akin ang perang nakuha niya.”

Tumalikod na si Guia, sapat na sa kanya ang

lahat ng narinig.

“G-­‐‑Guia. .”

“Dad. .”

“Ibang klaseng lalaki si Nico. Hindi ko

inaasahan na gagawin niya ang lahat.”

Iyon ang huling binitawang salita ng ama sa

kanya. Naiugnay niya iyon sa sinabi ni Karl sa

kanya. May kung ano sa katangian ni Nico kung

bakit niya ito minahal nang labis. Isang klase ng

katangian na ito lamang ang nagtataglay. Kung

paanong walang puwedeng pumalit sa puso niya

kay Nico.

MULA nang malaman ni Guia ang totoo, nasa

kanya na ang katiyakang mahal pa rin niya si

Nico at ayaw na niyang magpakasal kay Karl.

Subalit hindi niya magawang ipagtapat ang

damdamin. Nasa mukha ni Karl na masyado na

itong umaasa sa kanya.

“Kung ikakasal kami ni Guia, gusto ko sa Sto.

Domingo Church kasi may historical

background.”

“Saan ang honeymoon, Doc?”

“Siyempre, sa private yacht ng daddy ko.”

Nagbibiruan sila ng tungkol sa kasal, pero

hindi siya nagre-­‐‑react. Hinahayaan lamang niya

sina Karl at Ramil, samantalang maski si Karen ay

hindi sumasakay sa mga pinag-­‐‑uusapan ng mga

ito.

Kanina pa matamlay si Guia sa dinner date

nilang apat nina Karen at Ramil.

“Excuse me, pupunta lang ako sa ladies room.”

Tumayo si Guia.

Tumayo si Karl para bigyang-­‐‑galang si Guia.

“Sandali lang,” paalam din ni Karen.

“Susundan ko lang siya.”

Tumayo si Karen, sinundan si Guia.

Naiwan ang dalawang lalaki. Hindi na nakita

ni Guia ang pagka-­‐‑offend sa mukha ni Karl. Hindi

na rin niya narinig ang sinabi ni Ramil dito.

“Useless na, Karl. I think, kailangan mo nang

mag-­‐‑give up.”

Nagpakawala ng malalim na buntong-­‐‑hininga

si Karl, saka umiling.

SA LOOB ng ladies room, inabutan ni Karen si

Guia na nasa harapan ng salamin.

“Guia.. ”

“N-­‐‑nahihirapan na ako, Karen. Hindi na ako

makapag-­‐‑pretend ng nararamdaman ko.”

“H-­‐‑huwag kang magpahalata, nakakahiya kay

Karl.”

“Ano’ng gagawin ko? Nalilito ako. Umaasa si

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Awitan Natin Ang Ulan | Glady GimenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon