PROLOGUE

319 22 2
                                    

PROLOGUE

Keira was anxiously pacing back and forth as she waited for the results of the three pregnancy tests she took this morning. Her hands were clammy, beads of sweat started on her forehead, and her heart was beating loudly and faster than normal.

She took a deep breath.

"I can't be pregnant. That's impossible. Stressed out lang ako lately sa work kaya ako delayed," pilit niyang pagpapakalma sa sarili.

"Please, no . . . Please, no . . ."

She heaved a heavy sigh as she stared her reflection from the mirror. Napapitlag siya nang tumunog ang alarm ng kaniyang phone, indikasyon na makikita na niya ang resulta.

Nanginginig na kinuha ni Keira ang tatlong pregnancy test mula sa marble sink ng banyo. She slowly peeked at the results and it doomed her. She saw two red lines in all of the kits.

Nanghihina siyang naaupo sa malamig na sahig. Tears started to stream down from her eyes like a waterfall. She covered her face with her palms and sobbed.

"Oh my God! I'm pregnant . . . I'm so doomed!"

Hindi siya makapaniwala kung paano nangyaring buntis siya. Ni hindi niya nga maalala ang mga nangyari noong gabi ng charity ball, three months ago. Wala rin siyang nobyo kaya hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa pamilya niya ang kalagayan ngayon.

Napakarami niya pang pangarap na nais matupad. Ang magkaroon ng sariling pamilya ay wala pa sa isip niya.

Her loud sobs echoed the bathroom. Her twin sister, Katelyn, who just entered her room heard it. Dali-dali itong nagtungo sa banyo at binuksan ang pinto. Nakita siya nitong luhaang nakasalampak sa sahig. Agad siya nitong dinaluhan.

"Hey! What happened? Are you okay?" Katelyn asked worriedly.

"I . . . I don't know. I don't know what to do . . ." Keira hugged her twin sister and cried.

"Sige . . . Iiyak mo lang," pag-aalo nito sa kaniya. "Gusto mo bang lumipat tayo ng puwesto? Malamig ang sahig," suhestiyon nito, hindi kalaunan.

Keira nodded slowly. Medyo kumalma siya sa pag-iyak dahil sa paghahabol ng hininga. Inalalayan siyang makatayo ni Katelyn at nang akmang aakayin siya nito palabas ay napadako ang tingin nito sa sink. Her twin sister saw the three pregnancy kits on it.

Nanlaki ang mga mata nito saka napabalik ng tingin kay Keira.

"Buntis ka?" hindi makapaniwalang bulalas ni Katelyn na siyang dahilan kung bakit muling pumalahaw ng iyak ang dalaga.

Katelyn hugged Keira tightly. They both stood still as she comforted her twin until the latter calmed down a bit.

"Okay ka na? Gusto mo ba ng tubig?"

Keira shook her head weakly. Katelyn guided her out of the bathroom. She made her sit on the couch.

"How did it happen? I mean . . . may boyfriend ka bang hindi pinakikilala sa amin? Alam niya na ba na magiging daddy na siya?"

Pag-iling lang ang muling naisagot ni Keira. Muli na namang nangibot ang kaniyang mga labi at nagtubig ang kaniyang mga mata. Nanlulumong naihilamos niya ang palad sa mukha.

"I don't know . . . I don't know what happened. The morning after the charity ball three months ago, I just found myself inside a-a hotel room . . . I was sleeping beside E-Ethan. H-hindi ko matandaan yung nangyari. M-maniwala ka. Hindi ko talaga matandaan kung paano ako—kami napunta r'on. I'm sorry . . . I'm sorry. Hindi ko alam. H-hindi ko sinasadya . . ."

"Ethan? Do you mean Ethan Montero? Marcus' best friend?"

Naiiyak na tumango si Keira.

"Kayo ba? May relasyon ba kayo nang hindi namin nalalaman?"

Testing the WatersNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