Inilabas ni Kisha mula sa dala niyang bag ang isang papel at inabot iyon kay Ella. Nakatitig lang naman si Ella sa papel na iyon at wala siyang balak tanggapin.

"Get it. Hindi mo malalaman kung ano ang sinasabi ko sayo kung hindi mo babasahin iyan," nakangising saad pa ni Kisha. Kaya naman kahit ayaw niyang tingnan kung ano iyon ay kinuha na lang ni Ella.

Nanginginig pa ang mga kamay ni Ella habang binubuklat ang papel na iyon. Lalo lang nanlamig ang katawan ni Ella ng mabasa ang mga salitang nakalagay sa papel. It's a death certificate.

"You see. Wala ka ng lugar para magstay ka dito. Patay na ang anak mo. Kung napapansin mo may sinasabi pa ba si Jarred sayo tungkol sa anak mo? Sa tingin ko ay wala ka ring balita sa kanya. Poor Ella," mapang-uyam na saad ni Kisha. "Hindi ipinaalam ni Jarred na wala na ang anak mo, para mapaghigantihan ka niya, kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon hindi ka niya binigyan ng karapatang maging ina sa anak mo," tumatawa pang saad ni Kisha ng hindi niya inaasahang may isang bagay na tumama sa kanyang pisngi. Sa gulat niya ay nahawakan niya ang pisngi at nakaramdam siya ng hapdi at sakit.

Naramdaman na lang din ni Kisha ang pagpatak ng mainit na likido na nagmumula sa pisngi niya. Halos mapigil ni Kisha ang paghinga ng mapagtanto ang nangyari sa kanya.

Nanginginig ang mga kamay ni Ella habang hawak ang kutsilyo sa kanyang kamay. Nahagip niya iyon ng halos magdilim ang kanyang paningin sa mga sinassbi ni Kisha tungkol sa kanyang anak.

May dugo ang kutsilyo. Nanginginig pa ang kanyang kamay. Hindi siya nanginginig dahil natatakot siya. Galit. Iyon ang nararamdaman ni Ella sa mga oras na iyon.

Walang sino man ang may karapatan para alisan siya ng karapatan para maging isang ina. Si Jarra ang buhay niya. Si Jarra ang lakas niya. Kung wala na si Jarra ano pa ang silbi niya. Wala na.

Masama ang tingi ang ipinukol ni Ella kay Kisha, sa mga oras na iyon. Wala ng silbi lalo ang buhay niya, iyon ang pilit na tumatakbo sa isipan niya. Sa tingin pa lang ni Ella ay nagawang umatras ni Kisha. Blanko ang isipan ni Ella at handa rin siyang pumatay para sa kanyang anak. Mga salitang nabubuo sa madilim na parte ng puso niya.

"A-anong g-gagawin mo E-Ella?" nahihintakutang saad ni Kisha habang papalapit si Ella sa kanya.

Mabilis ang pag-atras ng dalaga hanggang sa matapid siya sa isang silya ka naman napaupo siya sa sahig.

"Jarred! Jarred!" walang humpay na sigaw ni Kisha sa pangalan ng kasintahan dahil sa takot sa maaaring gawin ni Ella sa kanya.

Wala na ring ampat ang dugo na nagmumula sa pisngi ni Kisha. Kumakalat na ito sa damit ng dalaga. Umiiyak na rin siya sa sobrang takot.

"Tumigil ka na Ella! Tanggapin mo na lang na patay na ang anak mo at umalis ka na dito sa bahay ni Jarred!" dagdag pa ni Kisha ng makalapit si Ella sa kanya.

Lumuhod si Ella. Para magtama ang kanilang mga mata ay iniangat ni Ella ang mukha ni Ella sa pamamagitan ng paghapit ni Ella sa buhok niya. Nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Ella dahilan para mas lalong lukuban ng takot si Kisha.

"Stop it Ella," pakiusap ni Kisha ng padaanin ni Ella ang kutsilyong hawak sa mukha ni Kisha.

"You want me to stop," ani Ella na ikinatango ni Kisha na nanginginig na sa sobrang takot. Napangisi naman si Ella. Hindi akalain ni Kisha ang pag-iiba ng ugali ni Ella. Parang hindi ito ang Ella na ilang beses niyang nakita noon at nakita niya sa loob ng bahay ni Jarred.

"Nagmakaawa ako kay Jarred, na ibalik niya sa akin ang anak ko. Ngunit hindi niya ako pinakinggan. Hindi ninyo tinigilan ang buhay ko hanggang sa wala ng natira sa akin. Si Jarra na lang ang natitira sa buhay ko. Pero anong ginawa ninyo? Inilayo ninyo sa akin ang anak ko. Tapos ngayon sasabihin mong wala na ang anak ko! Mga hayop kayo! Wala kayong awa! Ano naman kung makulong ako kung patayin kita? Wala ng silbi ang buhay ko. Kasi ang buhay ko matagal ng walang silbi buhat noong inilayo ni Jarred sa akin ang anak ko!" may diing saad ni Ella habang patuloy sa pag-agos ang mga luha niya.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now