KABANATA 8

13 2 0
                                    

"Kumusta naman ang school, anak?" tanong ni mama dahil tinawagan ko sila pagka-uwi namin.

"Ayos naman po, ma. Sobrang laki nga ng school tapos ang yayaman pa ng mga kaklase ko." sagot ko habang nagsusuklay ng buhok habang nakatingin sa salamin. 

Nasa table lang ang cellphone ko at naka loudspeaker para marinig ko sila.

"Sabihan mo kami kapag binully ka diyan ah." singit naman ni papa sa seryosong boses.

"Huwag po kayong mag-alala, ang sabi naman po nila ay hindi allowed ang bullying dahil expelled agad kapag may nangyaring ganun."

"Mabuti naman kung ganun. Kamusta naman ang trabaho mo diyan? Ayos lang ba? Baka naman pinapagod mo masyado ang sarili mo diyan, magpahinga ka rin."

"Ayos lang ako Pa tsaka alam mo naman na hindi ako mabilis mapagod eh. Sa totoo lang sa dami ng kasambahay nila dito parang solve na lahat."

"Uminom ka ng vitamins para hindi ka magkasakit, yung pinadala ko sayo, inumin mo yun." paalala ni mama sa vitamins na binigay niya sa akin.

"Kamusta po sila Lorvice at Raine?"

"Ayon, tulog na dahil maaga pa sila bukas. Si Raine ay madalas kang banggitin kasi namimiss ka na niya."

"Miss ko na din kayo diyan Ma."

"Pasensya na anak ah, ako tong padre de pamilya pero mukhang ikaw pa itong bubuhay sa amin." naramdaman ko ang paglungkot ng boses ni papa kaya nalungkot ako lalo.

"Si papa naman, wala lang tong ginagawa ko para sa atin tsaka ginusto ko naman to. Alam mo pa, yung paggawa mo sa akin, yun pa lang napakalaking achievement na. Tignan mo may maganda kang panganay na mala dyosa ang ganda." saad ko at tumawa pa kaya natawa si mama.

"Alam mo Adhira yang kabulastugan mo talaga ang umiiral. Saan ka ba nagmana?"

"Aba Glimore, anak mo yan, malamang sayo yan nagmana. Ganda lang ang ambag ko diyan." rinig kong sabat ni mama.

"Ah talaga lang, Loraine?"

"Hay naku, huwag na kayong magbangayan diyan, Ma, Pa. Malamang sa inyo ako magmamana alangan namang sa kapitbahay." naiiling kong sabi.

"Oh sige na anak, matulog ka na at mukhang pagod ka. May pasok ka din bukas, magpahinga ka na." paalam ni papa.

"Sige po, kayo din magpahinga na. Gawa na rin kayo ng panibago kong kapatid." natatawa kong saad at narinig ko pang sinigaw ni papa ang pangalan ko pero pinatayan ko na sila ng tawag.

Alas otso pa lang naman ng gabi. Pagkarating ko kanina ay tumulong muna ako sa gawaing bahay, nagdilig ng halaman, naglinis ako kahit malinis naman kaya kumikintab na yung sahig nila. Tumulong na din akong nagluto dahil talagang nangangati ang kamay ko kapag wala akong ginagawa.

Hindi na ako sumabay kumain kila manang Sally dahil nagpaalam ako na maliligo muna dahil pakiramdam ko ay nanlalagkit ako.

Nakaternong pantulog lang ako na may print ng minions. It's one of my favorite cartoons.

Lumabas muna ako at dumeretso sa kusina.

Pagkarating ko doon ay naabutan ko si Kuya Ridge na kumakain sa may Island counter while staring at his cellphone. Nang maramdaman na parating ako ay tumingin sa akin at binaba ang cellphone.

I saw his plate and he's eating pasta.

Binuksan ko ang ref at tinignana kung ano ang pwedeng kainin. Madami. Ang daming laman ng ref. May nakita akong chicken curry kaya yun ang nilabas ko. Medyo mainit pa ang kanin kaya yung chicken curry na lang ang ininit ko sa oven.

Housemaid Series 1: Adhika Glimoraine SantosWhere stories live. Discover now