Части XXI

62 5 0
                                    

Unedited

......

Feire's POV

Eto na ang araw na malalaman namin kung nakapasa na ba ako. Sa totoo lang I'm excited at the same time nervous kase baka hindi ako makapasa diba? I'm overthinking a bit. Maaga din kami pumunta ni vyn sa school nito ayoko naman na malate kami knowing I hate being not on time.

"Kalma lang gaia makakapasa ka tiwala lang" sabi nito sa'kin. Kaya tumango naman ako, maya-maya pa ay dumating na yung magpopost ng nakapasa sa entrance exam. Kaya pinauna ko muna sila, kase ang dami nilang nagsipuntahan sa harapan. Nakita ko sa mukha nila ang saya yung iba nalungkot. Kaya mas lalo akong kinabahan? What if Hindi ako nakapasa paano na? Alam ko naman na maraming school dito sa bayan pero sa Hindi kadahilanang rason parang gusto ko mag-aral dito.

"Ano ako nalang ba titingin para sayoo?" Tanong ni vyn pero umiling ako.

"Ako na teh! Pinauna ko lang sila" sabay turo sa mga nakasama ko sa entrance exam.

"Okay. Magsabi ka lang sa'kin"

"Salamat ate" ngumiti lang ito at pinat ang aking ulo.

"Wala yuon. Ikaw pa ba?" Ngumiti lang ako dine, nang konti nalang ang tao. Dahan-dahan akong tumayo at nagbuntong hininga. Kaya mo yan gaia tiwala lang makakapasa ka.

Ang lakas ng kabig ng dibdib ko papalapit sa bulletin board kung saan nakalista ang pangalan nang nakapasa. Nang makalapit ay nagpigil ako ng hininga habang hinahanap ang pangalan ko. Bale nakaarrange ito by last name kaya medjo nasa dulo pa.

Rosaria, Amelin G.
Rosales, Jessi J.
Salas, Nider L.
..
..

Halos mapatakip ako ng bibig nang makita ang pangalan ko sa listahan.

Soledad, Gaia H.

"Yess" sabi ko sa kawalan at masayang pinuntahan si vyn.

"Ate napakasa akoo" masayang saad ko dito nakita ko naman na nagliwanag ang mukha nito dahil sa tuwa.

"Congrats gaia. Dahil jan lilibre kitaa ng kahit anong gusto mo" halos nahiya naman ako dahil ako, dapat ako ang manglilibre sa kanya pero ang nangyari ay siya pa nagoffer.

"Hala ate vyn nagabala ka pa. Huwag na po. Tutal ako naman yung nakapasa dapat Ikaw po ang ilibre ko dahil sinamahan mo ako" sabi ko naman dito, umiling naman ito.

"Ano ka ba wala iyon? At saka libre mo nalang ako sa susunod"

"Sige ate deal."

"Tara na. Saan mo gusto kumain bago tayo umuwi" tanong nito sa'kin.

"Ate sa Mcdo po dahil namiss ko kumain ng fries, burger at float nila nung nagpunta kami last week sa Ilagan. Meron po ba nito dito?" Tumango naman ito sa'kin.

"Oo meron pero kung ayos lang sa'yo na gabihin umuwi dahil sa Roxas pa iyon?" Ganun ba yun kalayo, sige na nga tutal nagpaalam naman na ako kila inay at itay.

"Sige ayos lang ate nang makapasyal din naman ako" sabi ko dito, kaya nagpunta na kami sa paradahan ng jeep papuntang Roxas.

Inabot kami ng 10mns kakahintay na mapuno ang laman nito bago umalis, pero ayos lang ang paghihintay dahil ang ganda ng paligid, puro taniman ng palay, tubo at maisan. Puro puno din ang lugar di masyadong mainit dahil humahangin naman.

Ilang minuto pa nakarating kami sa lugar ng Roxas ay ang daming tao punong-puno ang lugar ng sasakyan sa bawat Korner ng lugar. Buti nalang SM kaagad ang stopan nito kundi magaaksaya pa kami ng pamasahe sa tricycle.

Pumasok na kami sa loob, malamig ang lugar maganda sa loob tama lang yung pagkakaallign ng stalls at iba pang pagbilihan. Dumaretso lang kami sa MCDO bale si ate vyn na ang nagorder ako naman naghanap ng mauupuan. Pagpasok pa nga lang namin tinginan na samin ang lahat ng tao. Ewan ko nahihiya ako baka panget ako sa paningin nila o may mali sa suot ko? I feel like their eyes judging me. Kaya nakayuko lang ako the whole time.

"Broken Pieces" (On- going)Where stories live. Discover now