CHAPTER TWO
“G-‐‑GUIA, what?” untag ni Karen sa kanya.
“Miss, ayaw na naman bang mag-‐‑start ng kotse
mo?”
Ayaw na naman bang mag-‐‑start ng kotse mo?
Biglang na-‐‑relate ni Guia ang pangyayari ngayon
sa pangyayari noon.
“I-‐‑ikaw bàyung. .” Hindi itinuloy ni Guia ang
sasabihin.
Maski si Karen ay takang-‐‑taka sa mga
reaksiyon niya nang mga sandaling iyon.
“Akòyung lalaking tumulong sàyo sa gitna
ng malakas na ulan pero tinakbuhan mo.”
Naalala na niya ang mukha ng lalaki, pati na
rin ang boses nito. Nagkatinginan sila si Karen.
Si Karen na ang bumaba ng kotse dahil alam nito
na hindi niya kayang humarap sa mga ganoong
klaseng sitwasyon.
“Hi, Ìm Karen, you are?”
“Nico dela Rosa.”
“Dito ka rin nag-‐‑aaral?”
Marahang tumango si Nico. “Engineering
student ako.”
“Kaya ka marunong mangalikot ng kotse?”
nakangiting wika ni Karen. Nagbibiro ito.
“Actually, mekaniko ako. Ìm a working
student. Nagtatrabaho ako sa isang malaking
carshop.”
“Really?”
“Yeah.”
“Mabuti naman at lagi mong natitiyempuhan
itong friend ko everytime na nasisiraan. Ibig
sabihin, may tutulong na naman sa kanya.”
Nakangiti lang si Nico habang patuloy sa
pagsasalita si Karen.
“Pasensiya ka na sa nangyari sa inyo nu’ng
una. Natakot lang siya at hindi niya alam ang
gagawin kaya ka niya iniwan.”
“Okay lang, mas gusto ko nga ang ginawa
niya. Ibig sabihin, alerto siya sa gagawin niya sa
mga sitwasyong gaya no’n. It doesn't matter to
me, ang intensiyon ko lang naman ay
makatulong.”
Dinig na dinig ni Guia ang pinag-‐‑uusapan ng
dalawa at tumitindi ang guilt feeling niya.
Marami siyang inisip na negatibo sa lalaking
tumulong sa kanya, only to find out na mabuti
pala itong tao at ito pa ang tutulong ulit sa kanila
ni Karen.
“Nasaan na nga pala ang tools, titingnan ko ang
diperensiya ng kotse.” Sandali lang inayos ni
Nico ang kotse at nag-‐‑start na ulit iyon.