Ikadalawampung Kabanata

868 43 5
                                    

Kabanata 20

Iiwasan mo na naman ako?

I woke up in an unfamiliar room.

Bahagyang masakit ang aking ulo sa dami nang nainom ko nitong nakaraang gabi. Bumalik sa alaala ko ang pangyayari, hindi na naman ako napigilan sa pag-inom ko dahil may Chance namang mag-aalaga sa akin.

Naupo ako sa kama at lumibot ang aking mata.

It was a minimalist, spacious room with a bathroom. Sigurado akong nasa condo unit ako ni Chance. Wala na sila sa dating apartment kung saan magkakasama ang magpipinsan.

Umikot ako sa kabuuan ng kanyang kuwarto. I was nosy with his stuff without touching anything. Wala naman siyang masyadong gamit sa unit, sabagay bagong dating pa lang naman siya.

Hinanap ko ang aking gamit at dinala sa banyo. I went to the bathroom to wash my face and brush my teeth.

Nang matapos ako, lumabas ako ng kuwarto upang hanapin si Chance.

Agad ko namang naamoy ang aroma nang niluluto niya sa kusina. Natigilan ako sa paghakbang nang makita ang kabuuan niyang nakatalikod sa akin. He was topless. His muscles on the back were flexing.

Tumikhim naman ako bago pa dalhin sa kung saan ang aking utak.

"Good morning..." I greeted timidly.

"Hey, you're up. Good morning, Crim." Humarap siya sa akin.

Medyo nadismaya ako sa apron na tumatahob sa kanyang abs. Panira ng moment!

"Nagluto ako ng sopas, humigop ka ng mainit na sabaw. You can take meds after that." Ngumiti siya sa akin. "Masakit ba ang ulo mo?"

Tumango naman ako at ngumuso.

My cheeks were red. I remembered him cooking sopas for me the first time...

"P'wede ko bang tingnan ang kusina mo?" I asked him. "I looked around your room."

"You don't have to ask, you're free to do so."

Naglibot - libot naman ako sa kanyang kusina. Mas mukhang gamit iyon kaysa sa kanyang kuwarto. It has a lot of tools and appliances. I couldn't even tell what the others are for.

Una kong pinuntahan ang kanyang fridge.

Mas maayos pa ang mga nakalagay roon. May mga gulay saka prutas, gatas at chocolates din doon.

"You didn't give me chocolates." I pouted.

Humalakhak naman siya.

"That's actually for you. Hindi ko lang naibigay noong nakaraan."

"Really?" Lumingon ako sa kanya upang kumpirmahin ko ang kanyang sinabi.

"Yes, Crim. But don't eat that yet. Soup muna ang unahin."

Pasimple ko namang ibinalik ang kinuha ko at isinara ang fridge. I went to the counter and waited for him to finish. Pinaupo naman niya ako nang maayos bago siya naghain sa aking harap.

Agad akong natakam sa sopas na luto niya. Halos napaso ako sa unang subo.

Chance didn't like my carelessness. Binigyan niya ako ng tubig.

"Is it good?"

I nodded.

"Do you want me to cook for your lunch? I'll drop by to your workplace and give you the lunch I cooked," seryosong saad niya.

Muntik naman akong mabulunan.

"Isn't it too much?" I asked back. "Ayokong makaabala sa'yo, Chance."

"Hindi ka abala sa akin, Crim. But I'll respect your decision."

To His Future Lover (Haciendero #5)Where stories live. Discover now