Akmang itatarak ni Ella ang kutsilyong hawak niya kay Kisha ng may humablot sa kamay niya. Nabitawan niya si Kisha at tumalsik siya sa may lababo at doon tumama ang likuran niya at ulo. Nabitawan na rin ni Ella ang kutsilyong hawak. Nagulat pa si Jarred ng mapansing may dugo iyon.

"What do you think your doing Ella!?"

"Hayop ka Jarred!" hindi na napigilang sagot ni Ella sa gitna ng pag-iyak niya. Akmang susugurin niya si Jarred ng makatayo siya ng maunahan siya ni Jarred.

Napabaling ang ulo ni Ella dahil sa lakas ng sampal ng binata sa kanya dahilan para bumagsak siyang muli sa sahig.

"Ella," mahinang bulong ng binata ng tawagin ni Kisha ang pangalan niya. Kaya napabaling siya sa dalaga. Doon lang napansin ni Jarred ang duguang pisngi ni Kisha.

"Hon," umiiyak na saad ni Kisha kaya mabilis niyang dinaluhan ang kasintahan.

"Anong nangyari?"

"Basta na lang ako sinugod ni Ella. Mabuti na lang dumating ka. Hon, ang mukha ko. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa mukha ko. Ilayo mo ako kay Ella papatayin niya ako," umiiyak na saad ni Kisha habang hawak ang dumudugong pisngi.

Masama ang tinging ipinukol ni Jarred kay Ella. Hindi niya inaasahan ang pagiging bayolente ng babae.

"Wala kang kwenta. Wala na akong pakialam sayo. Lumayas ka!" sigaw ni Jarred ng biglang bumalik sa katinuan si Ella.

Noon lang napansin ni Ella ang dugo sa kamay niya, ang kutsilyo sa sahig at ang pisngi ni Kisha na may dugo. Siguro nga ay baliw na siya. Sobra na siyang nasasaktan sa nangyari sa buhay niya.

Bago pa makapagsalita si Jarred ay nagsimula na siyang maglakad palabas ng bahay.

Ilang minuto na rin mula ng makalayo siya sa may gate ng bahay ng mapansin niya ang kotse ni Jarred na may pagmamadaling lumampas sa kanya. Mapait lang siyang napangiti.

"Ano pang silbi ng buhay ko kung wala ka na?" napatingin pa si Ella sa kalangitan ng hindi niya napansin ang isang tricycle na muntik na siyang mabangga. Mabuti na lang at mabilis itong nakapagpreno.

"Ayos ka lang hija?" tanong ng driver ng tricycle ng lapitan siya nito at inalalayang makatayo. Tumango lang naman si Ella bilang sagot.

Napansin ng driver ang mapulang pisngi ni Ella at ang bakat ng palad na siyang dahilan ng pamumula. Umiiyak pa si Ella sa mga oras na iyon at magulo ang buhok.

"May nais ka bang puntahan hija?" anito na iling lang ang isinagot ni Ella.

"Ganoon ba. Sumama ka na lang sa akin hija. Dahil kasalanan ko naman kung bakit muntik na kitang mabundol. Dadalahin na lang kita sa lugar kung saan pwedeng gumaan ang pakiramdam mo."

Wala namang pakialam si Ella kung ano man ang mangyari sa kanya. Kaya naman tumango na lang si Ella. Sumunod na lang siya sa lalaki ng igaya siya ito papasok sa loob ng tricycle.

Habang binabagtas ang napakahabang daanan ay napansin na lang ni Ella na ang tinutumbok nila ay parang liblib na lugar. May puno sa tabi ng daan, at mayroon ding mga nagtataasang damo. Wala naman siyang iniisip na masama. Gusto na lang niyang ipagpasa Diyos ang lahat.

Ilang sandali pa ay tumigil sila sa tapat ng isang malaking gate. Nagtataka man ay inalalayan siya ng driver pababa.

"Nandito na tayo hija. Wala naman akong alam kung saan ka dadalahin. Makakatulong sayo ang mga tao sa loob. Isang monasteryo itong pinagdalhan ko sayo. Kung may problema ka na hindi mo masabi sa iba. Magsabi ka lang sa kanila. Kakausapin ka nila ng walang panghuhusga."

Noon lang natitigan ni Ella ang driver na kasama niya ngayon.

"Mang Romy," hindi niya mapigilang saad ng makilala ang matanda. Kahit matagal na ng una silang magkita ay hindi niya nakakalimutan ang matandang driver na may magandang payo sa kanya noon.

"Oo Ella. Mukhang sa tagal ng panahon na hindi tayo nagkita, tapos ngayon parang mas malaki ang problema mo hija. Kaya naman dito na kita dinala. Pwede mong ikumpisal ang lahat ng problema mo sa Kanya. May makikinig sayo."

Hindi na napigilan ni Ella na yakapin ang matanda at muling ibinuhos ang mga luha sa pag-iyak. "Salamat po, salamat."

"Tahan na Ella, sana ay gumaan ang pakiramdam mo pagnasabi mo na sa Kanya ang problema mo. Makakatulong iyon anak," ramdam ni Mang Romy ang pagtango ni Ella.

Matapos humupa ang pag-iyak ni Ella ay inalalayan ni Mang Romy si Ella na maupo saglit sa tricycle nito. Hindi malaman ni Ella kung anong saya ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Parang kasama niyang muli ang daddy niya. Inayos ni Mang Romy ang napakagulo niyang buhok. Higit sa lahat nilagyan pa nito iyon ng tali.

"Pamuyod ito ng anak ko Ella. Sa iyo na lang para naman hindi ganoong kagulo ang iyong buhok."

"Salamat po itay."

Matapos iyon ay iginaya ni Mang Romy si Ella sa bukas na gate.

"Pasok ka na hija," isang tango lang ang isinagot ni Ella bago iniwan si Mang Romy sa labas ng gate na iyon.





In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon