Kabanata 30

68 2 0
                                    

KABANATA 30


NAKAUPO AKO sa harap ng lapida ng mga magulang ko, katabi ang bulaklak na dala namin. Habang si Maya ay bumuli ng maiinom na tubig.


"Miss you, Amang. Miss you na kayong tatlo." Saad ko.


"Marami akong ikwe-kwento sa inyo. Alam mo, Mang. Si Maya subrang galing niya sa School nila. Subrang tataas ng mga marka nito. Kung sana nandito kayo, alam kung proud na proud kayo sa kanya. Pinipigilan kung maging malakas sa harap niya Inang pero hindi ko mapigilan sa tuwing namimiss ko kayong tatlo. Ginagawa ko ang lahat para maging malakas." Napabaling ako sa likuran ko nang tawagin ako ni Maya.


"Ate. May buko juice ako dito." Malaking ngiti ang nasa labi nito.


"At alam niyo, Mang at Inang. Noong kaarawan nito, alam mo yung h-hiling n-niya? Napapiyok ako sa dulo. "Na sana may kaagaw siya sa Cholocalate cake." Napatawa na lang ako.


Nang malapit na si Maya ay pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisnge ko.


"Amang, Inang, at Tisoy. Buko juice." Lapag niya sa lapida ng kapatid namin.


I smiled.


Saktong papalabas na ang araw ay naisipan na naming bumalik sa hotel at baka hinahanap na kami nila Manager. Nag paalam muna kami.


"Amang, Inang. Aalis na kami. Babalik kami dito ni Maya pag naging okay na ang lahat. Pangako ko yan," Lumuhod naman ako sa lapida ng nakakabantang kapatid ko. "Tisoy, babalik kami dito. Mahal na mahal ka ni Ate."


Tuluyan na kaming umalis at bumalik nang hotel.


"Jusko naman, Airian! Tatawag na sana kami ng pulis. Kung saan kasi kayo pumupunta nang hindi man lang nagpapaalam." Pagalit na sabi ni Manager. Pero kita mo sa mukha niyang, subrang alala nito samin ni Maya.


"Nag lakad-lakad lang ho, kami." Pag-sisinungaling ko. Ayokong may makaalam na dito ang bayan kung saan ako lumaki. Hindi dahil sa natatakot ako kundi ayokong kaawaan nila ako pag nalaman nila ang kwento ng buhay ko.


"Sige na. Kumain na kayo."


Pagkatapos naming kumain ay nag-aya si Manager na libutin namin ang sikat na Batis sa Bayan.

Naalala ko ang batis sa tabi ng farm na kung saan ay naliligo kami. Ang mga masasayang nangyari ay hindi na maibabalik pa. Pero pangarap ko na balikan ang batis na kung saan nagsimula ang lahat. Mula sa simpleng family na nakabuo ng marami pang pamilya.


"Ready na bala kamo?" Ready na ba kayo.


"Ready na." Sabay-sabay na sabi ng lahat.


Lahat ay pumasok na sa loob ng Van. Bago kami tuluyang pumunta sa Flower Farm na tinutukoy ay napadaan kami sa isang bilihan ng prutas. Bumaba si Manager para bumili ng pakwan at mangga.

Probinsyana Girl (Calinog Series #1)Where stories live. Discover now