"Tara na," aya ni Jarred sa dalaga. Tumango lang si Ella bilang sagot. Kaya naman binuhat na ito ni Jarred pasakay sa wheelchair. Hindi na naman nila need ng tulong ng nurse dahil habang tulak ni Jarred ang wheelchair ay si Ella na ang may hawak ng gamit nila.

"Malayo pa ba?" hindi na mapigilang bulalaa ni Ella habang binabagtas nila ang daan patungong ospital kung saan naroon si Jarra. Sa ilang buwang hindi niya nakasama ang anak pakiramdam niya ay taon na ang lumipas.

"Malapit na," tipid na sagot pa ni Jarred ng ituro niya ang natatanaw na malaking ospital. "Saglit na lang," dagdag pa nito.

Pagkarating nila ng ospital ay humingi ng wheelchair si Jarred na agad namang tinugon ng guard na nandoon. Ang guwardiya na rin ang nagpark ng kotse niya.

Pakiramdam ni Ella ay lalabas ang puso niya sa labis na kaba. Miss na miss na niya ang anak.

Nakatatlong katok pa si Jarree bago nito binuksan ang pintuan. Akala ni Ella ay masayang mukha ni Jarra ang kanyang maaabutan ngunit nagkakamali siya. Isang Jarra na nakatalikod mula sa pintuan ang nakita niya na sa tingin pa niya ay nagngunguyngoy.

Napasinghap naman ang lahat ng naroon ng makita si Ella. Walang nakagawa ng ingay sa tatlong babaeng bantay. Unang lumapit ang mommy niya sa kanya. Nandoon pa lang sila sa may pintuan ni Jarred. Hindi na napigilan ni Ella ang pagluhod ng mommy niya sa harapan niya at mahigpit niyang niyakap.

"I'm sorry princess hindi ko sinasadya. Sana ay bigyan mo pa ng isa pang chance si mommy na makabawi sayo. Sana ay mapatawad mo ako anak. Hiyang-hiya ako sayo at sa daddy mo. Napahamak ka ng dahil sa akin. Patawad anak," bulong ni Elizabeth sa kanya habang hindi na mapigilan ang pagluha.

"Sorry mommy kasi naduwag ako. Patawad po."

"Wala kang kaslaanan Ella. Ang mommy ang nagkulang sana ay mapatawad mo ako."

"Wala na po iyon sa akin mommy. Mahalaga maayos na po tayo. Maayos na po ako. At salamat po sa pagbabantay kay Jarra."

"Apo ko si Jarra. Kaya naman kung gaano kita kamahal ay ganoon rin ang apo ko. Kayong dalawa ang buhay ko Ella. Mahal na mahal kita."

Habang nag-uusap ang mag-ina ay patuloy pa rin sa pagnguyngoy si Jarra at hindi napapansin na nandoon sa kwartomg iyon ang papa at mama niya.

Nilapitan naman siya ni Nay Angela at Maric. Binigyan naman ng puwang ni Elizabeth ang mag-ina para makumusta ang anak.

"Salamat Maric, Nay Angela sa pagsama kay mommy sa oagbabantau kay Jarra."

"Mahal ka namin at si Jarra kaya kami nandito. Mabuti at kahit papaano ay naalala mo na kami. Sure na matutuwa si Jarra. Kahapon pa iyang nagngunguyngoy dahil miss ka na na. Hindi na rin kasi namin talaga alam ang gagawin at sasabihin sa anak mo," paliwanag ni Maric.

"Anak nabalitaan namin kay Jarred ang ginawa mo. Huwag mo ng uulitin iyon Ella. Isipin mo ang anak ko. Kami na nagmamahal sayo."

"Opo sorry mommy. Hindi na pobtakaga iyon mauulit dahil nandito na po kayo. Salamat po."

"Masaya akong masaya ka na ulit Ella," ani Nay Angela at niyakap siya ng mahigpit.

Napatingin naman sila kay Jarred na ngayon ay nasa tabi ng nakatalikod na si Jarra.

"Jarra, may surpresa ako ako," malambing na saad ni Jarred na ikinatigil ng pag-iyak ni Jarra.

"Ano po iyon papa? Bibigyan mo po ulit ako ng 8sang kahon na lychee? Ayaw ko na po noon. Nagsasawa na po ako. Parang habang tumatagal nagsasawa na po ako," malungkot na saad ni Jarra kaya naman nagkatinginan si Ella at Maric.

"Totoong nagsasawa ka na sa lychee?"

"Opo papa. Hindi ko na iyon gusto. Mas gusto kong makita si mama. Miss na miss ko na po ang mama ko."

Hindi na napigilan ni Ella ang maluha sa narinig sa anak. Pareho lang sila ni Jarra na namimiss ang isa't isa.

"Okay. Anak sayang lychee pa naman ang pasalubong ko sayo. Akala ko masusurpresa ka. Tahan na sorry talaga makikita mo rin ang mama mo," ani Jarred at pinatakan ng halik ang ulo ni Jarra.

