KABANATA 9

9 2 0
                                    

Magkakaharap kaming nakaupo dito sa sofa.

Si Kuya Radge, ako, at si Kuya Ridge. Sa kabila naman ay yung imported noodles at si Ralph na may nakakalokong ngisi sa akin at paminsan minsan ay binebelatan pa ako.

"I thought, paparty kayo?" bulong ko kay Kuya Ridge.

"They texted us that they're coming home, so here we are." 

"Where is your mom and dad? Dapat sila ang nandito, hindi ako." mahina kong bulong kay Kuya Radge.

"Are you just going to whisper there?" I heard a deep baritone voice that sent shivers into my spine like a thunder.

Tumingin ako sa harap ko. They look alike. This must be the twins and I just called them imported noodles!

Paano ba naman kasi mukha silang foreigners na may kulot na buhok. Akala ko ba kamukha ni Kuya Ridge? Mas kulot ang buhok nila  at talagang magmumukhang noodles dahil magulo ang buhok nila at mahaba hindi katulad ng nasa tabi ko na naka clean cut kaya hindi masyadong mukhang noodles ang buhok.

Moreno silang pareho, malaki ang katawan at halatang mahilig din sa gym ayun na din sa malaki nilang braso. Matangos ang ilong, mapulang labi and their dark blue eyes is killing me.

The one is looking at me while clenching his jaws while the other one is looking at me coldly.

"C'mon, Stefan. You're scaring her." tukoy nito sa nagsalita kanina at nakaigting ang panga.

"You didn't hear what she said? She's practically clinging into you a while ago." matigas at cold na sabi ng isa habang nakatingin sa akin ng walang emosyon.

"You must be blind. I'm the one clinging into her." sabi ni Kuya Radge habang may nakakalokong ngisi at inakbayan ulit ako.

"Is she one of your whores?" sabi ng isa na tinawag na Stefan at nakatingin kay Kuya.

Sumeryoso naman si Kuya Radge at pinisil ang kaliwang balikat ko. Sinamaan ko ng tingin yung Stefan at nag ngingitngit ang aking ngipin sa sinabi niya.

"Don't you dare talk to her like that." seryoso ngunit may bahid ng banta sa tono ni Kuya Radge.

"Didn't know, you're already pussy whipped."

"Shut it, Stefan. Adi is not like what you think she is." pagtatanggol sa akin ni Kuya Ridge habang nakatingin sa dalawa tila nanantya sa kilos nila.

"You got my two brothers. What a great achievement for a slut like you." he said tanting at me and smirking.

Nasaktan ako sa sinabi niya. Alam ko namang hindi totoo pero kapag naririnig mo na ay talagang masasaktan ka. It's easy for the people to judge you even if they don't know you personally.

Tumayo si Kuya Radge at kwenilyuhan siya.

"Stop insulting her or else I'll forget you're my brother." sabi nito sa kapatid na nakangisi at mayabang na nakikipatitigan sa seryoso ngunit galit na kapatid.

Tumayo ako at pinaglayo silang dalawa. Hinila ko si Kuya Radge at nagpahila naman siya.

Sinampal ko siya. "That is for insulting me." sinampal ko ulit siya ng malakas. " That is for judging me." seryoso akong nakatingin sa kanya habang siya ay hinawakan ang pisngi niyang namumula sa malakas kong sampal.

"You don't even know me, yet you talk as if you know a lot of things about me which is not true. If you're in a bad mood, don't put your anger on me. I have nothing to do with that. Watch your mouth dahil kapag ako nagalit hinding hindi mo magugustuhan." seryoso kong saad at umalis ng hindi sila tinitignan.

Housemaid Series 1: Adhika Glimoraine SantosWhere stories live. Discover now