Chapter 4

1K 16 8
                                    

Kanina pa ako nagpupuyos sa galit sa lalaking 'to. Masakit na ang panga ko sa kagagalaw dahil kanina ko pa gustong basagin ang mukha ni Darwin.

Ako ang boss tapos ako ang makikiusap sa babaeng 'to para lang maging mekaniko sa shop ko? Ha! Sabi ko never kong gagawin, e!

Pero ito at nandito ako sa shop ng hayop na lalaking ito para raw tulongan siyang kumbinsihin ang nag-iinarting babaeng ito. Akala mo naman bagay! Tss. Yung mukha kang gangster sa kanto tapos nag-iinarte? The fuck?!

“Ayoko nga, Darwin. Bakit ba pinipilit mo ako na pumasok sa shop ng lalaki na 'yan?” saad ng babae habang masama ang tingin sa akin.

Problema nito? Palagi na lang galit, para akong kakainin ng buhay. Tss.

“Kasi nga pansamantala ko ngang isasara ang shop na 'to. Hindi ba nasabi ko na sa 'yo na aalis ako? May aasikasuhin ako sa ibang bansa, Kael.”

“Oh? Pansamantala lang naman pala. Edi, maghihintay na lamang ako kung kelan ka ulit magbubukas. Problema ba 'yon?” Maangas na sagot ng babae bago naupo sa hood ng kotse na kaniyang ginagawa.

Mayabang talaga!

Napabuntonghininga si Darwin na parang nauubusan ng pasensya bago tumingin sa akin. Prente akong nakaupo sa kaniyang lumang sofa habang naka de kwatro. Pinagtaasan ko ito ng kilay dahil hindi ko gusto ang tingin niya habang nakatingin ito sa akin. Parang may iba siyang naiisip na gusto ipagawa sa akin.

Tangina, Darwin! Ipupulupot ko talaga sa leeg mo ang silver chain na nakalawit d'yan sa pants mo!

“Alam mo kasi, Kael, kailangang-kailangan nitong si Crius ng kagaya mo sa shop niya.”

Nasamid ako sa sarili kong laway matapos marinig 'yon. Nang lingunin ko silang dalawa ay pareho ng masama ang tingin nila sa akin. Si Darwin na parang nakikiusap na sang-ayunan siya. At si Kael ay parang gusto na akong sunggaban para gilitan.

Oo kailangan ko pero hindi siya ang kailangan ko. Asa!  Hindi ko kailangan ng mala dragon sa shop ko.

“Talaga ba?” Sarkastikong tanong ni Kael, nakatingin sa akin nang patagilid. “Parang hindi naman? Kayang-kaya na niya 'yon, Darwin, kaya hihintayin na lang kita.”

“Kailangan mo siya, ‘di ba, Dude?” tanong sa akin ni Darwin na may makahulugang tingin. Pilit ako nitong pinatatango.

“Ha? Oo, sabi mo, e.”

Napatampal si Darwin sa kaniyang noo.

“Alam mo, Darwin, 'wag na. Hihintayin ko na lang ang pagbalik mo.”

“Makakapaghintay naman pala siya, Dude. Hayaan mo na,” agad naman na sagot ko.

“Mas mabuti pang maghintay kaysa naman payamanin kita dahil sa galing ko!”

Napataas ang aking kilay sa kayabangan nito. Nang makita niyang apektado ako sa kaniyang sinabi ay mas niyabangan pa niya ang tingin sa akin. Bahagyang kumurba patagilid ang labi nito.

“Ha! Baka lang hindi mo alam, Miss, mayaman na ako. Kahit wala ka ay mas yayaman ako!” pagyayabang ko pero mukhang hindi siya apektado.

“Talaga ba? Sa yaman mong 'yan, hindi ka makapagpahanap ng magaling na mekaniko?” she smirked.

Kung ibang babae 'to ay maangas ang datingan niya pero dahil SIYA 'yan, mukha lang siyang mayabang para sa akin!

Sinusubukan talaga ng babaeng 'to ang pasensya ko. Magsasalita na sana ako nang bigla muli itong magsalita.

“Sabagay, iisa lang kasi ako sa mundo kaya mahihirapan ka talaga.” Mayabang pa nitong dugtong. Tumalon ito para makababa sa hood ng kotse at mayabang na naghalukipkip. Napaupo ako ng maayos.

Womanizer Series #2 : Crius Irvin HoltWhere stories live. Discover now