Naabot na rin ng tubig dagat ang mga paa nila. Pero mukhang hanggang doon na lang ang itataas ng tubig sa mga oras na iyon kaya hindi na si Jarred nag-abala pang umalis sa pwesto nila. Nang dahil sa pagod, na nararamdaman ni Jarred ay kusa na lang pumikit ang kanyang mga mata.

Napakislot ang mga paa ni Ella ang maramdaman niya ang malamig na tubig dagat na bumabasa sa kanya. Napakunot noo pa siya dahil hindi niya maunawaan ang nangyari.

Natatandaan niyang dinaluyong siya ng isang malakas at malaking alon hanggang sa lumubog siya. Naramdaman niyang halos hindi na siya makahinga hanggang sa wala na siyang maalala.

Napamulat ng mata si Ella at biglang napabangon mula sa pagkakahiga. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Natatanaw niya ang malawak at magandang dagat habang naaabot ng alon ang kanyang paa.

Basang-basa pa rin ang kanyang suot dahil na rin sa nakahiga siya sa basang buhagin.

"Patay na ba ako?" naguguluhang tanong niya sa sarili ng mapansing may anino siya. "May anino ba ang multo?" tanong niyang hindi maunawaan ng may sumagot sa kanyang katanungan.

"Una sa lahat buhay na buhay ka pa sweetheart. Ikalawa walang anino ang multo. May anino ka, ibig sabihin buhay ka."

Napaatras naman si Ella dahil hindi talaga niya napansin ang lalaking nasa tabihan niya. Na sa tingin niya ay ito ang yakap-yakap niya kanina. Bukod sa naramdaman niya kaninang may unan-unan siya at sigurado siyang bisig iyon ng lalaking kaharap.

"Anong ginagawa mo dito Jarred!" pagalit niyang sambit ng maalala na naman ang pagtatanggakang pagpapakamatay na hindi na naman natuloy.

Naupo naman si Jarred at itinuon ang braso sa likuran para makabalanse. Sumasakit talaga ang ulo niya sa mga oras na iyon. Dala pa rin siguro ng sleeping pills na nainom niya. Mali salisihang ipinainom sa kanya ni Ella.

"Ano bang problema mo ha! Bakit ba hindi mo na lang ako pabayaan sa gusto kong mangyari sa buhay ko! Gusto ko ng maging malaya, gusto ko lang maging panatag na ang isipan ko sa mga bagay-bagay. Please Jarred pabayaan mo na ako," pagsusumamo pa niya.

"Hindi ko hahayaan ang gusto mo Ella. Ngayon pa na alam ko na ang lahat."

"Anong alam mo? Wala kang alam sa buhay ko. Pabayaan mo na ako! Inilayo mo sa akin ang anak ko. Si Jarra na lang ang buhay ko. Pero inagaw mo siya sa akin. Pakiusap pabayaan mo na ako! Palayain mo na ako!" sigaw ni Ella na hindi napaghandaan ni Jarred.

Mabilis siyang itinulak ng dalaga kaya naman lumubog sa buhangin ang kanyang kamay. Mabilis na nakalayo si Ella sa kanya at hinayon na naman ang dagat.

"Pasaway talaga. Hagya ko ng naialis sa dagat magpapakalunod na naman," asik ni Jarred habang dahan-dahang hinuhugot sa buhangin ang lumubog na mga kamay. Hindi naman niya kaagad maalis iyon dahil nasa likuran ang kamay niya habang nakahiga siya sa buhangin.

Napaupo na lang si Ella habang nakalubog ang katawan sa dagat. Hindi pa siya gaanong nakakalayo ng biglang bumigay ang paa niya sa paglalakad. Alam naman niyang may problema pa siya sa paa. Hindi na malala pero hindi pa rin isangdaang porsyento na magaling.

"Ella," halos mapatuwid ng katawan ni Ella ng maramdaman niya ang pagyakap ni Jarred mula sa likuran. Gusto man niyang magpumiglas para mabitawan siya nito ay wala na siyang nagawa. Pakiramdam niya ay paubos na ang kanyang lakas. Pagod na siya.

"Don't always runaway sweetheart lalo na kung may problema ka. Mula ng nangako ako sayo na aalagaan kita, totoo iyon. Lahat ng sinasabi ko sayo ay totoo," naramdaman na lang ni Ella ang pagtama ng hininga ni Jarred sa kanyang may batok. Lalo lang siyang hindi makagalaw dahil sa sensasyong kanyang nararamdaman. Kahit nakalubog ang kanilang mga katawan sa malamig na tubig ng dagat.

"Pero wala kang alam ng tungkol sa akin Jarred."

"Oo noon wala akong alam noon. Pero ngayon alam ko na ang lahat sweetheart please stay with me."

"A-anong i-ibig mong s-sabihin?" nauutal pang tanong ni Ella habang nakakaramdam siya ng takot.

"Don't scared sweetheart ako lang ito. Si Jarred," sinimulang sabihin ni Jarred ang nalalaman niya. Kahit bumuhos ang mga luha ni Ella sa matinding pag-iyak ay itinuloy pa rin ni Jarred ang pagsasalita.

"Dapat pinabayaan mo na ako. Wala na akong mukhang maiiharap sa iyo. Isa pa si Jarra, anak ko si Jarra. Dugo at laman pero nawala siya sa akin ng hindi man lang nalalaman ng anak ko kung sino ang ama niya. Kaya sabihin mo sa akin Jarred. Paano pa ako magpapatuloy kung nawala na ang lahat sa akin. Paano pa ako magsisimula? Ang mommy itinakwil niya ako mula ng araw na makipaghiwalay ako sayo. Wala na akong lugar dito sa mundo. Isa lang akong basura ng tulad ng sinabi mo noon. Tama ka basura lang ako. Para lang akong basahan na ginamit nang ginamit tapos iniwan na lang na parang hindi nagkaroon ng silbi. Alam kong ganoon lang ako. Kaya bakit hindi mo pa ako hayaan sa gusto ko. Pakiusap Jarred pabayaan mo na ako sa gusto kong gawin," hindi na mawari ni Jarred ang awang nararamdaman niya para kay Ella. Kaya lang hindi pa siya tapos magsalita inunahan na siya kaagad ng dalaga.

"Makinig ka muna kasi. Hindi ka pwedeng mamatay kasi nandito pa ako. Hindi pa ba ako sapat para ipagpatuloy mo ang buhay mo!" medyo tumaas na ang boses ni Jarred. Hindi kasi makinig si Ella sa kanya.

"Sinabi ko na sayong hindi na ako karapatan-dapat sayo!"

"Sinong karapat-dapat sa akin ha!? Makinig ka nga Ella! Hindi totoo ang sinabi ni Kisha okay. Buhay si Jarra, buhay ang anak natin. Nasa ospital nagpapagaling. Mali ang iniiisp mo sa lahat ng record ng pag-iyak ni Jarra. Hindi ko siya pinabayaan. Nasa ospital si Jarra ng mga oras na iyon. Nagpapagamot para gumaling. Umiiyak ang anak natin dahil takot siya sa karayom. Ang madilim na video na ipinakita ko sayo ay pawang edited. Maliban sa iyak ni Jarra dahil binibigyan siya ng gamot. Ang nakita mong video na sinaktan ni Kisha si Ella ay totoo. Pero hindi napahamak ng oras na iyon ang anak natin. Please Ella huminahon ka. One more thing nasa ospital ang Tita Elizabeth, si Nay Angela at Maric sila ang kasama ni Jarra."

Patuloy lang sa pag-iyak si Ella dahil hindi niya inaasahan ang mga narinig. Umiiyak man siya ngunit masaya siya sa kaalamang buhay ang kanyang anak. Ang anak nila ni Jarred.

Napakunot noo si Ella ng mapagtanto ang bagay na tumatakbo sa kanyang isipan. "A-anak n-natin si J-Jarra?" nauutal niyang sambit ng mula sa pagkakayakap sa likuran ay dahan-dahan siyang iniharap ni Jarred para magkatitigan sila.

"Yes sweetheart, Jarra is my own blood and flesh. Huwag ka ng mag-isip ng makakasama sayo. Anak natin si Jarra at may katunayan ako. We run a DNA test para masiguradong ako ang ama ni Jarra. And Don't worry about Roi. Nakakulong na ito at walang piyansa ang kaso niya. Hindi mo nakailangang matakot sweetheart. Isa pa hindi galit ang mommy mo sayo. Hindi siya nagpakita sa ospital kasi nahihiya siya sayo dahil sa mga nagawa niya. Sa halip na alamin daw ni Tita Elizabeth ang nangyari sayo pinalayas ka pa daw niya. She's so sorry about what happened in the past sweetheart and I am too. I'm sorry for not doing any action to know the truth sa halip ay sinaktan pa kita at ang ninais ko lang ay maghiganti sayo. Hindi ko sinasadya Ella. Sana mapatawad mo ako. Kung iniiisp mo ay baka hindi kita matanggap at sa tingin mo maduming babae ka. Hindi ganoon mahal ko. Ikaw pa rin ang Ella ko at hindi magbabago iyon. Just give me another chance."

Hindi na napigilan ni Ella ang malakas na pag-iyak. Dahil sa silang dalawa lang ang nandoon sa lugar na iyon ay maririnig sa buong lugar ang hagulhol ni Ella.

"Jarred, Jarred," paulit-ulit na sambit ng dalaga.

Kinabig naman ni Jarred si Ella para mayakap ito. Pareho ni lang hindi alintana kung nasaan sila. Nakaupo sa buhangin habang hinahampas ng alon ng dagat. Hindi rin nila napapansin na tumitindi na ang sikat ng araw.

"Iiyak mo lang lahat sweetheart. Nandito lang ako para sayo. Mahal na mahal kita. Ipanatag mo ang kaloob mo about kay Jarra. Bago pa lang ang sakit ni Jarra at gagaling siya. Bagay na two sessions na lang ang gamutan niya Ella. Magiging normal na ang lahat para sa anak natin. Gagaling na siya.

Gumanti ng yakap si Ella kay Jarred. Patuloy lang siyang umiiyak sa mga oras na iyon. Pero ang luha niya, ay hindi na dahil sa labis na pagkabigo at lungkot. Dahil ang mga luha niya ngayon ay para sa labis na kagalakan sa kaalamang buhay ang kanyang si Jarra. Higit pa doon ay sa kaalamang may pag-asang gumaling na ito.

"Oh, my Jarra."

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt