Chapter 9

134 15 4
                                    

Chapter 9

KINABUKASAN, kaparehong routine pa rin ang ginawa ni Keira—kumain, matulog, maligo . . . kumain, matulog, at kumain. Ang tanging nadagdag lang sa routine niya ay ang magbasa ng libro patungkol sa pagdadalang-tao. Pakiramdam niya ay bago pa man matapos ang inirekomendang bilang ng linggo na kailangan niyang mag-bedrest ay lolobo siya agad.

Gabi na nang lumabas siya ng kuwarto para pumunta sa living room. Doon niya planong hintayin si Ethan dahil tumawag ito kanina para balitaan siya a oras ng uwi nito. She wanted to eat with her husband. Pakirmadam niya ay mas lalo siyang gaganahan kapag sabay sila nitong kumain.

Habang mas tumatagal na hindi sila nagkikita ni Ethan ay mas lalo niya pa itong nami-miss—pinaglilihian niya nga talaga ito.

She was watching the news while drinking her carrot and squash smoothie when Ethan came. Tumayo siya mula sa kinauupuang couch at patakbong sinalubong ang kaniyang asawa. Kulang na lang ay talunin niya ito ng yakap.

Nanlaki ang mga mata ni Ethan sa ginawa niya ngunit kaagad din siya nitong niyakap at inalalayan.

"Careful," paalala nito na tinawanan lang ni Keira.

She looked up and cupped his face. She admiringly stared at Ethan's handsome face for a while. Napakunot ang noo nito na tila nagtaka sa ginawa niya.

Nang hindi makatiis si Keira ay pinanggigilan niyang kurutin ang pisngi ng kaniyang asawa saka mabilis itong kinintalan ng halik sa mga labi. Kapwa sila nagulat at natigilan sa ginawa niya. She was blushing when she pulled away from Ethan's embrace, but the latter didn't let her. Ngumiti ito at hinalikan siya sa noo.

"You missed me that much, huh?" nanunuksong anito na siyang dahilan para mapaiwas siya ng tingin at mapanguso. "Hindi ko alam na nasa ganoong level na pala tayo."

Napabalik ng tingin si Keira sa asawa at nagtataka itong tiningnan.

"What level?"

"This . . ." Iminuwestra nito ang posisyon nilang dalawa. "The level where you'll kiss me when I get home from work. I didn't know that you'll be a sweet wife, but it kinda feels nice. Kung ganito palagi ang dadatnan ko, palagi siguro akong excited umuwi. Isang kiss pa nga." Sinsero ang pagkakasabi nito, bukod sa huling hirit nito na halatang nang-aasar lang.

Keira slapped Ethans muscular bicep as she glared at him.

"Tse!" she rolled her eyes upward. "'Wag kang masyadong feeling d'yan, it was our baby who missed you," pagtatanggi niya sa panunukso nito kanina sa maliit na tinig. "I won't kiss you, again."

Ethan looked at her in an amused manner.

"Really?" He chuckled before his big hand reached for her small baby bump.

"How's my little champ there? Pinahirapan mo ba si Mommy today?" pag-iiba nito sa topic. Tumiil na ito sa pang-aasar.

Buti naman . . .

Halos lumubog na si Keira sa kinatatayuan at sobrang pula na ng mukha niya dahil sa sobrang hiya. Buti na lang at iniba na nito ang usapan.

Umiling si Keira, bilang sagot.

"Our baby's behave."

"That's good to know. Kumusta ang pakiramdam mo? Do you still have bleeding?"

"Ayos lang din ako. I slept and eaten a lot of food today. I-I still have spotting, though. Kaunti lang naman . . ."

Biglang nahiya si Keira kay Ethan dahil sa topic nilang iyon.

"You should be resting on bed, then. You shouldn't be here. Tumakbo ka pa kanina. Kabilin-bilinan ni doktora na awal kang mapagod, Keira." Napailing ito saka inalis ang kamay mula sa bump niya. "Halika, ihahatid na kita sa kuwarto mo."

Testing the WatersWhere stories live. Discover now