CHAPTER FOUR
KASALUKUYANG nanananghalian ang mga
magulang ni Guia nang ipakilala niya sa mga ito
si Nico.
“Upo ka na, iho,” alok ng kanyang ina.
Tumugon si Nico. Tinabihan niya ito sa
upuan.
“Maraming salamat nga pala sa ginawa mong
pagtulong sa anak ko. Alam mo, masyado akong
nag-‐‑aalala sa kanya sa mga ganoong sitwasyon.
Hindi pa kasi siya sanay sa mga pagkakataong
gaya noon.” Unang nagsalita ang mommy niya.
“Laking pasasalamat ko nga dahil may
tumulong sa kanya,” sabi naman ng kanyang
daddy.
“W-‐‑wala hong anuman 'yon,” sagot naman ni
Nico.
Naramdaman ni Guia na hindi pa rin relax si
Nico hanggang sa mga oras na ‘yon. Siya na ang
nag-‐‑serve dito ng pagkain.
“Masarap itong kare-‐‑kare, specialty ni Mom na
lutuin ito,” sabi niya rito.
“Tikman mo ang bagoong na niluto ko. 'Yan
ang gustung-‐‑gusto ni Guia sa kare-‐‑kare ko, hindi
ang mismong kare-‐‑kare,” susog naman ng
mommy niya.
Nagtama ang paningin nila ni Nico. Kitang-‐‑kita
ni Guia ang matinding pagkailang at pagkabalisa
sa mukha nito. Ngumiti siya upang ipadama sa
binata na walang kuwenta sa kanya ang
kalagayan nito sa buhay. Noon pa niya gustung-‐‑
gustong sabihin at aminin kay Nico na iniibig na
niya ito.
Mahal niya si Nico at munti mang pag-‐‑
aalinlangan ay wala siyang nadarama. Natiyak
na ni Guia ang sariling damdamin nang mga oras
na iyon.
SA GARAHE, nakabantay ang daddy ni Guia
habang ginagawa ni Nico ang kotse ng dalaga.
Wala pang kalahating oras ay natapos na niyang
gawin ang sasakyan.
“Sigurado kang terminal lang ang diperensiya
ng kotse?”
“Yes, Sir. Malakas pa ho ang baterya,”
paniniyak niya.
In-‐‑start ni Nico ang kotse at one click lang ay
umandar na ang makina.
“Saan ka ba nagtatrabaho, iho?”
“Sa isang carshop ho sa Quezon Avenue, Sir.”
“At nag-‐‑aaral ka pa?”
“Shifting naman ho ang trabaho kaya
nakakapag-‐‑adjust ako sa pag-‐‑aaral.”
“Ano ba ang kurso mo?”