agad na tumalikod si Aoki at Tyrese at hindi pa nagbigay ng komento. Hahaba lang din naman ang usapan kaya mas mabuting putulin sa hindi pagsagot. Bumalik na ang lahat sa kanilang mga pinagkakaabalahan kanina.

“Nice one Captain!” naka thumbs-up na sambit ng ilang manlalaro ni Tyrese

“Ikaw Leyla ha manahamik ka. Sasapakin kita” banta pa ni Kim na halatang hindi natutuwa

Napailing-iling na lamang si Tyrese. Pinag-isipan niyang mabuti kung sino sa team niya ang pipiliin niya. At si Kim talaga ang babagay sa posisyong iyon.

“Okay everyone let’s have spike” sabi niya at pumito.

Sa kabilang banda naman kinukulit naman ni Luke si Aoki. Panay ang buka ng bibig nito kahit pa nasa loob ng korte.

“Captain bakit kasi ako! Bahala ka hindi ako titigil hanggat hindi mo sinasagot ang tanong ko” patuloy na pagrereklamo ni Luke

“Edi ipagpatuloy mo hindi ako ang mapapagod ikaw naman” sagot pa ni Aoki at sinerve ang bola.

“Si Captain nakakaasar. Alam mo namang ayaw ko sa mga ganyan. Sige ka hindi ako aatend ng Sports Week kapag hindi mo sinabi” pananakot pa ni Luke

“Edi wag, ako pa tinakot mo. Tingnan lang natin kung pirmahan ka sa clearance ni Sir Calixto” pagbabanta pa ni Aoki

Malakas namang hinampas ni Luke ang bola tanda ng pagkatalo niya. Natawa naman si Aoki, iyon kasi ang unang pumasok sa isipan niya. Si Luke kasi ang gusto niyang iharap, bagay talaga itong maging partner ni Kim.

But deep inside being an escort for Aoki is okay wala siyang tutol doon pero nang marinig niyang ayaw ni Tyrese ay may kung anong bagay ang nagtulak sa kanya na humindi na lang din.

Haysss, napabuntong hininga na lang si Aoki sa loob ng kanyang isipan.

Tumingin siya sa gawi ni Tyrese na ngayon ay busy sa kakatrain sa mga kasamahan nito

“Captain, sabihin mo agad. Kapag tumingin ka akin ka” sabi Luke sabay akbay kay Aoki

“Magtigil ka nga Luke. Atupagin mo yung pagiging escort mo” saway ni Aoki at tinanggal ang pagkakaakbay sa kanya

“Si Captain KJ” ani pa ni Luke at naglakad pabalik sa pwesto nito

Muli siyang tumingin kay Tyrese at palihim niyang ginaya ang sinabi ni Luke

Pag tumingin ka, akin ka bulong niya sa kanyang isipan.

Sa di inaasahang pagkakataon ay lumingon ito sa kanya kaso nga lang tinaasan siya ng kilay nito.

Natatawa na naiiling na lamang si Aoki. Pero sa kailaliman ng kanyang sarili ay tila kinilig siya sa pangyayaring iyon.

Magpokus ka na lang sa paglalaro mo Aoki

Bumalik na siya sa kaniyang pwesto. 

“Everyone let’s have one round!” sigaw niya pa

Agad naman nagsipwestuhan ang mga manlalaro niya. Pumito siya bago nag serve. Naglaro sila, nagpalitan ng pagbato at pagtanggap ng bola.

“Luke, use rebound kapag alam mong hindi kakayanin” sigaw pa ni Aoki

“Noted Captain” sabi pa ni Luke

Nagpatuloy pa rin ang kanilang pagpapalitan ng bola.

“Daniel, kalma ka lang ha” paalala ni Aoki

“Everyone, mainit ang panahon so dapat keep calm as much as possible” dagdag pa niya

Hindi bumababa ang bola. Habang naglalaro ay naka observe si Aoki. He need to push to their limit his team para malaman niya kung sino ang malakas ang stamina.

Napatigil bigla ang paglalaro ng nakarinig sila ng palapak. Nilingon nila ito and it was their coach slash adviser.

“Good evening coach!” bati ng lahat

Napunta ang mata ni Aoki sa gawi ni Tyrese na ngayon ay kinakausap ng coach din nito

“Very Good Team. So Aoki, sino napili mong escort?” tanong pa nito

“Meron na po and si Luke po napili namin” sagot pa niya sabay turo kay Luke na ngayon ay nakasimangot

“Sir bawal ba umatras?” hindi napigilang komento ni Luke

“Pwede?” agad na sagot ni Sir Calix

“Talaga sir?” tila nagniningning na sabi ni Luke

“Oo, pero aatras din ako pagpirmahan an sa clearance” nakangising sabi ni sir

“Ay!” bagsak balikat na nasambit ni Luke

Natawa na lang ang lahat habang si Aoki ay nakatingin sa gawi ni Tyrese. Hindi niya mawari pero hindi niya mapigilang hindi mapatingin doon..

“Diba Aoki?”

“Huh? Hindi ako tumitingin ah?!” agarang sabi ni Aoki

Napuno ng halakhakan at tuksuhan sa team ni Aoki.

“Napaghahalataan ka Bro” sabi ni sir Calix

“Oo nga captain” sabay-sabay pang puna ng kanyang mga kasamahan

Napakamot na lang si Aoki sa kanyang ulo kahit hindi makati.

Oh, Sige tingin pa more Aoki 

bulong niya pa sa kanyang sarili na nahihiya

Haysss… Aoki, Aoki, Aoki… Napaghahalataan na yata ako

To be continue….

Senior High School Series #4: Court of Courage (A Collaboration Series)Where stories live. Discover now