dos

1 2 0
                                    

chapter two



Nakatingin lamang ako sa kawawang maid na duguan ang bandang likod nito dahil sa pagkakahampas ng kahoy sa kaniya. Napansin ko rin na duguan din ang ibabang parte ng katawan niya, doon sa bahagi ng dalawang tuhod niya. I glared at the woman in front of me. She raised her eyebrows at me, smiling, with her arms crossed.

“How dare you interrupt me while I’m teaching your maid a lesson? Get down on your knees and beg if you want me to spare her like you did before. You know my patience has a limit, right?” nakangisi nitong  utos sa akin.

Nakatingin lamang ako sa kaniya. Napansin kong parang sasabog sa inis si Lucex habang nakatingin sa babaeng nasa harapan ko. Lumapit siya rito sabay hinila ang buhok niya at sinipa-sipa pa ito sa ulo ngunit ang nangyari ay tumagos lamang ang mga kamay at paa niya rito. If nagtataka kayo kung bakit ganiyan, ako lang kasi pwedeng makakita at makahawak sa kaniya.

“Hostess! Make this woman suffer until she wants to die! Argh! She’s really getting on my nerves! Who does she think she is to just order you around? Sarap niyang sapakin talaga!” nanggagalaiting wika ni Lucex habang nakahawak pa ito sa kaniyang ulo.

“What are you looking at? Sabing lumuhod ka sa harapan ko or else...”

Kinuha niya ang kahoy na hawak ng isang maid nito at akmang hahampasin ulit iyong kawawang maid na nakahandusay at walang malay nang sa isang iglap ay nakalapit ako sa harapan niya. I flashed a grin, and then delivered a strong slap to her face, making her to turn her head away and causing her lip to start bleeding.

“Hmmm... or else what?” nang-aasar kong tanong sa kaniya.

Napahawak ito sa kanang mukha niya kung saan ko siya sinampal at tinignan ako ng matalim sabay akmang susugod na sana siya nang bigla ko siyang sinipa ng malakas sa tyan. I looked at the maids who were just staring at me, as if they were very afraid of what I did. Napangisi na lamang ako sa naging reaction nila. Ayan dapat lang matakot kayo. Wala man lang nagtangkang lumapit at tulungan man lang itong magaling kong kapatid, which is actually better for me because I can do what I want to her.

Lumapit ako sa kapatid kong nakabulagta na sa sahig habang namimilipit ito sa sakit dulot nang malakas kong pagkakasipa sa tyan niya. Sinabutan ko siya at inangat ang ulo nito.

“How does it feel to be beaten up by trash like me and be helpless, sister?” sarcastic kong tanong sa kaniya. “Galit na galit ka ba dahil wala kang magawa? Ayan, magalit ka lang but too bad you’re just making me even more angry right now, so I’ll just take out all my anger on you," malamig kong wika sa kaniya.

“I'm going to fucking kill—” Hindi na niya natapos ang sasabihin nito nang may bigla akong sinubo sa kaniyang bibig. Dahil sa pagkabigla ay nalunok niya agad iyon.

I forcefully let go of her hair while a smirk was plastered on my lips. My face suddenly turned serious as I looked at the four maids who witnessed what I did. Mababakas ang takot sa mga mukha nila habang nakatingin sa kapatid ko na nakahawak ngayon sa lalamunan niya habang binubuka ang kaniyang bibig. Thankfully, she had gone silent.

“Ayaw niyo naman sigurong matulad sa kaniya diba?” inosente kong tanong sa kanila at ngumiti.

They quickly kneeled in front of me with their heads touching the ground.

“A-Ayaw po namin...” sabay na sagot nila sa akin.

“If you don’t want to, here... just swallow this pills,” utos ko at inabot iyon sa kanila.

Bigla silang napaangat ng ulo at napansin kong nagkatinginan sila nang sabay-sabay. One of them was about to speak when I raised my hand to silence her.

The Hostess Is So PowerfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon