Chapter 2

78 8 4
                                    

I was on line with the costumer that is asking for my help nang biglang nag-ring ang aking personal smartphone. Nangunot ang aking noo sa pagtataka. Sino naman ang tatawag sa akin sa ganitong oras? Napatingin ako sa wall clock at nakitang mag-aalas dose na ng gabi.

"Yes. I perfectly understand, Ma'am. Please, give me a minute to send the instructions to your email. Thank you and have a nice day!" ibinaba ko na ang telepono at binalingan naman ang cellphone ko na ring pa rin nang ring.

Napatingin ako sa mga katrabaho ko na inis ng nakatingin sa akin. Marahil ay naiingayan na sa ringtone ng aking cellphone. Kaya naman dali dali ko na ring sinagot ang tawag kahit unregistered ang number na ito.

Inipit ko ang cellphone sa aking balikat tainga. "Hello?" bati ko, still unsure kung ano ang susunod na maririnig ko.

The other line is very quiet kaya naman napanguso ako. Sinend ko muna ang instruction email sa costumer na nagpapatulong kanina bago tinignan ang aking cellphone. Akala ko ay namatay na ang tawag pero hindi.

"Hello? Who's this?" pangalawang ulit ko.

Naghintay ako ng limang segundo. Papatayin ko na sana ang tawag nang may magsalita na sa kabilang linya. "Hi, Ma'am Amaryllis!" bati ng nasa kabilang linya.

Kumunot ang aking noo dahil sa pagtataka. Bakit alam niya agad ang pangalan ko? Hindi pamilyar ang boses niya sa akin.

"I'm sorry but who are you?" I asked, my voice is still full of wonder. Wala talaga akong clue kung sino ang nasa kabilang linya.

"Oh, that's so rude of me. Hi, Ma'am Amaryllis. I am Caterina Anderson from Vasilios Corporation. I was wondering if you could give me a ten minute of your time?" anas niya.

Nanigas ang aking katawan nang marinig ang apelyido ng anak ko. Tumikhim ako at napakagat sa aking labi. "U-Uh, yeah. Sure. May problema ba?" tanong ko.

Inilagay ko ang aking kuko sa aking bibig at hindi na napigilan ang sarili ko na kagat kagatin iyon. Its my mannerism that I can't get out of my system. I always bite my nail if I am anxious, nervous and hurt.

"No, no, no! Uh, my boss gave me your information card and he was wondering if you can nanny her daughter? I am very sorry to call you at this time of the night," she said. Naramdaman ko ang kaba at pagkahiya sa kaniyang boses.

Theodore? Napapikit ako sa kaba.

"Is it urgent?" tanong ko.

"Yes, Ma'am. Miss Isabella was being restless for the past few weeks. Crying and crying and she's requesting for your presence," paliwanag  niya sa akin. "I'm not guilt tripping you or anything. Uhm, you can say no if you want. No pressure!" saad ni Caterina sa kabilang linya.

Imbis na ma-pressure ay natuwa pa ako dahil hinahanap ako ng anak ko. Pero agad din iyong naputol dahil naalala ko ang trabaho ko. May kontrata pa ako at may ilang taon pang natitira sa pagtatrabaho ko. Kung aalis ako, magbabayad ako ng malaking halaga na pera.

Napabuntong hininga ako. "I'm sorry but I guess I have to decline your offer. I have a job already and if I will leave it then I'm going to pay a lot of money for contract fines," anas ko, nalulungkot.

May pagkakataon na ako para makasama ang anak ko pero paano naman ang trabaho ko? Gustong gusto ko kaso wala akong pangbayad sa kontrata.

"Oh, freak! I'm so sorry Ma'am Amaryllis. I clearly forgot that Mr. Visilios will pay for the fines. You don't have to worry about anything!" natataranta na anas niya. "I'm sorry. Its just that I am so sleepy that's why I forgot to mention it," she muttered, panic is very evident in her voice.

The Real Nanny Onde as histórias ganham vida. Descobre agora