Chapter 6

5 2 0
                                    

"Okay everyone gather around, let's start with a warm-up" sigaw pa ni Tyrese.

Nagsilapitan ang kanyang mga kasamahan sa kanya. Nakapabilog sila ngayon habang nakaharap sa isa't-isa.

"We need to do this because without warm-up we needlessly increase the risk of injury" dagdag pa ni Tyrese

Matapos ang pagwarm-up ay agad sila nagsimula sa basic fundamentals ng bawat manlalaro. From the basic to complex.

"Lelia, wag puro spike. Wag pairalin ang init ng ulo. Keep calm for you to think" sabi ni Tyrese napansin kasi niya na kapag laging naba-block ang spike nito ay umiinit ang ulo nito

Bumuga ng malalim na hininga si Lelia para kumalma. She keep meditating.

"Slowly Lelia, slowly" sabi niya pa

Tumango naman ito. At nagpakawala ng malalim na paghinga.

Busy na sila Tyrese dahil malapit na ang kanilang Sports Week. It is a one week activity of the Sports Department. They will showcase the sports that they have. Nakasanayan na ito ng kanilang skwelahan. Habang abala ang lahat ay may isang estudyante ang lumapit sa kanila

"Excuse me po. I was looking for Tyrese Angelo Aguelo po" sabi ng batang babae.

Narinig naman iyon ni Tyrese kaya naman kusa na siyang lumapit.

"Ako iyon bakit?" sabi niya pa

"Ikaw po ba si Tyrese?" tanong pa ulit

Narinig niyang natawa ang iilang students. Napangiti na lang din si Tyrese. Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ng batang estudyante

"Langga, ako ang hinahanap mo" sabi niya pa na nakangiti

"Ay, sorry po" paumanhin pa nito sabay ng peace sign sa kanya

"So anong sadya mo bakit hinahanap mo ako Miss?"

"Dawn Felisha po" sabi agad ng dalaga

"Miss Dawn" tuloy na sabi ni Tyrese

"Dawn na lang po" sabi pa ng babae ulit

"So please continue Dawn" sabi pa ni Tyrese habang hawak-hawak niya sa kanyang gilid ang bola ng volleyball

"Pinapatawag po kayo sa Faculty Room ni Miss Fushia, ASAP daw po" sabi pa nito

"Ah I see. Okay maraming salamat" sambit niya pa. Umalis na ang babaeng mag-aaral

Pumunta naman si Tyrese sa kanyang mga ka team mate.

"Aalis na muna ako dahil pinapatawag ako ni Maam Fushia sa Faculty Room" sabi niya sa kanyang mga kasamahan

"Okay captain. Dahal ka snack pagbalik mo ha" sabi pa ni Kim

"Manahimik ka Kim! Ayusin mo yang pagserve mo" natatawang saway niya sa kanyang kateammate

Naglakad na siya papunta sa Faculty Room. Medyo malayo-layo iyon sa kanilang building. Habang naglalakad pansin ni Tyrese ang pagiging maingay ng kapaligiran. Uwian na rin kasi kaya naman marami ng mga mag-aaral ang naglalakad palabas at masok sa loob ng campus.

Nang makarating siya sa Faculty Room ay kumatok siya ng tatlong beses.

"Please get in" sabi ng tao sa loob

Pinihit naman ni Tyrese ang doorknob at nakita niyang nag-iisa doon si Miss Fushia na abala sa ginagawa nito sa harap ng laptap.

"Good afternoon maam" bati pa ni Tyrese

"Maupo ka kuman Tyrese" sabi ni Miss Fushia kay Tyrese na inirehistro nito ang kamay sa isang bakanteng upuan sa harapan ng lamesa nito

Umupo naman si Tyrese doon. Maya-maya pa ay napansin niya ang pagtiklop ng maestra sa laptap nito at humarap sa kanya. Umayos naman ng pagkakaupo si Tyrese at humarap sa guro.

"So iha, handa na ba ang buong team? The Sports week is next week na" sabi agad ng guro sa kanya

Miss Fushia is their adviser and coach of the Volleyball Team. She is handling the Roaring Phoenix, which is the team of Tyrese. It was the name of the Female Volleyball team.

"Yes maam!" agarang sagot pa niya

"Good!" sabi pa ng guro at sumandal sa upuan nito habang hinilot-hilot nito ang batok na nangaylay sa pagharap sa laptap.

"Iyon lang po ba ang sadya niyo maam?" tanong pa ni Tyrese

"Yes" sabi ng maestra habang hinihilot nito ang mga daliri nito

Akmang magpapaalam na si Tyrese ng bumukas ang pintuan ng faculty room. Iniluwa doon si Aoki at ang isang lalaking guro

"Good afternoon maam Fushia, Ikaw lang ba?" tanong pa nito

"Bakit may kilala kabang ibang kasama ko bukod kay Tyrese?" mataray nitong sabi

Palihim namang natawa si Tyrese at Aoki sa narinig.

"Maam wag naman ganon may mga bata dito" tila nahihiyang sabi nito

"Hay nako ka Calixto, manahimik ka diyan" mataray pa ring sabi nito

Palihim namang nagkatinginan si Aoki at Tyrese. Nasesense nilang mayroong namamagitan sa dalawa.

"Anyways, mabuti at nandidito ka Tyrese. Nasabihan mo na ba siya Fushia?" sabi pa ni Sir Calixto

Napatingin naman ito kay Calixto pabalik kay Tyrese at sa kamay nito na hinihilot pa rin.

"Wala pa nakalimutan ko. Sabihan mo na lang sila" ani pa ni Miss Fushia

Napailing-iling na lamang si Calixto habang tahimik lang na nakatingin si Aoki at Tyrese

"Okay since the two of you is here, I want to tell you that next week is your Sports Week Right? And this year me and Miss Fushia and the whole faculty of the Sports Department agree that this time we will invite our neighboring Stand Alone Senior High School. Pumayag na rin ang prinicipal at Presidente ng school" sabi ni Ginoong Calixto at umupo sa isang bakanteng upuan sa tabi ni Miss Fushia

"Sino may sabing tumabi ka sa akin?" taas kilay na sita ni Miss Fushia kay Sir Calixto

"Shhh, nagsasalita ako" sabi pa ni Sir Calixto na may pa lagay pa ng daliri nito sa bibig nito

Umirap na lang si Miss Fushia. Palihim na natatawa si Tyrese sa kanyang sarili. Mabait naman ang kanilang adviser slash coach pero ngayon lang niya itong magtaray

"And the both of you will be our Team Manager"

Nagkaroon ng alangan sa mukha ng dalawa

"Hep hindi pa ako tapos wag muna kayong mag react, nababasa ko sa mukha niyo ang reaksyon na gusto niyong isa-tinig. You can be a player too hindi namin kayo pagbabawalan. All you have to do is prepare your team. Choose your Muse and Escort. Bawat Team ay dapat may representative. Ang ibang sports team ay naghahanda na rin so don't let us down. Diba Miss Fushia?" sabi ni Sir Calixto at bumaling kay Miss Fushia nang nakangiti

"Yes, raise the banner of our school" tipid na sabi ni Miss Fushia at tinapunan ng masamang tingin si Sir Calixto

"Pwede nga rin kayo na dalawa ang maging escort and muse. Bagay kayo eh" nakangising sabi ni SIr Calixto

"No Way!" medyo may kalakasan na sabi ng dalawa

"Watch your mouth kids this is a faculty room, hindi rin kami mga bingi" sabi ni Miss Fushia

"Sorry maam" sabay ulit na sabi nila Tyrese at Aoki

"Nanggagaya kaba?" mataray na sabi ni Tyrese

"Hindi" tipid naman na sabi ni Aoki.

Nagkatinginan na lang ang dalawang guro sa inasal ng dalawa at sabay napangiti ng sabay living with a thoughts in their head

Hmmm.. something's fishy...


To be continue.....

Senior High School Series #4: Court of Courage (A Collaboration Series)On viuen les histories. Descobreix ara