Tumayo naman si Jarred at mabilis na nilapitan ni Ella. Binuhat niya ang dalaga at iniupo sa kama na kinahihigaan ni Jarra. Kahit umiiyak ay pinigilan ni Ella na may lumabas na hikbi sa mga labi niya. Pinagpatuloy lang niya ang paghaplos sa buhok ni Jarra. Minsan ay hinahalikan niya ang ulo nito.

"Ayaw mo talaga ng lychee Jarra? Sa amin na lang itong pasalubong ng papa mo?" tanong ni Maric na walang pagdadalawang isip na sinagot ni Jarra.

"Opo sa inyo ng lahat. Si mama po ang gusto ko."

"Akala ko ba ay paborito mo ang lychee at sabi mo sa akin hindi ka magsasawa doon. Iba na ang favorite mo ngayon?" tukso ni Ella na hindi na napigilan ang paghikbi.

Bigla namang napabaling si Jarra sa kanyang mama. Doon nag sunod-sunod na ang pagtulo ng luha ni Jarra at mabilis na niyakap ang mama niya.

Halos hindi magkaintindihan si Jarra kung paano yayakapin si Ella. "Mama, mama ko. Miss na miss na kita. Hindi na ba ulit tayo maghihiwalay? Mama ko," pagsusumamo ni Jarra sa pagitan ng kanyang mga hikbi.

"Hindi na tayo muling maghihiwalay pa anak. Mahal na mahal kita."

Ang ilang buwang hindi pagkikita ng mag-ina ay ibinuhos ang pagkamiss sa isa't isa sa pamamagitan ng mahigpit na yakap at pag-iyak.

Kahit si Elizabeth, Angela at Maric ay hindi nakaligtas ang mga luha sa tagpong iyon ng mag-ina.

Hindi na rin napigilan ni Jarred ang sarili na yakapin ang mag-ina niya. Ngayon niya masasabing napakaswerte niya sa pagkakataong iyon. Napakasarap sa pakiramdam na mayakap niya ang babaeng kanyang pinakamamahal at ang kanyang anak.

Mula sa pintuan ay biglang pumasok si Teo at Nald. Hindi naman nila inaasahan ang ganoong tagpo ang kanilang maaabutan. Kusa na lang nag-angat ng cellphone si Nald at Teo at kinuhakanan ng larawan ang mag-anak na magkakayakap. Pareho lang sila ng iniiisip. Napaka memorable ng tagpong iyon kay Jarred at Ella ganoon din kay Jarra. Kaya ibibigay nila ang kopya ng larawang iyon sa kaibigan.

Matapos ang masarap sa pakiramdam na yakap ay nagbaling ng tingin si Jarra kay Jarred na anino ay nagtatanong.

"Papa?"

"Yes baby? May kailangan ka?"

"Nasaan na po ang pasalubong mong lychee? Sabi mo po may isang kahon kang pasalubong sa akin," inosenteng tanong ni Jarra kaya napangiti na lang si Jarred.

"Akala ko ba ayaw mo na ng lychee. Hindi mo na paborito at hindi mo na gusto."

"Hindi po ba pwedeng malungkot lang po ako kaya ko po nasabi iyon? Nandito na po si mama sa tabi ko kaya po gusto ko na po ulit ng lychee nasaan na po?"

Hindi naman napigilan ni Ella ang matawa sa sinasabi ng anak. Iyong ngiting totoo at masasabing sobrang saya. Lahat din ng nandoon sa kwartong iyon ay hindi mapigilang matawa kay Jarra.

"Iba ka talaga Jarra, napasaya mo ako," sabat ni Maric, na ikinatawa din ng iba.

"Papa?"

Napatingin naman si Jarred sa may pintuan at nakita si Nald at Teo na may dalang plastic bag.

"Sorry Jarra walang isang kahon ang lychee. Dapat ay kanina pa kami, nagpahanap lang nito ang papa mo. Kaya lang ito na lang ang nakita namin," sabay taas ni Teo ng lychee na dala.

Halos magningning naman ang mga mata ni Jarra sa mga lychee na nakikita.

"Ang mahalaga po ay mayroon," sagot ni Jarra ng abutin ni Jarred ang plastic na may lamang lychee at ibinigay kay Ella. Si Ella na ang nagbalat ng lychee para makain ng anak.

"Salamat po papa, mama. Thank you po kasi nakasama ko po kayong dalawa. Buo na po ako. Buo na ang pagkatao ko. Tapos mo may lychee pa ako." ani Jarra na habang kumakain ng lychee ay umiiyak.

Halos maiyak sila sa unang sinabi ni Jarra. Totoo naman napaka emosyonal ng binitawang salita ng bata. Ngunit agad ding umurong ang kanilang luha sa huking sinabi ni Jarra.

Ang malungkot na mood sa pagtatagpong muli ng mag-ina ay napalitan ng saya. Tuwing mababanggit sa pag-uusap nila ang lychee at si Jarra.









In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now