Chapter 30: End-of-the-world

Mulai dari awal
                                    

"So you mean wala ka pang regalo?"

"Yep"

"Tara! Shopping tayo samahan mo akong mamili, sasamahan din kita!"

"Sure" hindi ko ineexpect na magiging close kami ni Bethina after ng hindi namin magandang samahan noong umpisa. Mabuti na lang si Lord dininig ang prayer ko. The best talaga siya! :)

"Oh, antayin mo na lang ako doon sa may gate. Magpapaalam muna ako kay NERD."

"Sige"

Kaya iyon bumaba na ako mabuti na lang dala dala ko yung pera na kailangan, pambili ng regalo. Habang nag hihintay ako napatingin ako sa mga taong dumadaan. Ewan ko ba hobby ko na din ito na tignan sila. Yung iba may kasamang friends yung iba naman couple at ilan ilan lang yung mag isang lumalabas sa gate ng mag-isa.

"Star"

May nakita nga ako biglang hinawakan nung guy yung kamay nung girl. Yung mga tao sa likuran nila nag hiyawan. Hehehhe..

"Star"

May naririnig akong tumatawag ng star pero hindi ko pinapansin, di naman ako iyon eh. Pati naaaliw pa akong panuorin yung mga students na dumadaan sa harapan ko.

"Star" tapos biglang may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko si Zac ang nasa harapan ko na dapat ay si Bethina.

"Star?"

"Yeah, ikaw ang star ng buhay ko."

"Ha?" tanong ko. Napakamot naman siya ng batok..

"Alam mo na naman ang ibig sabihin ko doon eh" tapos bigla niyang ginulo yung buhok ko..

"Eh.. Nakita mo ba si Bethina?"

"Ahh sabi niya pala hindi daw siya makakasama. Si Travis na lang daw sasama sa kanya, pinakiusapan pa nga ako eh. Magkita na lang daw kayo sa Mall"

"Hala? Baka may gagawin ka pa. Wag na, okay lang na ako na lang. Kaya ko naman eh.."

Sabi ko sabay ngiti sa kanya. Ewan ko bakit ako ngumiti. Heheheh

"Sasamahan pa rin kita, dali daling ipacancel ang appointments eh. Let's go" at bago pa ako makahindi hinigit na niya ako papunta sa sakayan ng jeep. At usual pag upo namin doon dali dali niyang inabot doon sa Conductor yung pamasahe..

"Dalawang SM ______ po"

Hayysss, ganito ba talaga ang mga lalaki? Lagi na lang sila ang gumagastos? Hindi naman ako nagpapalibre, nanlilibre.

Maya maya nakarating na kami sa SM. Ang ginawa ko nanguna na akong pumasok sa Mall. Gusto ko lang makapili na kaagad at makauwi ng maaga. Naakwardan pa din kasi ako na kasama ko siya.

"Serah, wag mo naman akong iwan" napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. Na kalagay sa pocket ang dalawang kanyang kamay at nakapout na lumalapit sa akin. Bakit ang hilig ng mga lalaking mag pout? Kanina si Kenn ganyan din..

Hindi ko namalayan na katabi ko na siya.

"San tayo pupunta?" tanong niya sa akin

"Di ko nga din alam eh. Pwede mo ba akong tulungan kung anong pwedeng iregalo sa lalaki?"

"Hmmm.. Kung ako reregaluhan mo, ganito gusto ko" tapos bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Napaatras ako dahil nakakahiya! Ang daming tao kaya dito! Hinampas ko siya sa braso. "Loko!"

Tapos lumakad na ulit ako hanggang sa nadaanan ko yung stall ng mga damit. Natypan ko yung T-Shirt na nandoon, kaya pumasok na lang ako doon bigla at tinignan yung presyo. Pero mamukat mukat ko! Triple ang presyo nito sa usapan namin na worth 200 ang regalo. Bigla ko naman binitawan yung damit kahit ang ganda pa naman.

Cherish YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang