"Ano ba! Ibaba mo ako!" sigaw ko sa kanya at sinusuntok sya sa dibdib. Pero parang wala syang nararamdam sa mga suntok ko. "Cloud ano ba! Isa!".




Napasigaw ako at napatakip ng tenga ng makarinig ako ng ilang putok ng baril. Mabilis na tumatakbo si cloud sa hallway pero sa naririnig kong putok ng baril, malapit lang ito sa amin.




"Iaalis kita dito zen, Iuuwi kita sa amin!" sabi ni cloud habang hingal na hingal, kaliwa kanan kaliwa kanan ang daan namin sa hallway. Pinipilit kong kumawala sa kanya pero mahigpit ang hawak nya sakin.






"Ayoko! Hindi ako sasama sa inyo!".
Sigaw ko sa kanya. Tiningnan nya ako na parang nasasaktan. I'm sorry cloud.





"Mamahalin mo din ako--" rinig kong sabi nya. "Papatayin ko si nicholas, para ako lang ang tingnan mo, ako lang ang mamahalin mo".
Madiin na sabi nya kaya natigilan ako sa sinabi nya.





Hindi ako nakapag salita, Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nabibigla ako sa pag babago nya. Nasaan na yung cloud na mabait? Yung lagi ko lang nakikita sa school?, Ibang iba na sya ngayon. At ang malala... Kapatid sya ni dita.




Kumaliwa si cloud pero natigilan sya. Ng tingnan ko ang daan ay nanlaki ang mata ko ng makita si kole at Tristan. Naka tuxedo din sila. May hawak na baril si Tristan pero wala namang hawak si kole.




"Kole.. Tristan" mangiyak ngiyak kong tawag sa kanila. Akmang mag pupumiglas ulit ako sa pag kakabuhat ni cloud pero wala na akong lakas, Masyado madiin ang pag kakahawak nya sakin.




Ng tingnan ko si kole. Nag aalala ang mukha nyang nakatingin sakin. Nakita ko din ang kamay nyang nakakuyon na parang handa nang manuntok. Ganun din si Tristan, Masama ang tingin nya kay cloud na parang babarilin nya ito ng wala sa oras.





"Dadaan kami" Walang pakealam si cloud sa dalawa.akmang mag lalakad sya ng harangin sya ng dalawa. Narinig ko ang pag kasa ng baril kaya kinabahan agad ako. "Dadaan kami ng asawa ko"





Ikaw lang may alam na mag asawa tayo.






" Put zen down, or I'll punch your face until you're unrecognizable, You fucker" Pag babanta ni kole kay cloud.






"Paano kung ayaw ko?" matapang na tanong ni cloud dahilan para maalarma ako sa gagawin ng dalawa.





"Hontōni zen ga dekitara, ore no ikari o ajiwawa sete yaru yo, kono kuso yarō" .. (When we really get zen, I'll make you taste my anger you fucker"






Umatras si cloud kaya Napatingin ako sa kanya. Alam kona ang balak nya, Babalik sya sa dinaanan namin kanina.. Pero wala pa syang ilang hakbang para talikuran sina kole ay bigla nalang syang bumagsak sa sahig dahilan para madaganan nya ako.





Nanlaki ang mata ko sa biglaang nangyri. Anong nangyari?.




"Zen!" Sigaw nila. "Alisin mo yan!"





Biglang lumapit sakin si kole at Tristan at hinigit ang walang malay na si cloud sakin. "Hey, are you okay?, Talk to me please." Nag aalalang tanong sakin ni kole.





Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now