Chapter 17

8 0 0
                                    

Chapter 17

Habang naglalakad si Ella sa madilim na daan ay walang tigil sa pagbuhos ang kanyang mga luha. Sobrang sakit na ng nararanasan niya. Ngunit kailangan niyang tanggapin ang lahat ng dagok na nararamdaman niya. Kasalanan din naman kasi niya. Hindi kasi niya kayang magsalita. Natatakot siya. Natatakot siya sa mga pwedeng mangyari. Kung maaari nga lang niyang gawin ang huling sinabi ng mommy niya ginawa na sana niya. Sana nga isang araw wala na siya. Sana isang araw malimot na ng mundo na may isang siya na nakilala ng iba.

Napahugot pa siya ng hininga ng makita ang paligid. Hindi naman siya natatakot sa dilim. Mas nakakatakot pa nga ang katotohanang isinusuka na siya ng mundo. Sa isang iglap nagbago ang lahat. Iyong tipong natutulog ka lang. Pero paggising mo, hindi na ikaw ang dating ikaw. Nagbago na. Wala na ang dating siya dahil lang sa natulog siya.

Malayo na ang narating niya habang patuloy na binabagtas ang madilim na kalsada ng may humintong tricycle sa harapan niya kaya natigil siya sa paglalakad. Kung sa iba ay baka tumakbo na sa takot sa pwedeng mangyari sa buhay nito. Pero siya ay hindi. Wala na ring halaga ang buhay niya.

Ngunit hindi naman panganib ang dala ng driver ng tricycle na iyon ng magsalita ang driver. "Hija sasakay ka ba? Baka nais mong magpahatid. Buena mano lang sa umaga."

Doon lang niya napansing nasa tapat pala sila ng poste ng kuryente at may ilaw doon. Kaya naman pala nalaman ni driver na babae siya.

"Sa terminal po ng bus manong," aniya.

Bumaba naman ang driver at tinulungan siyang maisakay ang hawak niyang maleta. Pagkatapos noon ay sumakay na rin siya sa loob ng tricycle.

"Salamat hija sa pagsakay mo. Kahapon ay hindi ako nakabyahe, at sumama ang pakiramdam ng anak ng asawa ko. Bali pangalawa akong asawa ng misis ko ngayon. Naiwan sa akin ang anak niyang babae at katulong naman siya sa ibang lugar. Hindi ko naman maiwan ang anak niya dahil parang anak ko na rin. Kaya ngayon lang ako nakabyahe, maayos na kasi ang pakiramdam niya."

Naagaw ng driver ng tricycle ang atensyon niya ng magsalita ito. Kaya nabaling dito ang paningin niya.

"Nagtiwala pong iwan ng asawa ninyo ang anak niyang babae sa inyo? Kahit hindi naman kayo tunay na mag-ama?" gulat na tanong ni Ella at hindi makapaniwala sa narinig.

Natawa naman ang driver sa sinabi niya. Mukha namang hindi ito nagalit kahit pa sabihing nakakapagduda naman ang ganoong sitwasyon.

"Siguro ay mahilig kang manood ng mga balita hija, at kung anu-anong naiisip mo. Pero huwag kang mag-alala. Hindi naman ako nag-iisip ng masama sa sinabi mo. Bagkus ay gusto kong ipagmalaki na, wala man akong kakayahang magkaroon ng anak, ay parang nagkaroon ako ng sariling akin dahil sa pagdating ng aking asawa at ng anak niya. Mahal na mahal ko ang batang iyon na parang sariling akin. Sa katunayan ay kaarawan na niya sa susunod na buwan. Kaya talagang nagsisikap akong magsipag sa pagta-tricycle. Mabilhan ko man lang siya ng bagay na gusto niya. Sana daw ay magkaroon siya ng cellphone. Kaya talagang pinag-iipunan ko iyon hija. Dalaga na rin kasi at dese otso na."

Proud na pagkukwento ng driver na nagpatulo na naman sa mga luha ni Ella. Napahugot pa siya ng paghinga. Kung sana lang. Halos mapahagulhol pa siya ng pag-iyak na narinig naman ng driver. Sa gulat ay naitigil nito ang tricycle sa gilid at inikutan siya mula sa sidecar nito.

"Ayos ka lang ba hija," tanong ng driver habang nasa labas na gilid ng sidecar.

"Sorry po. Mababaw lang po ang luha ko. Nakakatuwa po kasi ang kwento ninyo. Sana po lahat ng lalaki ay katulad po ninyo kung magmahal. Kahit sa hindi ninyo kadugo. Sobra pong nakakaproud ang lalaking katulad po ninyo," ani Ella ng maramdaman niya ang pagtapik ng lalaki sa balikat niya.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now