Chapter 1

96 8 6
                                    

"Overtime ka?"

Napatingin ako kay Teressa nang kalibitin niya ang aking braso. Magulo ang buhok niya at may malaking eyebags sa ilalim ng mata. Napangiwi ako sa itsura niya.

"Oh, don't look at me like that! Sisihin mo 'tong inaanak mo na pinapahirapan ako sa pagtulog!" nagdadabog na anas niya sa akin nang mabasa ang ekspresyon ng aking mukha. Tinuro niya ang kaniyang malaki at bilog na bilog na tiyan.

"Wala naman akong sinasabi..." nakanguso na saad ko. "Overtime ako. Ayoko sa bahay," sagot ko sa kaniya at agad na nag iwas ng tingin.

Itinutok ko na lang ang aking paningin sa monitor na nasa aking harapan. I heard her sigh beside me pero hindi na nag-comment pa.

"Kung ganon overtime na lang din ako..." saad niya sa akin.

Napatingin ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. She felt my glare kaya tumingin din siya sa akin at inirapan ako. Humaba pa ang kaniyang nguso. "Ayoko mag-isa sa bahay natin, okay? What if manganak ako nang wala sa oras?" pagdadahilan niya pa.

Ilang segundo kaming nagtitigan pero wala na rin akong nagawa pa. Bumuntong hininga na lang ako at binuksan ang file sa aking monitor na kailangan kong ayosin. "Basta uminom ka ng vitamins at gatas mo," anas ko.

Scrolling through the file that the HR Manager sent me napatigil ako dahil maling file ata ang naisend sa akin. Napansin ni Tere ang pagkakatigil ko kaya naman napatingin ako sa kaniya nang iusod niya ang kaniyang swivel chair papalapit sa akin at halos idukdok na ang mukha sa aking monitor.

"Ano 'yan? Financial Report yan ah," saad niya habang paulit ulit na hinahaplos ang kaniyang tiyan.

Nagtagal ang tingin ko sa kaniyang tiyan. I looked like that before... Hindi ko namalayan na hinahaplos ko na rin pala ang tiyan niya. Bilog na bilog talaga ito.

"Ang kulit kulit niyang inaanak mo. Hindi ako pinapatulog. Sipa nang sipa tuwing gabi tapos kung kailan nakahanap na ako ng komportableng posisyon para sa pagtulog tsaka niya biglang gustong kumain o umihi. Akala niya siguro funny siya," kunwari ay nakasimangot pero kitang kita ko ang saya sa kaniyang mata.

Tumawa ako. "Hayaan mo na. Sigurado ako paglabas niya makulit din siya. Hindi ba, baby?" inalay ko ang panghuling sinabi para sa aking inaanak.

Nanlaki ang aking mata nang sumipa ito. Tumingin ako kay Tere at halos mapatili dahil doon. Ang cute cute!

"Ay, sipsip sa ninang," anas ni Tere sabay hagikgik.

Inirapan ko lang siya at muling hinaplos ang kaniyang tiyan. Nag iinit ang bawat sulok ng aking mata dahil sa tuwa at... lungkot.

Kumusta na kaya siya? Magana na kaya siyang dumede ngayon? Hindi na ba siya nahihirapan huminga? Sana maayos na ang lagay niya.

Bago pa ako tuloyang maiyak ay bumalik na ako sa pagtatrabaho. Inexit ko ang file na sinend sa akin ng HR Manager at nag-email sa kaniya dahil maling file ang na-send sa akin. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas onse na ng gabi.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at tumingin kay Tere na ngayon ay nakasubsob sa kaniyang table work at natutulog na. Kitang kita ko ang pagiging uncomfortable niya sa kaniyang pwesto kaya na-guilty ako.

I don't want to go home. I like it more in here because kapag wala akong ginagawa binabalik balikan ko lang ang masakit kong nakaraan. I can still remember her loud and little cries when I left her there.

I miss her. I miss her so much. I miss her tiny little fist that encircles aroud my finger when I held her. I miss her tiny mouth that is always hungry for my milk. I miss all of her.

The Real Nanny Where stories live. Discover now