Chapter 2

27 5 9
                                    

Isang sariwang hangin ang sumalubong kay Aoki. Kasalukuyang nasa harap siya ng gate ng kanyang transferred school.

"Firipin ni modorete yokattadesu" (It's good to be back on the Philippines)

Naglakad siya papasok sa loob at maraming mga students rin na katulad niya ay papasok pa lang din. Nakikita niya rin na may mga iilan na napapatitig sa kanya

"OMG girl ang gwapo niya"

"Oo nga te! Half breed yata yan eh"

Natawa naman siya sa huling sinabi ng babae.

Half breed?! Ano ako aso? WTH!

Patuloy lang siya sa paglalakad. Kinuha niya uli ang kanyang cellphone na nasa kanyang bulsa at binasa ang email na pinadala sa kanya

From: Southern Ville High Admin

Greetings! We would like to invite you and inform you that on the first day of class you need to attend still the orientation despite of you being a transfered students it the rule of the class. We we're looking forward to your presence. See you!

What: First Day Orientation Day
When: August *** , 8:00 AM-4:00 PM
Where: Southern Ville High Auditorium

Regards,
Human Resources Management

After mabasa uli ni Aoki ang email napakamot siya ng ulo. Dahil hindi niya ala kung saan ang auditorium.

Magtanong ka kaya sabi pa nang kanyang utak

Alam ko! Naghahanap pa ako nang mapagtatanungan wag mo akong pangunahan saway niya sa kanyang utak

May nakasalubong siyang isang student at doon siya nagtanong

"Ahm excuse me but where can I find the auditorium?"

Napansin niyang napatitig lang ito sa kanya.

"Hello??" sabi niya sabay snap ng fingers niya sa harap nito.

Napamulat naman ito na parang nagising sa maikling pagkakatulog.

"A-ahmm, doon po. Diretso ka po tapos liko ka sa may kaliwa makikita mo po ang conference room sa likod non po ang auditorium" sagot pa nito

"Salamat" tipid niyang sagot

"Ay te marunong magtagalog"

"Oo nga"

Rinig na naman ni Aoki ang sinabi ng dalawang students kanina na napagkamalan pa siyang half breed daw. Napailing-iling na lang siya at naglakad na sa sinabi ng pinagtanungan niya.

Hindi naman siya natagalan sa paghahanap dahil sakto lang ang pagkakasabi nung students. Dumaan siya sa isang pasilyo papunta sa likod at nakita niya anh auditorium.

Marami-rami na rin ang students doon dahil may nakikita siyang nasa labas naka tambay. Nang marating niya ang bukana ng Auditorium ay marami-rami na talaga ang tao roon

Sinipat niya ang kanyang orasan at quarter to 8 na. Nagpalinga-linga siya at naghanap ng mauupuan.

"Ayun!" mahina niyang sabi at pumasok na sa loob ng tuluyan.

"Is this seat available ?" tanong niya sa lalaking naglalaro ng ML

Napatingin ito sa kanya at muli ibinalik ang tuon sa paglalaro

"Yes, go ahead sit there" sagot nito "Shit. shit. shit. bobo ang ampot*" sabi nito na nanggigil sa paglalaro.

Napailing na lang si Aoki dahil nakikita niya dati ang sarili niya sa lalaki

Senior High School Series #4: Court of Courage (A Collaboration Series)Where stories live. Discover now