Kabanata 12

97 3 0
                                    

KABANATA 12


ALA UNA palang ng hapon kaya medyo mainit pa nang kaunti. Hindi naman ganun ka dami ang tao sa plaza dahil may pasok pa ang ibang estudyante mamayang 3pm hanggang gabi marami nang tao. Medyo kalayuan ang plaza sa bahay kaya hingal na hingal ako pagkadating naman. Sanay na akong mag lakad pero hindi yung tumatakbo. Hawak ko pa naman si Guren kaya pag tumatakbo ito wala akong magawa kundi tumakbo din.


"Bibili lang ako ng maiinom at makakain natin, d'yan lang sa 7/11." Binigay ko muna kay Kaye si Guren. Iniwan ko silang nakaupo malapit sa may malaking puno sa plaza. Pagkapasok ko nang 7/11 nakahinga din ako sa wakas. Pumili ako ng maiinom at makakain namin habang nasa plaza kami. Bumili ako ng dalawang bottled water at limang footlong na chicken flavor. Kukuha na sana ako ng pera sa bag ko nang may biglang nagsalita sa likod ko.


"My treat."

Napabaling ako ng tingin sa likod ko. Jc?


"A-anong ginagawa mo dito? Oh my god! Kailan kapa dumating?" Biglang tanong ko. Jc is one of my boybest friend nung nasa highschool ako.


"Last week lang. Magpapakasal na kasi si Ate next month, so maaga kaming umuwi para mahaba din ang bakasyon."


"Totoo pala. Nabalitan ko lang kasi sa kapitbahay niyo na kaklase nating noong highschool na si Kayla."


Tumango ito. " Ganun ba. Punta ka ha. Alam ko naman na papadalhan ka ni Ate ng invitation kaya uunahan ko na siya." Natatawang saad nito.


"Sukli niyo, Sir." Kinuha naman ni Jc ang sukli niya.


"Salamat ha. Tara samahan mo kami sa plaza." Pag aaya ko sa kanya. Minsan lang din naman sila kung umuwi ng Calinog kasi nasa Cebu ito nag aaral.


"Oo ba, minsan lang din naman uwi e." Tinulungan niya akong dalhin ang paper na subrang gaan naman. Hindi ko alam kung may girlfriend na itong si Jc kasi ang pagkakaalam ko ever since hindi pa ito nagkakajowa. NGSB.


Pagdating namin sa kung saan ko iniwan si Kaye at ang dalawa kung aso. Nagtatakbo ang mga ito.


"Kaye, meryenda." Tawag ko dito.


"Anong meryenda? Ala una palang." Pag iinis ni Jc sakin.


"Hayaan mo ako. Pasalamat ka ikaw nag bayad ng mga 'yan." Tinaasan ko siya ng kilay sabay turo ng dala dala niyang paper bag.


"Sandali lang." Sigaw naman ni Kaye sa hindi kalayuan. Hinahabol nito sila Guren na takbo ng takbo.


"Hayaan mo na. Hindi naman sila lalayo. Hali kana."


Patakbong bumalik si Kaye sa pwesto namin. Mayamaya ay humabol din si Guren at . Kinain na namin ang binili ko sa 7/11 na kahit si Jc ang nagbayad. Kain at kwentuhan lang ang ginawa namin sa plaza hanggang sa nagpaalam na din si Jc na uuwi dahil may pinabibili pa sa kanya. Alas tres palang ng hapon kaya hindi muna kami umuwi. At dahil malapit lang naman ang clinic ni Doc. Wed sa plaza na isipan ko na dahil sila Guren at dun para mag pacheck up na din. Pagdating namin dun may iba ding chenicheck up si Doc ng ibang hayop kaya umupo muna. Habang hinihintay namin si Doc. Wed nakaramdam ako na para akong naiihi. Nakakahiya namang pumasok sa cr ni Doc ng hindi nag papaalam kaya lumabas ako para sa plaza mag cr. May public restroom sa plaza kaya dun na lang ako mag ccr.

Probinsyana Girl (Calinog Series #1)Where stories live. Discover now