KABANATA 5

11 1 0
                                    

After naming bumili sa mall ay dumeritso kami sa university ng mga Mikaelson.

Sa labas pa lang ay makikita na ang napakalaki at napaka gandang university.

Mikaelson State University. Yan ang pangalang ng school na pagmamay-ari nila. Mula sa sasakyan ay nakikita ko na ang malawak na quadrangle at matataas na building, mga nasa fifth floor ito. May mga estudyante na rin dahil enrollment day raw ngayon. May iba naman na naka uniform na angkop sa mga courses nila.

"Nag start na po ba ang klase?" tanong ko dahil may nakikita akong naka uniform na students.

"Yung mga naka-uniform, sila yung mga may summer class at remidials." sagot ni kuya radge kaya tumango na lang ako.

May sariling parking din ang school nila at malawak din ito. Marami na ring naka park na sasakyan. Halatang puro rich kid ang mga nag-aaral dito.

"Samahan ko muna kayo sa Dean." Kuya Radge said as we enter on the hallway.

"I'll look for my friends." paalam ni Kuya Ridge at umalis na ito.

Ang daming nakatingin sa amin, may mga nagbubulong bulungan din.

"OMG, shit ang gwapo talaga ng mga Mikaelson."

"Ang gwapo ni Stephen, my gosh."

"Kahit snob si Steven, ang pogi pa rin niya."

"Magiging schoolmate na rin natin yung bunso nila. Shit, yan yung carbon copy ng daddy nila."

"Sobrang hot talaga nila, sayang graduate na yung kambal."

"Sino kaya yung kasama nila? Wala naman silang kapatid na babae diba?"

"Baka naman pinsan? or family friend?"

Kahit saan kami dumaan ay maririnig namin ang bulungan nila. Para silang inasinan na uod kapag nakikita yung dalawang kasama ko.

"Shit pre, ang kinis oh."

"Oo nga bro, ang ganda."

Nang marinig ko yun ay napatingin ako sa nagsabi. May itsura naman kaso hindi ko type. Tinakpan naman ni kuya Radge yung mata ko.

"Don't look at them. They look like trash." sabi nito sa seryosong boses at halatang nadinig nila dahil malakas ang pagkakasabi nito.

Ngayon ko lang narinig na seryoso at cold yung boses ni Kuya Radge. Seryoso naman talaga ang boses niya pero kakaiba yung ngayon parang naninindak.

Pumasok kami sa isang office at may isang matandang babae don na naka salamin.

"Good morning, Madame." bati ni Kuya Radge kay bumati na rin ako. Si Ralph lang itong walang paki alam.

"Good morning, Stephen. Common, sit down." paanyaya nito at tinuro ang sofa sa kanyang harapan

Nag-usap at nagkamusthan naman nag tatlo at mukhang out of place na ako. Siya ang Dean ng school na ito ayon na rin sa nakasulat  na pangalan sa kanyang mesa. Dean Rhea Florence ang nakalagay.

"Who is this young lady?" 

"This is Adhira Glimoraine Santos." pakilala sa akin ni Kuya Radge

"Oh, girlfriend?"

"Nope, sister."

"I never knew Mikaelsons has a sister." nakakunot noo itong nakatitig sa akin.

"Well now, you know, Madame." 

"Okay the, their entrance exam will happen on the second floor, room AVR. The room is ready for the both of them."

Nagpaalam na kami sa Dean at umakyat papuntang second floor. Nahanap naman namin agad. Talagang dalawa lang kami ni ralph sa loob. Iniwan na kami ni Kuya Radge at mag eenroll daw muna siya.

Housemaid Series 1: Adhika Glimoraine SantosWhere stories live. Discover now