Kabanata 3

239 7 0
                                    

KABANATA 3


"PUPUNTA ka sa farm niyo? Sayang hindi ako makakasama. Kakainis naman!" Padapog na sabi ni Dos. Tapos na ang first class and last class ko ngayong araw. Kaya naisipan ko na isurprise si Amang, at ang dalawa kong kapatid.


Mamimili ako ng supplies para kahit anong oras makakain sila Amang. May suppies din naman dun sa Guest house namin sa Farm, pero ba ka kunti na lang kaya bibili na lang ako.


"Jusko! Parang ngayon lang na hindi tayo mag kasamang pumunta ng Farm eh, para ka nang sasabog. Tapos kakain kami dun ng inyog..uhmmm ang sarap nun." Iniinis ko pang sabi sa kanya.


"Sige lang! Mag paingit ka!" He rolled his eyes.


I laugh. "Pumasok kana nang sa susunod mong klase. Aalis na din ako." Sabay tayo ko sa pagkakaupo sa bench.


"Uuwi ka mamaya? Susunduin ba kita?"


"H-hindi ko pa alam." Pag aalinlangan kong sabi. Hindi pa din kasi ako sure talaga kong uuwi ako or bukas ako ng umaga uuwi.


"Text me, huh? Para masundo kita."


"Sige bye. Una ako! Baka ulanan ako." Pag paalam ko sabay lakad papuntang gate. Nag hihintay ako ng dadaang tricycle para pwede kong akopahin papuntang flower farm. Dahil sa wala akong sasakyan, ay hindi din ako marunong mag drive. Kaya pag pupunta ako sa flower farm, kasama ko lagi si Dos, gusto din naman niyang sumama. Pero sa ngayong araw ay may pasok siya kaya ako na lang mag isa.


Nag hintay pa ako ng ilang minuto ng may paparating, pumara ako. At nang mapara ko ito, huminto naman siya.


"Sa Flower Farm po ng mga Perez. Pero daan po muna tayo ng grocery store." Sabay sakay ko.


Tumango naman si Kuyang driver at binuhay ang makina. At nang makadaan kami sa Grocery Store agad akong bumaba at para makabili na din. Isang malaking box ang lahat ng ng pinamili ko. Nag patulong na lang ako kay Kuya na ikagra sa tricyle niya. Hindi naman ako natagalan sa pag grocery dahil, alam ko naman ang bibilhin ko.


11:25am na ako nakarating sa Flower Farm namin. Pinabuhat ko na lang kay Kuyang driver ang pinamili ko.


"Dito na lang po, Kuya. Salamat." Sabay abot ko ng bayad. At nang makaalis si Kuya, sinubukan kong buhatin ang box, pero 'yon nga hindi ko kaya. Ang bigat-bigat. Naghahanap ako ng tutulong sakin at nakita ko nga ang isang anak ng nag tatrabaho sa farm.


"Kaede. Kaede..." I call him. Agad naman siyang patakbong lumapit sakin. Hinihingal ito. Basang-basa siya ng pawis. Magpapatulong kaya ako?! Kaso ang bigat ng box.


"Yes po, Ma'am? Ano pong matutulong ko sa inyo?" Hinihingal na sabi niya. Nag pupunas ito ng basang damit niya sa basang-basa niyang mukha. Anak siya ng isa sa mga nag tatrabaho sa Farm, tumutulong din si Kaede kay Tay Cador.


"Mag papatulong sana ako... Ang bigat kasi...kaya ng makita kita, tinawag kita." May pag aalin langan kong pag sabi sa kanya. Hindi kami gaanong close ni Kaede, dahil minsan lang naman ako pumupunta dito, pag wala akong pasok. Hindi ko din naman siya masyadong kilala, kilala ko lang siya sa pangalan niya at anak siya ni Tay Cador.

Probinsyana Girl (Calinog Series #1)Where stories live. Discover now