CHAPTER THREE
NASA malaking garahe ang kotse ni Guia at
kausap niya ang ama. Noon lang niya sinabi na
may diperensiya ang terminal ng battery nito.
“Ayaw mag-‐‑start kung minsan kapag
lumuluwag ang koneksiyon.”
“Ibibili na kita ng bagong kotse,” sabi ng ama
sa kanya. “Gamitin mo na lang alternate ito
kapag color coding.”
“Huwag na, Dad. Maayos pa naman, wala
pang three years 'yan,” katwiran niya sa ama. “At
saka, wala naman akong pasok sa school kapag
Wednesday kaya okay lang na wala akong
magamit kapag color coding.”
“Bakit sabi ni Karen sa mommy mo na ilang
beses ka na raw nasiraan sa school? Hindi ko pa
malalaman kung hindi sinabi ng mommy mo.”
“Hindi naman big deal 'yon, Dad. Minor
problem lang at nagawan naman ng paraan.”
“O, sige. Ipapasok ko na lang sa casa para ipa-‐‑
check up ko na rin ang buong makina. For the
mean time, 'yung Feroza na lang muna ang
gamitin mo. Kapag color coding, ako na lang ang
maghahatid-‐‑sundo sàyo.”
“Dad, huwag mo na lang kayang ipasok sa casa
ang kotse ko. Baka kasi matagalan pa. Tutal minor
problem lang naman.”
“Okay, sa shop ko na lang ipapaayos. Sandali
lang ito sa kanila.”
“May kaibigan akong mekaniko, magpa-‐‑
service na lang tayo sa kanya.”
Nangunot ang noo ng ama nang marinig ang
sinabi niya. “How come na nagkaroon ka ng
kaibigan na isang mekaniko?”
Natawa siya sa inisip ng kanyang daddy.
Hindi nga naman kapanipaniwala na
magkakaroon siya ng kaibigang mekaniko sa
ganoong kalagayan niya sa buhay.
“Schoolmate ko siya, Dad. Hès a working
student. Nagtatrabaho siya sa isang malaking
carshop. Siya ang tumutulong sa akin everytime
na nasisiraan ako ng kotse. Kaso, ayaw niyang
tumanggap sa akin ng bayad.”
“And you want now to return the favor?”
“Yes, Dad. Ikaw ang makipag-‐‑usap sa bayad
para hindi makatanggi. Then, dagdagan mo
bilang bayad sa naging service niya sa akin noon.”
Madali namang naunawaan ng ama ang gusto
niyang mangyari.
“Okay, I got your point. Papuntahin mo siya