“Mechanical Engineering, Sir.”
“Basically, malaki na ang experience mo sa
trabaho kaya hindi ka na nahihirapan sàyong
pag-‐‑aaral.”
“Theory ho ang pinag-‐‑aaralan sa school,
application naman ho ang natutunan ko sa
trabaho. At saka bahagi lang naman ng pinag-‐‑
aaralan ko sa school ang trabaho ko, hindi ang
kabuuan. Marami pa ho akong dapat matutunan.”
“I see.”
“Sige ho, Sir. Okay na ang kotse ni Guia. Wala
na hong problema.” Pinunasan ni Nico ang
kamay ng basahan.
“Magkano nga pala ang service fee mo, iho?”
Dumukot ito ng pera sa bulsa ng suot na polo at
iniabot kay Nico ang isang libong piso.
“Huwag na ho, Sir. Maliit na bagay lang ho
ang ginawa ko.”
“Inistorbo ko ang araw mo, at saka marami
nang utang sàyo ang anak ko.”
“Huwag na ho, Sir. Hindi ko ho ‘yan
tatanggapin.”
“Iho, serbisyo mo ang binabayaran ko. Kapag
hindi mo tinanggap, ibig sabihin ay ayaw mo
nang magtrabaho sa akin sa mga susunod na
araw.”
“Hindi naman ho sa ganòn.”
“Hindi ko alam kung tama na ito, pero sabihin
mo kung kulang pa at dadagdagan ko.
Tanggapin mo nàyan.”
Hindi niya natanggihan ang pamimilit ni Mr.
Bendana. Tinanggap niya ang pera. “Sobra-‐‑sobra
na ho ito, Sir.”
Pagkaabot ng pera ay tumalikod na si Nico.
Ilang saglit pa ay lumabas na mula sa salas si
Guia.
“Okay na raw ang kotse sabi ni Dad.”
Hindi alam ni Nico kung ano ang
mararamdaman nang mga oras na iyon sa
harapan ni Guia.
“Hey, what's wrong?”
“Binayaran ako ng daddy mo.”
“So?”
“Ayokong tanggapin pero mapilit siya.”
“Nakakahiya na kasing masyado sàyo na
palagi na lang libre ang service mo sa akin.
Nico,okay lang 'yon.”
“Sige, iisipin ko na lang na kailangang
bayaran mo ang lahat ng serbisyo ko sàyo, para
alam ko kung saan ako lulugar,” makahulugang
sabi nito.
Natigilan siya sa sinabi ni Nico. “Hey!”
Tumalikod na si Nico at kinuha ang bag. Tuluy-‐‑
tuloy nitong tinungo ang gate palabas. Gusto