rito this coming weekends. Ìll talk to him.”

Tuwang-­‐‑tuwa si Guia sa naging pagsang-­‐‑ayon

ng ama sa kanyang mga sinabi. Natutuwa siya na

makakaganti na rin siya ng utang-­‐‑na-­‐‑ loob kay

Nico, at maski paano ay matutulungan niya ito sa

pera.

Gusto ni Guia na tulungan si Nico sa paraang

alam niya. Nasa main library sila ni Karen at

humihingi siya ng suggestion dito.

“What do you think?”

“Sana, hindi siya ma-­‐‑offend,” sabi ni Karen.

“Bàt naman siya mao-­‐‑offend, trabaho naman

ang io-­‐‑offer ko sa kanya?” tugon naman niya.

“Ang tingin ko naman kasi sa kanya, masyado

siyang ma-­‐‑prinsipyong tao. May trabaho naman

siya, bakit kailangan pa niyang magtrabaho

sàyo?”

“Extra work lang naman ang ibibigay ko, para

lang makabayad ako ng utang-­‐‑na-­‐‑loob sa kanya.

He‘s so nice to me. Gusto ko lang ibalik ‘yon sa

kanya.”

“Sige, subukan mo ring alukin ng work dahil

baka pumayag. Pero huwag kang magtataka

kung hindi siya magpapabayad sàyo.”

“Bakit naman hindi?”

“How many times na bang nangyari na

tinulungan ka niya, then ayaw niyang tumanggap

ng money from you?”

“Tulong kasìyon, pero ngayon, service talaga

niya ang kukunin ko. At saka si Dad ang

makikipag-­‐‑usap sa kanya. Saka, in-­‐‑explain ko na

ang mga nagawang tulong sa akin ni Nico kaya

naintindihan naman ako ni Dad.”

“Okay, if that's what you think na

makakatulong sa kanya. Just go ahead.”

Napansin niya na pinagmamasdan at tila

inoobserbahan ni Karen ang mga gestures niya.

“O, bakit?”

“Be honest nga, in love ka ba kay Nico?”

Napangiti siya sa tanong ni Karen. “Sabi ko na

nga ba, 'yan ang iisipin mo.”

“Kaya ko nga kino-­‐‑confirm.”

“I don't know, hindi pa ako sure.”

“But base on your answer, therès something

else.”

“Right! I just like him. Hindi ko lang alam kung

saang level at kung gaano kalalim.”

Pinagmasdan siyang mabuti ni Karen.

“If ever, is there something wrong?”

Awitan Natin Ang Ulan | Glady GimenaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang