Chapter 3

144 13 1
                                    

Chapter 3

Hindi naiyak si Keira sa buong seremonya at maging sa reception ng kasal nila ni Ethan dahil pinipilit niya pang gagapin ang katotohanang iba na ang magiging buhay niya ngayon. Aside for being a soon-to-be mother, she was now a wife to a man that she did not really know.

Natauhan lang si Keira nang papaalis na sila ni Ethan patungo sa inihandang honeymoon place para sa kanila.

"Mag-iingat ka palagi, anak, ha? Bibisitahin ka pa rin naman namin ng daddy at kapatid mo—pero mami-miss pa rin kita. Hindi ako sanay na hindi ka nakikita at nakakasama sa bahay," ani Irene nang mahigpit siya nitong yakapin.

Ang kaninang mga luhang wala naman ay nag-uunahan na ngayong tumulo. Maging siya ay hindi rin sanay na wala siya sa kanilang sariling mansyon. Keira lived in their mansion for twenty-seven years, together with her parents—and her twin sister before Katelyn married Marcus two years ago.

"I-I'll miss you, too, Mom. I'll miss your food—everything. P-puwede bang sa atin na lang muna ako tumira? I'm afraid. M-marami pa po a-akong hindi alam about pregnancy. I-I need your help po," Keira admitted.

Isa iyon sa mga bagay na hindi nakapagpatulog sa kaniya nang maayos sa nagdaan na gabi. Takot siyang maiwan sa bahay nang wala ang presensya ng mommy niya, lalo na ngayon at buntis siya. Marami siyang bagay na kailangan pang malaman na ang isang ina lang ang kayang magturo sa kaniya.

Kumalas ang ginang mula sa pagkakayakap sa kaniya. Irene cupped Keira's face and stared at her eyes. Pinunasan nito ang kaniyang mga luha bago muling tumikhim.

"As much as I want you to stay in our home, anak, you need to live with Ethan because you are now married. Hindi naman gaanong malayo ang bahay n'yo. Dadalasan ko ang pagbisita. I'll guide you all throughout your pregnancy—kami ng Mommy Elisa mo. Hindi ka namin pababayaan."

Forty-five minutes ang layo ng kinalakihan niyang tahanan mula sa mansyon na binili ni Ethan, kung saan sila magsisimula ng bagong pamilya. Mas malapit iyon sa kompanya ng mga Montero ngunit malayo sa mansyon ng mga Aragon.

Hindi pa rin mapatahan si Keira hanggang sa matapos silang makapagpaalam ni Ethan sa kani-kanilang mga pamilya. Kahit nasa loob na sila bridal car na ngayon medyo nakalayo na mula sa venue ngunit patuloy pa rin ang kaniyang pag-iyak.

Mabuti na lang ay nakapagpalit na siya ng mas komportableng bestida kaya kahit umiyak siya nang umiyak ay hindi siya nahihirapang huminga sa suot na damit.

"Tahan na, Keira . . . It will be bad for your and our baby if you cry too much," pag-alo sa kaniya ng asawa bago ito muling kumuha ng tissue mula sa tissue box at pinunasan ang kaniyang mga luha. "Hindi naman kita pababayaan. If you want, after ng honeymoon natin puwede kang mag-stay sa inyo ng two days."

Napatigil sa paghikbi si Keira at parang batang napatingin kay Ethan.

"R-really? Y-you'll allow it? A-ayos lang sa 'yo?"

Nginitian siya nito saka tumango.

"Oo naman. If that will make you happy. But for now, we should enjoy the honeymoon that the folks prepared for us. Magagalit sila kapag hindi tayo natuloy sa isla o 'pag napaaga tayo nang uwi. I could get another bruise if we get back earlier than they expect us to stay in the island," natatawang biro nito sa huli kaya napanguso si Keira.

"I'm sorry, sinapak ka pa ni Dad."

"It's okay. I deserve it anyway for not being sober enough that night. Sinapak din naman ako ng daddy ko kaya it's a tie."

Napakunot ang noo ni Keira.

"Huh? Saan ang tie doon? Hindi ka naman nag-fight back sa kanila." naguguluhang tanong niya.

Testing the WatersWhere stories live. Discover now