Ikalawang Kabanata

1.4K 49 8
                                    

Kabanata 2

Taken by Crimson

"Crimson! Makoy's here!"

"Sandali lang po, mama! Ano ba naman 'yan?!" Halos mahulog na ako sa hagdan.

Inanyayahan na ni mama si Makoy na kumain muna, tiningnan ako ni mama mula ulo hanggang paa saka umiling. I haven't taken a bath yet. Sobrang aga naman kasing dumating ng best friend ko.

Niyakap ko siya sa leeg bago muling nagpaalam na aakyat muna uli ako sa kuwarto upang maligo, pinasunod ko siya sa kuwarto pagkatapos niyang kumain.

I tried to shower as quick as possible. Sa banyo na rin ako nagbihis ng outfit ko.

We are going to attend his cousin's gig tonight. Alam kong mapapalaban din ako sa inuman. Hindi naman ako pinagbabawalan ni mama sa pag-inom.

It was part of growing up... well, kaya nga niya ako nabuo nang maaga... I wouldn't slander my own mother. She grew up in such a strict household, children in that kind of household tend to be creative in sneaking out.

Hindi siya mahigpit sa maraming bagay. She lets me enjoy things and tries to support everything I do. Hindi rin naman daw napipigilan ang mga kabataan, mas mabuti na iyong alam niya at nagpaalam ako. She doesn't want to raise a liar.

It paid off, I guess.

I'm comfortable sharing everything with her. Minsan lang jina-judge niya ang mga desisyon ko sa buhay, lalo na sa lalaki. Sa lahat ng p'wede kong manahin sa kanya, iyon ang hindi niya tanggap.

I wore a white tank with black, high-waist leather skirt. I would pair it with black chunky loafers later. Pinatuyo ko ang aking buhok bago lumabas ng banyo.

Chance was already in my room.

Nakaupo siya sa rolling chair ko kaharap ng study table. Inaayos niya ang aking gamit na nagkalat. Ngumuso naman ako.

I wanted it to be organized as well, but my time was consumed with procrastination and sleep instead. Isa pa, wala naman akong dapat ikahiya sa best friend ko. Sanay na sanay na siya sa akin.

"Makoy..." ungot ko. "Suklay mo hair ko, please."

Agad akong naupo sa ibaba ng kama. Sumunod naman siya sa sinabi ko, dala na niya ang suklay at pumwesto sa gilid ng kama. As he was combing my hair carefully, I started doing my make up.

Sinabayan ko ang make up tutorial na nahanap ko sa youtube. I prepped my skin with moisturizer and applied the primer. Ini-skip ko na ang foundation, naglagay na lang ako ng concealer para naman matakpan ang eyebags ko.

Sinunod ko ang blush at higlighter. I put that soft gold, glittery eyeshadow. To pop my eyes, I wanted that winged liner.

"Can you put liquid eyeliner?" Nakaluhod akong humarap sa kanya. "Nagawa mo na 'to last time. It's literally perfect! Like this," I showed him the video of the make up tutorial I was watching.

Hindi ko iyon magawa sa sarili ko kahit anong practice ko. I literally just showed it to him one time, and boom, perfect. Ganoon yata kapag engineering ang course.

He was following every step intently. "Okay, I'll try. Close your eyes for a second."

I did. I closed my eyes.

Hindi ko man lang naramdamang lumapat ang eyeliner sa aking balat. Pinaypayan niya muna iyon ng ilang segundo. He wanted me to check it first before he does the other one.

"You're talented!" I exclaimed seeing the result on the mirror. "P'wede ka nang make up artist. What if?!"

Muli akong pumikit para sa kabilang mata ko. I was distracted when the door suddenly opened without realizing Chance was supposed to do my winged liner. Lumingon ako sa gawi ng pinto.

To His Future Lover (Haciendero #5)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora