Saglit na inilapit ni Jarred ang sarili kay Ella at niyakap ang dalaga. Hinayaan niyang umiyak ito ng umiyak para mailabas ang mga hinanakit sa kanya. Napaka fragile talaga ni Ella. Kaya naman lahat ng naging aksyon niya sa mga nakalipas na taon at buwan ay labis niyang pinagsisisihan ngayon.

"Sweetheart," ani Jarred habang hinahalikan niya ang ulo ni Ella. Noon ay napapakalma ng halik na iyon si Ella. Sana naman ngayon ay ganoon pa rin.

"Jarred."

Hindi inaasahan ni Jarred na mag-aangat ng mukha si Ella kaya naman ang halik na para sana sa basang buhok ni Ella ay tumama sa malambot na labi ng dalaga.

Nagkatinginan pa sila ng ilang segundo habang magkabugpong ang mga labi nilabg dalawa, bago sila naghiwalay.

"Huwag kang magalit Ella. Hindi pa ako nakakabawi, may kasalanan na naman kaagad," depensa ni Jarred na hindi malaman kung paano sisimulang magpaliwanag. "I'm sorry. No, yes. I mean, hindi ko sinasadya. But I'm not sorry for the kiss. Namiss kita," hindi napigilang saad ni Jarred.

Hindi na lang ulit nagsalita si Ella pero sa loob-loob niya ay tama si Jarred. Namiss din niya ito. Pero hindi naman ganoong kadali ang lahat. Nais pa rin niyang patunayan ni Jarred kung totoong sa kabila ng hindi magandang nangyari sa kanya ay talagang tanggap pa rin siya ng buong-buo ng binata at walang halong panghuhusga.

"Sweetheart."

"Hindi ako galit. Nilalamig na ako, bilisana na natin, gusto ko na ring makita at makasama si Jarra."

"Okay sweetheart. I love you," sagot ni Jarred at mabilis na bumalik sa pwesto niya at nagkabit ng seat belt.

Nasundan na lang ni Ella ng tingin si Jarred. Dahil sa huling sinabi nito. Hindi siya pwedeng magkamali. "Anong sabi mo?"

Isang matamis na ngiti naman ang naging paunang sagot ni Jarred. "Sabi ko thank you kasi hindi ka galit."

Napatango na lang si Ella at hindi na nagtanong pa. Napangiti na lang siya ng lihim dahil narinig naman niya ng malinaw ang sinagot ni Jarred. Sa tingin lang niya at nahiya na lang itong ulitin iyon muli sa kanya.

Pagkarating ng ospital ay agad ding inasikaso ng doktor si Ella at pinagpalit ng damit. Nagpalit na rin ng damit si Jarred pagkatapos ni Ella.

Naabutan pa ni Jarred na may sinasabi ang doktor sa dalaga.

"Hindi ka pa pwedeng lumabas ng ospital. Nakasama sayo ang maglakad kaya naman kailangan mong ipahinga ang katawan mo. You need a bed rest. Hindi dahil sa may mali sa katawan mo. Kundi dahil iyon pa rin talaga ang kailangan mo. Mula ng makalabas ka ng ospital dahil na rin sa aksidente mo noong una," paliwanag ng doktor.

"Pero gusto ko long dalawin ang anak ko," nabaling kay Jarred ang paningin ni Ella ng makita niya ang binata na nakalabas na ng banyo. "Jarred, ang anak ko," napahugot pa siya ng hininga. "Si Jarra ang a-anak n-natin. Miss ko na siya. Gusto ko siyang makita."

Lihim namang natuwa si Jarred dahul sa sinabi ni Ella tungkol kay Jarra. "Dok, ako na ang bahala kay Ella. Kung talagang need ni Ella na bumalik dito ay babalik kami. Sa ngayon ay ako na muna ang bahala sa kanya. Pangako makakapagpahinga si Ella lalo na at sa ospital din kami pupunta."

"Kung hindi ko mababago ang desisyon mo Jarred sa kalagayan ni Ella ay huwag mo muna siyang hayaang maglakad o magkikilos. Hayaan mong sa wheelchair muna si Ella. Masyadong napwesrsa ang hita niya."

"Salamat dok ako na ang bahala."

Ilang minuto pagkalabas ng doktor ay may dumating na nurse na may dalang wheelchair. Nagpasalamat na lang din si Jarred sa huli. Inayos ni Jarred ang mga gamit nila ni Ella.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now