Chapter 5

37 7 1
                                    

Hindi ko alam kung papaanong napunta sa akin si Alina ngayong oras ng gabi. Nagising na lang ako na nakayakap siya sa akin at pagsilip ko sa orasan na nakasabit katapat ng aking kama ay nakita kong alas dos na ng madaling araw.

Binaling ko ang aking tingin kay Alina. Mahimbing ang tulog niya. Nakayapos ang maliit na braso niya sa bewang ko. Nakasiksik naman ang mukha niya sa aking dibdib dahilan para maipit ang matambok niyang pisngi at bumuka ang labi niya.

Napangiti ako. Ramdam mo ba, anak? Na ako ang mommy mo kaya ganito ka agad kalapit sa akin?

Nagtagal ang tingin ko kay Alina. Inaaral ko ang iba't ibang parte ng mukha niya at hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakaganoon lamang nang biglang may kumatok sa aking pinto.

Kasunod nun ay ang pagbukas ng pinto. Bukas ang lamp sa bed side table kaya naaninag ko agad kung sino ang pumasok. It is Theodore.

Our eyes immediately met. Bumaba ang paningin ko sa katawan niya at nakita kong wala siyang suot na pang itaas. Tanging gray na sweatpants lamang ang suot suot niya making his firm and muscled body visible to my eyes. Napalunok ako. His hair are dishelved probably because of sleep.

"Hi," panimulang bati ko. "Hinahanap mo ba si Alina? She's here... Pinatulog ko na siya sa kuwarto niya kanina pero nagising ako na andito na siya," paliwanag ko kahit hindi pa naman siya nagtatanong.

He didn't speak. Naglakad siya papalapit sa amin and all I did is to stare at him. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko dahil sa inaasahan kong proximity naming dalawa.

The faint light that is coming from the lamp didn't disappoint to highlight his features. I can see his pointed nose, his thick and long eyelashes and his ocean blue eyes.

I watch as he bend down and kissed our daughter's forehead pagtapos nun ay tumingin siya sa akin kaya kimi akong ngumiti. "I'm sorry that she's still in your care at your supposedly resting hours," his deep voice boomed at every corner of the room.

Bago pa niya madugtungan ang sasabihin ay nagsalita na ako. "Okay lang. Gusto ko rin naman na andito siya..." sabi ko.

He looked at me. Halos manginig ako dahil sa lamig ng tingin niya sa akin. Kimi akong napanguso at nakita ko ang pagbaba niya ng tingin sa aking labi panandalian pero iniwas din agad.

"Goodnight..." he muttered so hoarsely before walking out of the room.

It is indeed a goodnight.

Kinabukasan ay nauna pa akong magising kay Alina. She's still asleep at nakadapa na sa kama. Alas sais pa lang naman ng umaga at sa tingin ko ay alas otso pa siya magigising kaya naman naligo muna ako.

Paglabas ko ay ganoon pa rin ang posisyon niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumapit at halikan ang pisngi niya. Namumula iyon kahit hindi naman mainit. Napanguso ako. Mestiza na mestiza.

"Mom...my," she mumbled in her sleep.

Hindi ko napigilan ang malapad na ngiti na lumabas sa aking bibig. Pati sa pagtulog ay bukambibig ang salitang mommy. Baka magselos na ang Daddy mo niyan, anak?

Hinintay ko lang magising si Alina bago kami bumaba para sa breakfast niya. Pupungas pungas pa siya habang naglalakad kami papasok sa napakalaki at sosyal na dining room. Hawak hawak niya ang kamay ko gamit ang isang kamay niya at ang isa naman ay kumukusot sa mata niya.

"Gusto mo ng avocado toast for breakfast, baby?" tanong ko kay Alina.

Tanging pagnguso at tango lamang ang isinagot niya sa akin. When we reach the dining room ay hindi ko inaasahan na halos kumpleto ang Vasilios family doon.

The Real Nanny जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें