“GUIA.. ” si Karen.Umagos ang luha niya sa pisngi. Nilapitan siya
ng kaibigan.
“H-‐‑hindi ko alam kung dapat ko siyang
paniwalaan, Karen.”
“Sinabi na niya ang totoo, nasàyo na kung
paniniwalaan mo siya.”
Nagtama ang paningin nila, nakita niya sa
mukha ni Karen ang katiyakan ng mga
ipinagtapat ni Nico.
“Kausapin mo ang daddy mo, siya ang
makapagpapatunay ng lahat.”
Wala nang sinabi si Guia na anuman,
naglakad na siya patungo sa silid ng mga
magulang. Dinatnan niya na may binabasang
libro ang ama at ang ina ay nagpapahinga na.
“D-‐‑Dad, puwede ba tayong magkausap?”
Tumayo ang ama, lumapit sa kanya.
“Tungkol saan, iha?”
“Kay Nico,” walang-‐‑gatol niyang wika.
Napatda ang ama dahil sa pangalang kanyang
binanggit.
Narinig pa niyang nagpakawala ng malalim na
buntong-‐‑hininga ang ama.
“A-‐‑ano ang tungkol sa kanya?”
“Gusto ko lamang malaman kung totoo ang
lahat. Totoo ba, Dad?”
“I-‐‑Iha.”
“Sabihin mo sa akin ang totoo.”
Alam na ng ama ang itinatanong niya. Matatag
ang mukha niya sa harapan nito. Unang nagbaba
ng tingin ang kanyang ama.
“Oo.”
Napapikit siya nang mariin.
“H-‐‑hindi ko na sinabi sàyo dahil sa
paniniwalang tahimik na ang buhay mo sa
Amerika. Ayokong magulo pa ang pag-‐‑iisip mo
doon kayàt hinayaan ko na lamang na hindi mo
na malaman pang ibinalik ni Nico ang perang
kinuha niya sa akin pagkaraan ng apat na taon.”
Dahil sa kumpirmasyon ng ama, nagbago ang
lahat ng kanyang paniniwala‘t nararamdaman
nang mga oras na ‘yon.
“Pinakinabangan niya ang pera ko, pero
tinubuan niya iyon nang ibalik niya sa akin. Para
lang pinatulog ko ang aking pera sa bangko.”
“Bakit mo tinanggap, hindi bàt kabayaran
iyon para iwanan niya ako?”
“Ginawa ko ang lahat ng paraan para
tanggihan siya, ngunit hindi siya tumigil. Ginawa
din niya ang lahat ng paraan para mapabalik sa