Kabanata 24

49 3 1
                                    

"I'm glad you came. Thank you for accepting my invite."

Alanganin akong ngumiti. Nag-absent ako para rito, sayang sa attendance pero wala namang magle-lesson, mas okay na na lumabas ako.

Kanina pa ako hindi mapakali. The place is just too... extravagant, it screams luxury! Saan bang lupalop ako nang galing at hindi ko alam na nag-eexist ang ganitong restaurant? A seaside restaurant, literal na nakikita ang mga isda sa ilalim dahil sa salamin na sahig.

Although it no longer matter kung saan ako ngayon, dahil mas hindi ako mapakali sa kaharap ko. It's none other than Damian D'Angelo himself, pumunta siya sa school kanina, pagdating ko ay nasa gate siya nakaabang. He asked me out at sa sobrang gulat ay nastar-struck nalang ako, Thirdy was in a hurry for some reason kaya hinayaan niya nalang ako at iniwan kay Damian.

He is the least guy I didn't expect to be with. But now I'm seated in front of him, buti nalang hindi ako naka-uniform, di mukhang nag cutting.

"Don't you like the place? We can leave..."

"No need." mabilis na sagot ko. "T-there's no need."

Paano ko ba sasabihin sakaniya na siya dapat ang aalis? Kidding! pinagtitinginan kasi kami ng mga tao, mamaya niyan, nag-trending na naman ako sa twitter. Sobrang gwapo ni Damian kaya maraming baliw sakaniya, gwapo talaga as in sobra sobra pero wala akong balak maging babae niya 'no, hindi sa pagiging delusional. Inunahan ko lang ang iisipin ng mga tao na babae niya rin ako pag nagkataon.

Mahina siyang natawa ng mapansin ang pagkailang ko sa mga tingin ng tao. Shit 'yan, grabe namang pagsubok 'to, Lord. Bakit ang gwapo? Silaw na silaw na ako tapos tatawa pa siya ng gano'n? Damn.

"Don't mind them." nangingiting sabi niya.

He bought me flowers pa pala kanina. Kilig na ba tawag dito? Hindi ko mapigilan ang ngiti, pero sino ba namang hindi kikiligin kung idol mo ang kaharap? He's just too... charming.

"I'm sorry, can't help it." inilagay ko sa table ang kamay.

"Don't apologize, and don't worry. I got you, I'll take care of the headlines later on, for now, let's just enjoy."

Sobrang gara ng accent niya, hindi nga halatang Italian siya. Siguro dahil sa kakatravel din nila at iba't ibang tao ang nakakasalamuha niya ay mas gumanda lalo ang english niya.

The food arrived and we started eating, may oras na parang hindi ko malunok ang kinakain pag nahuhuli ko siyang nakatingin. Like why? why would he stare at me while I'm eating?

May panay tawag sakaniya. At dahil nasa mesa ang phone niya ay nakita kong manager ang nakapangalan, ilang beses niya 'yong dinecline at ng ika-walong beses ay tinurn off niya na saka ibinulsa.

"Why didn't you answer it?"

Bago ko pa man marealize ay naisaboses ko na pala 'yon? Nabalik ang tingin niya sa'kin at ngumiti lang kalaunan.

"It's not important." maikling sagot niya.

"What if it is? What if it's an emergency?"

"Then they should've called 911 instead of me." he shrugged.

Dahil sa sinabi niya ay naisip ko tuloy kung anong klase kaya ang other side niya? Random lang pero ramdam ko na suwail din siya, I remember what Legacy told me tuloy, na sakit niya lang sa ulo si Damian. Bakit kaya?

"Ah, I forgot to ask. Have you been in a relationship before?"

Unti-unti ay umiling ako. "But I do went out on casual dates."

Don't Read Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon