Prologue

8.1K 105 10
                                    

"What?" I asked the girl in front of me.

"Naku! Huwag mo ako ma-english english ispekening d'yan at baka mapalaban ka sa 'kin! Sinasabi ko sa 'yo!" mayabang nitong tugon. Nagsalubong ang mga kilay ko habang nagtatakang nakatingin sa babae.

"Are you crazy? What are you talking about?"

"Oh, bakit? Hindi ba may gusto ka sa 'kin kaya panay ang tingin mo? Naku! Huwag ako, boy! Alam ko na ang mga galawang gan'yan!"

"You're unbelievable! Have you seen yourself?"

"Aba! Alangan! Lagi ko kayang kinakausap ang sarili ko sa salamin! Magkasundong-magkasundo nga kami, e!"

She's really something... Baliw ba 'to?

"Never akong magkakagusto sa kagaya mo! Look at you! Mas mukha ka pang lalaki sa 'kin! You're not my type!" I said while looking at her from head to toe.

"Wow!" sarkastiko niyang sabi. "Grabe naman 'yon! Sagad hanggang balunbalunan, boy! Pogi yarn? Gagi 'to, a!"

Para talaga siyang lalaki kung umasta. Tss. And she thinks I like her? Fuck! I'm not insulting her, but for fuck sake! She's not really my type.

"Look, woman... I'm sorry, okay? It's not my intention to insult you. I'm here because I'm looking for someone."

"Ganyan naman kayong mga lalaki. Pagkatapos nyong gumawa ng kalokohan, akala niyo mabubura ng simpleng sorry lamang ang lahat. Paano naman ang feelings naming mga babae? Nasasaktan din kami. May puso at kaluluwa—"

"Stop!" sigaw ko dahil sa dirediretso nitong pagsasalita na tila nagdadrama pa. Natigil naman ito dahil sa gulat sa pagkakasigaw ko. Nag echo pa ito sa buong shop kung saan kami naroroon.

"Pwede ba? Hindi ako nagpunta rito para makinig sa mga drama mo? I'm looking to my friend who owned this old shop. So, just call him and stop acting in front of me because, I'm not a movie Director. Okay?" nauubusang pasensya na wika ko sa babae.

"Tss. Yabang naman nito! Banatan kita riyan, e!" bulong nito na hindi ko masyado naintindihan.

"What?"

"Wala! Tsismoso ka rin, e. Tatawagin ko na si Boss. Baka tumirik ka na riyan kasalanan ko pa!" At padabog itong umalis sa harapan ko.

Tss. Sino ba ang babaeng 'yon? Bakit may babaeng tauhan ang mokong na iyon dito sa shop niya? Hindi naman pwedeng model ng sasakyan ang klaseng iyon. Mukhang tomboy, madungis dahil may mga kulay itim ang mukha nito. Nakasuot ng malaking t-shirt at pants na maong na sira ang tuhod. May magulong buhok na daig pa ang nakipag-away.

Tinignan lang naman feeling may gusto na sa kanya. Napatingin lang naman ako dahil nga madungis siya. Tss. Never akong magkakagusto sa ganoong klase ng babae. Matapang pa sa mga lalaki at parang palengkera. Sakit sa ulo ang mga ganyan.

Naupo na lamang ako sa isang sofa at hinintay ang paglabas ng pakay ko habang tinitingnan ang buong shop na puro tambak ng tools.

Womanizer Series #2 : Crius Irvin HoltTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon