Chapter 7

8 0 0
                                    

Chapter 7

Makalipas pa ang ilang buwan ay nagpakasal na nga si Elizabeth at Roi. Nandoon din ang ilang kamag-anak ng daddy niya na tanggap ang muling pagpapakasal ng mommy niya.

Kahit papaano ay masaya siya para sa mga ito. Lalo na para sa mommy niya. Kitang-kita niyang hindi matatawaran ng ano mang materyal na bagay ang sayang nararamdaman ng mommy niya.

Katabi niya ngayon si Jarred. Napasulyap naman siya sa kasintahang nakahawak sa baywang niya. Habang hindi inaalis ang tingin sa step-father niya. Napakunot noo naman siya ng maramdaman ang pagpisil nito sa kanyang tagiliran.

"Aray! ko naman Jarred. Pinanggigigilan mo ang taba ko," natauhan naman si Jarred sa ginawa.

"Sorry sweetheart, masakit ba?"

"Oo masakit, alam mo namang hindi nga ako mataba pero siksik naman ang laman ko. Pag-iyon talaga ay pumasa lagot ka sa akin," napangiwi naman si Jarred ng aruhan niya ito ng kamao. Narinig pa nila ang pagtawa ni Hanna na kasama rin nila sa table na iyon. Nandoon din si Teo at Nald.

Patuloy pa rin naman ang program para sa mga bagong kasal. Kaya alam niyang masaya ang mommy niya sa nangyayari sa mga oras na iyon.

"Sorry talaga, sweetheart hindi ko sinasadya."

"May problema ba? Kanina pa kitang napapansin na nakatingin kay Tito Roi."

"Wala naman. Nagulat lang ako na magpapakasal na si Tita Elizabeth. Hindi mo man lang naulit sa akin. Pero kasalanan ko rin naman na naging busy ako sa trabaho. Hindi na ako nakapagtanong ng tungkol sa nangyayari sa bahay ninyo. Malimit kaming makahanap ng project nina Teo at Nald. Alam mo na. Gusto rin naming makapagpatayo ng sariling kompanya iyong mismong amin at hindi galing sa mga magulang naming tatlo."

Mas lalo lang humanga si Ella sa determinasyon ni Jarred. Mabibilang lang sa daliri ng kamay ang lalaking may ganoong pananaw sa buhay. Ang ibang lalaki ay mas ipagmamalaki pa ang yaman ng pamilya. Pero si Jarred kahit likas na mayaman, mas gusto pa ring mula sa sarili nitong dugo at pawis ang bagay na ipagmamalaki nito.

"Kaya lalo akong naiinlove sayo, gawa ng prinsipyo mo. Napakaswerte ko naman talaga sa boyfriend ko."

"Syempre naman. Lahat ng ginagawa ko ay para sayo. Ganoon kita kamahal. Pero maiba ako sweetheart, ayos ka lang ba sa bahay ninyo na kasama ang step-father mo?"

Nagbaling naman siya ng tingin kay Roi na masayang nakikipag-usap sa mga bisita habang inaalalayan ang mommy niya. Hindi na kailangan pang malaman ni Jarred ang weird niyang nararamdaman. Lalo na at wala namang ipinapakitang masama si Roi sa kanya. Baka tulad lang noong mga nauna. Praning lang siguro siya ng mga oras na iyon.

"Oo naman. Kita mo naman na mahal na mahal ni Tito Roi si mommy ganoon din si mommy sa kanya. Mabait naman si Tito Roi. Ang ibang gawaing bahay, bago sila umalis papuntang boutique at pagkauwi nila ay si Tito Roi ang gumagawa. Masaya akong masaya si mommy palagi niyang sinasabi sa akin na ang pag-aalaga sa kanya ni Tito Roi ay parang katulad ni daddy sa kanya. Pakiramdam daw niya ulit naging reyna siya sa piling ni Tito Roi."

Napatango na lang si Jarred sa naging sagot ni Ella. Wala namang masama kung ganoon ang lalaki sa mommy ni Ella. Higit sa lahat deserve naman ng mommy ng dalaga ang mahalin at alagaan.

Naramdaman na lang ni Ella ang mahigpit na paghawak ni Jarred sa kanyang kamay. Damang-dama niya ang init ng palad nito.

"Mahal na mahal kita Jarred, hintayin mo akong tumanda ha," bulong ni Ella at hinalikan pa ni Jarred ang tungki ng ilong niya.

"Pangako Ella. Hihintayin kita sa panahong tayo naman ang haharap sa dambana ng kahit saang altar na gusto mo at magpapalitan ng pangako sa isa't-isa. I love you too sweetheart."

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now