ako.”

“Guia, may trabaho ako. Gusto mo bang

matanggal ako dito dahil sa ginagawa mo?”

“Hihintayin kita maski anong oras.”

Tiim-­‐‑bagang si Nico. “Sandali!”

Paglabas ni Nico ay nakapagpalit na ito ng

damit. Kaagad itong pumara ng taxi, at sumakay

sila. Ilang sandali pa’y pumasok ang taxi sa isang

motel. Miss na miss na niya si Nico kaya hindi na

siya tumutol nang dalhin siya nito sa lugar na

iyon.

Nakayakap siya sa hubad na katawan ni Nico,

kapwa sila nakabalot ng kumot.

“Ano kaya kung magsama na tayo?” Siya pa

mismo ang nag-­‐‑alok niyon kay Nico.

Bumangon si Nico. “Alam mo namang hindi pa

ako handa.”

“Hindi ko naman sinabing pakasalan mo ako,

ang sabi ko lang ay magsama na tayo.”

“Para ano? Para lang tayong magbabahay-­‐‑

bahayan niyan.”

“Para mapagtulungan natin ang problema mo.”

“Isa lang naman ang problema ko, ang nanay

ko. Hindi ko alam kung paano ko siya

mabibigyan ng maayos na buhay. Gusto ko

siyang gumaling. Gusto kong maranasan niyang

muli kung paano ang mabuhay ng normal.”

“N-­‐‑nasubukan mo na ba siyang ipasok ng

hospital?”

Umiling si Nico. “W-­‐‑wala akong pera.”

Naawa siya sa sinabing iyon ni Nico.

“Paano siya gagaling kung hindi mo

susubukan?”

Bumangon si Nico at nagsimula nang magbihis.

“Hindi ko alam, Guia. Bastàt gusto ko siyang

gumaling. Gusto kong ipagkaloob sa kanya ang

lahat ng magagandang bagay at karanasan dito

sa mundo. Bago man lang siya tuluyang

pumanaw.”

“Bakit ba pulos ang nanay mo ang nasa isip

mo, Nico?”

Napatda si Nico sa tanong niya.

“Ako, kailan mo ako iisipin? Kailan mo

patutunayan na mahal mo ako?”

“Wala naman akong ipinangakong maski ano

sàyo, hindi ba?” tahasang sabi ni Nico.

Hindi makapaniwala si Guia sa mga narinig.

“K-­‐‑kaya ba parang ang dali sa‘yo na mawala

ako?”

“Kaya nga ba sabi ko sàyo noon pa, lumabas

ka na sa buhay ko, dahil walang mangyayaring

Awitan Natin Ang Ulan | Glady GimenaWhere stories live. Discover now