CHAPTER SEVEN
TINIIS ni Guia ang lahat ng paghihirap sa
relasyon nila ni Nico. Tiniis niya ang galit ng
ama, ang hindi nila pagkakaunawaan at ang
pagkakaroon ng lamat ng kanilang pamilya.
Kinausap na rin siya ng mga kapatid. Paulit-‐‑ulit
na siyang pinagsabihan ng mga ito.
Patuloy siyang iniwasan ni Nico at alam niya
iyon. Kaya’t minabuti niyang magpasama kay
Karen upang kausapin si Fer.
“Nandito siya kahapon, nagbilin na male-‐‑late
siya ngayon at kung sakali daw na pupunta ka
ngayon, sabihin ko na lang daw ang message
niya.”
Maski paano‘y na-‐‑excite si Guia sa puntong
may iniwan namang message si Nico para sa
kanya.
“Pinasasabi na lang na marami daw siyang
trabaho at problema. Basta, pupuntahan ka na
lang daw niya kapag maluwag na siya.”
Nakadama siya ng matinding sakit at
pagkainsulto. Akala mo ay kung sino lang siyang
babae kung pagsabihan ng ganoon.
“S-‐‑sige, Fer. Salamat.”
Lumayo na sila sa classroom nina Nico.
Dumaan sila ni Karen sa isang comfort room ng
mga babae, agad siyang pumasok doon. Sa isang
cubicle, hindi napigilan ni Guia ang sarili. Doon
niya inilabas ang lahat ng sama ng loob. Umiyak
siya nang umiyak. Inalo siya ni Karen.
“T-‐‑tama na, tahan na.”
“Hès so unfair, Karen. I gave up everything
for him! Everything! Hès so unfair!”
Niyakap siya ng kaibigan, awang-‐‑awa ito sa
kanya. “A-‐‑alam mo naman pala, tama na, tigilan
mo nàyan. It's about time para isipin mo ang
sarili mo.”
“K-‐‑Karen, mahal na mahal ko si Nico. Hindi ko
alam kung paano ang mabuhay nang wala siya.”
“Maraming lalaki, Guia, you deserve much
better than him. Kung nagagawa ka na niyang
saktan at bale-‐‑walain, dapat humanap ka na ng
lalaking magmamahal at mag-‐‑aalaga sàyo.”
SA KABILA ng lahat ng pananakit ni Nico ay
hindi pa rin sumuko si Guia. Naglakas-‐‑loob
siyang puntahan ito sa pinagtatrabahuhan.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” iritableng tanong
ni Nico.
“Nico, please. Mag-‐‑usap tayo. Nahihirapan na