Chapter 28

9 0 0
                                    

Chapter 28

Nakaupo lang sa couch si Jarred sa loob ng hotel ng tumunog ang doorbell. Tumayo naman kaagad ang binata at pinapasok ang bagong dating.

Pinapanood lang nina Teo at Nald ang mga kilos ni Jarred, hanggang sa iniabot ng bagong dating ang isang envelope.

"Ano yan Jarred?" hindi mapigilang tanong ni Teo ng biglang iabot sa kanila ni Jarred ang hawak.

Wala namang pagdadalawang isip na kinula nila ang laman. Napatingin na lang din sila sa dumating ng magsalita ito.

"Si Ms. Ella Shelley po ay dumating dito sa San Nicholas six years ago. Kinupkop siya ng mag-inang Angela at Maricriz. Ayon po sa pagtatanong tanong ko, wala namang nakasalamuha or naging boyfriend si Ms. Ella mula ng magtungo dito. At tungkol po sa anak niya tunay pong anak niya iyon. Wala lang pong makapagsabi kung may kinatagpo po bang iba si Ms. Ella, o ano man. Lalo na po at walang makapagsabi. Hindi din po kasi iyon masigurado at wala po akong basehan. Ayon naman po sa pagkakakilanlan ng bata. Ang pangalan po nito ay  Jarra Rein. Iyon ang nakuha kong impormasyon, ng  magtanong ako sa ospital na ipagdalhan sa kanya. Pero wala pong surname na nakalagay. Hindi din nakarehistro ang bata sa Philippines Statistics Office. Pero si Ms. Ella ang biological mother ng bata. Walang nakakaalam ng identity ng ama ng bata," mahabang paliwanag ng lalaki kaya bigla silang naguluhan.

"Hindi nakarehistro ang bata?"

"At hindi mo nalaman kung sino ang ama?"

Nagtatakang tanong ni Teo at Nald na ikinatango lang ng kausap.

"Hindi ko na kailangang malaman kung sino ang ama ng anak ni Ella. Ang gusto kong ay mailayo ang bata sa kanyang ina," nakangising saad ni Jarred na ikinagulat ng dalawa.

"Anong kalokohan ang sinasabi mo Jarred? Mag-isip ka nga ng mabuti. Huwag mong idamay ang walang muwang na bata. Nakita mo naman ang paghihirap ni Ella di ba? May sakit pa ang anak niya. Kailangan pa niya ng malaking pera para maipagamot ang bata. Ano bang pagpapahirap pa ang gusto mong mangyari kay Ella. Kung hinihintay mo ay karma. Siguro mula ng nanganak siya. Pinagbabayaran na niya iyon," ani Teo na naiinis sa kaibigan.

"Sir heto po ang address kung saan nakatira si Ms. Ella. Nasa palengke po ngayon sila kasama ni Ms. Maric. Ang nasa bahay lamang po ngayon ay iyong nanay ni Ms. Maric at ang bata. Nakauwi na rin po kasi noong isang araw ang bata," paliwanag pa ng lalaki at tuluyan ng tumayo.

"Thank you," ani Jarred at iniabot ang isang envelope ng pera na hindi alam nina Nald at Teo kung paano nakakuha kaagad ng pera si Jarred. Gayong nasa probinsya sila at hindi naman sila nagkakahiwa-hiwalay.

Nagpaalam na rin ang lalaki sa kanila. Mabilis na kinuha ni Jarred ang susi ng kotse.

"Saan ka pupunta Jarred? Pabayaan mo na si Ella," naiinis na saad ni Nald na nginisian lang ni Jarred.

"Note this time. Kasalanan niyang nagtagpo ang landas namin. Ngayon maniningil ako."

Hindi na napigilan nina Teo at Nald si Jarred sa balak nito. Kaya naman, sumama na lang sila sa pag-alis nito.

"Anong gagawin natin dito?" nagtatakang tanong ni Teo ng tumigil sila sa may palengke.

"May bibilhin lang ako."

Hindi na nila napigilan si Jarred ng lumabas ito sa sasakyan.

Ilang beses pang inilibot ni Jarred ang paningin ng makita niya ang hinahanap. Malaki na talaga ang ipinagbago nito. Ngunit sa halip na maawa siya sa dating kasintahan ay kinasusuklaman pa niya ito.

Ngunit hindi niya alam kung bakit matapos makita si Ella ay parang hinila naman ang kanyang mga paa sa pwesto ng mga nagtitinda ng prutas. Naalala niyang bigla ang sinabi noong si Maric na gusto ni Jarra ang lychee. Kaya kahit hindi niya maintindihan ang sarili ay bumili siya ng tatlong bungkos ng lychee.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now