16 ~ MILK

32.6K 1.6K 86
                                    

CHAPTER SIXTEEN

SA chopper sila sumakay papunta sa Cebu. It landed at the helipad of Grande Cruise's building near the port. It was already late midnight but it feels like she's still very energetic.

Hinawakan ni Clinton ang kamay niya habang paakyat sa yate na naghihintay sa kanila. Their duffel bags were carried by his security and brought to their suite. She can't tell if those men will sail with them or what. Pero sa tingin niya, ang ilan ay sasama talaga. They won't allow Clinton Grande to travel or sail without security with him.

Matagal na siyang sanay na may nakikitang mga lalaki sa paligid niya bilang tagapag-bantay niya. Ngunit iba pa rin kapag alam niyang seguridad ni Clinton ang pinag-uusapan.

The men are obviously skilled even if she doesn't really see them with guns. Sa tindig palang at hulma ng mga katawan, masasabi niyang kayang lumaban kahit pa walang armas.

Xaria suddenly remembered Roux—her personal bodyguard. His built was almost same as Clinton's security. Tila may pare-parehong hangin na nakapalibot sa mga ito at hindi niya matukoy kung may pagkakaiba ba.

The salty breeze embraced her when they get to the upper deck. Malalim na ang gabi ngunit pareho sila ni Clinton na gising na gising pa. It supposed to be their bed time, but for some reason she doesn't feel sleepy and tired.

Umandar ang yate kalaunan palayo at doon ay mas naramdaman ni Xaria ang pagyakap sa kanya ng malamig na hanging dagat.

Clinton brought her to the couch that is meters away from the railings. She sat beside him and rested the side of her face on his shoulder.

Walang ibang tao sa upper deck kundi silang dalawa lang. Ang mga tauhan na kasama nila ay malamang na nagtago na sa kung saan o baka nagmamatiyag lang sa paligid ng yate na malayo sa kanila.

"Do you always have your security with you wherever you go?"

Hinawakan ni Clinton ang kamay niya. "Yes."

"How about when you go abroad?"

"I bring some."

"You can't leave without them?"

"My mom can't sleep soundly without making sure her children's are safe."

Gano'n din siguro ang nararamdaman ng magulang niya kaya kahit noong bata palang silang magkakapatid, matindi na ang seguridad nila. Lalo pa noong mawala ang kanilang bunso.

"So, even your sister and brother have their own security?"

"Yeah."

After all, they are the Grandes. They are one of the wealthiest family in the country. Hindi lang din talaga mahilig magpapansin sa publiko ang pamilya nito. Ngunit kung sa ligal na paraan titignan, nakatitiyak siyang hindi biro ang yaman ng mga ito.

"Kielton is a public figure. How does your family deal with that?"

"I don't mind. But my father is very cautious about it."

Dinala ni Clinton ang kamay niya sa labi nito para masuyong hagkan.

Nangiti siya. Kahit pa nakaupo lang sila roon, ramdam niya ang pagbalot ng kapanatagan sa kanyang puso. It took her another few years before she felt that kind of peace within her. At talagang nakakamangha na sa parehong tao niya pa rin nakukuha ang gano'n na klaseng pakiramdam.

Umihip muli ang hangin kasabay ng ugong ng yate. Habang papalayo sila, mas nangingibabaw ang lamig at dilim sa paligid. Ang tanging panglaw lang nila roon ay ang mga liwanag mula sa loob na bahagi at ang mapusyaw na mga ilaw na nakapalibot sa ilalim ng railings.

Territorial Men 12: Clinton GrandeWhere stories live. Discover now