"I know, pangmeryenda rin."

"Ay sige po sir tatanggpin ko po ito. Dahil tatlong libo naman po ito. Ibibigay ko po sa dalawang kapalitan ko iyong dalawang libo para po tig-iisang libo po kami. Nakatanggap din po ako doon sa dalawa ng tig-isang libo galing daw po sa inyo noong pumunta po kayo na sila ang duty."

"Ikaw ang bahala, dapat pala dagdagan ko pa."

"Naku sir hindi na. Ayos na po ito. Sakto po palagi sa aming tatlo ang bigay ninyo kasi po lahat kami ay mayroon. Sige po, ipatawag po ninyo ako sa may information mamaya pagkailangan na po ninyo ako ha. Sa canteen lang po ako."

Isang tango naman ang naging sagot ni Jarred sa nurse na sa tingin niya ay napasaya niya sa simpleng bagay na iyon.

Hahakbang na sana si Jarred palapit kay Jarra ng hawakan ni Kisha ang kamay niya.

"Why?"

"Anong why? Ang inosente pa ng tanong mo as if hindi mo alam na kasama ko ako, o talagang nakalimutan mo ako? Totoo bang hindi mo babae ang nurse na iyon?"

"Don't start Kisha. Nurse lang iyon at nagbabantay ng bata."

"Ay sino naman ang batang iyan? Don't tell me na anak mo iyan?"

"No!" may diing saad ni Jarred. "But she's daughter of Ella."

"Wait, anak siya noong ex-girlfriend mo? Oh bakit naman nandito? Wag mong sabihin na ipinapaaruga sayo ang anak niya? Isa pa nagtataka akong makita siya sa bahay mo? Ano kayo maid with benefits?" napapantastikuhang saad ni Kisha. "Napakadesperada, wala bang tatay ang batang iyan? Matapos ninyong maghiwalay ay sayo pa rin naman pala lalapit. Napakalandi," inis na saad ni Kisha ng lampasan nito si Jarred.

"Kisha."

"Don't try to stop me Jarred. I'm your girlfriend pero nilihim mo sa akin ang bagay na ito. Hindi ako makakapayag na maagaw ka lang ulit sa akin ng babaeng iyon. Alam kung iniwan ka niya na parang basura. Tapos ngayon kukupkupin mo yang mag-ina. Hindi ako makakapayag."

"Kisha!" sigaw ni Jarred ng biglang hablutin ni Kisha ang laruang lutu-lutuan ni Jarra, at malakas na inihagis sa sahig kaya nabasag ang lahat ng iyon.

Natigilan naman si Jarra. Hindi naman niya pinapansin ang dalawang tao sa silid na iyon, pero ang sirain ng babaeng kaharap ang laruan niyang bigay ng mabait na nurse ay hindi na naman niya napigilang umiyak.

"M-mama, m-mama," paulit-ulit na sambit ni Jarra. Hindi malaman Jarred kung ano ang pumasok sa kukote niya kung bakit sa halip na aluhin si Jarra ay kinuhanan pa niya ng video amg umiiyak na bata habang kaharap si Kisha.

Dahil na rin sa pag-iyak at pag-aalburuto ni Jarra ay nahugot ang karayom ng dextrose nito na nasa kamay nito dahilan para biglang magdugo iyon. Siguro ay nasugatan din si Jarra dahil madaming dugo ang lumabas. Nalagyan na ang damit ni Jarra at ang mukha nito. Dahil sa pagtalsik ng dugo ay nalagyan din ang suot na damit ni Kisha. Dahil sa sobrang inis, kaya naman bigla nitong naitulak si Jarra na ikinahiga ng bata sa kama. Doon naputol ang video ng biglang mawalan ng malay si Jarra.

"What have you done?" nag-aalalang tanong ni Jarred na aminado naman siyang kasalanan niya. Sino bang baliw ang ivivideo pa ang pagwawala ng isang bata? Siya lang. Nababaliw na nga siguro siya para makaganti ng pagpapahirap kay Ella.

Mabilis namang pinindot ni Jarred ang button para makatawag ng doktor.

Natigilan naman si Kisha dahil hindi niya akalaing mawawalan ng malay si Jarra. Noon lang niya naisip kung nasaan sila. Ospital iyon para sa mga taong may cancer. "Hindi ko sinasadya," bulong niya.

Mabilis namang dumating ang doktor at ang nurse kanina. Sinuri kaagad ng doktor ang kalagayan ni Jarra. Ang nurse naman ay mabilis na kumuha ng damit na pamalit para kay Jarra. Nilinisan nito ang kamay nitong may sugat. Matapos mapalitan ng damit ay ibinalik ng babae ang dextrose ni Jarra.

"Kumusta siya dok?"

"Maayos naman ang kalagayan niya sa ngayon. Medyo mabilis lang humina ang katawan niya. Siguro dala na rin ng nai-stress ang bata. Sa katunayan, palagi niyang hinahanap ang mama niya. Pero tulad ng sinabi ninyong wala na ang mama niya. Hindi namin masabi sa kanya," malungkot na saad ng doktor na nagpaalam din sa kanila. Ang nurse naman ay hinayaan din muna niyang lumabas para siya muna ang magbantay kay Jarra.

"Anong sinasabi ng doktor ng batang iyan na wala na ang nanay niya?"

Napahilot sa sentido si Jarred at naupo sa sofa na nandoon. Sinundan naman ni Kisha ang lalaki at naupo sa tabihan nito.

Noong dinala niya si Jarra sa ospital na iyon ay hindi niya malaman kung paano sasabihin sa mga doktor at nurse doon ang sitwasyon ni Jarra para hindi hanapin ng mga ito ang magulang nito. Hindi naman niya sabihing anak niya si Jarra. Kasi hindi naman iyon totoo. Kaya naman ang naisip niya ay palabasing wala na ang ina nito. Para wala ng tanong-tanong pa. Sinabi pa niyang huwag sasabihin sa bata ang nangyari.

Alam niyang malaking kasalanan ang ginawa niyang kasinungalingan para lang mapaglayo ang mag-ina. Kaya hindi na niya alam amg gagawin niya. Puro na lang sila kasinungalingan. Pero hanggat walang sinasabi ni Ella, magiging matigas pa rin siya.

"Mind your own business Kisha."

"But I'm your girlfriend."

"I know."

"Sige hindi na lang ako magtatanong hindi na ako mangungulit. Hahayaan na lang kita aa gusto mo, basta ipangako mong sa akin ka lang Jarred."

"I promise," sagot na lang ni Jarred para hindi na humaba pa nag usapan. Hinalikan ni Jarred si Kisha sa noo at labi. Alam naman nilang nasa public places sila kaya naman alam pa rin nila ang limitasyon nila.

Ilang sandali pa at may tumawag kay Kisha kaya naman hindi na rin ito nagtagal. Itinawag na lang ito ni Jarred ng taxi lalo na at may marhin ng dugo ni Jarra ang damit ni Kisha. Hindi naman agad umalis si Jarred at binantayan ni Jarred ang natutulog na si Jarra.

"Mama," ani Jarra habang nakataas ang kamay na wari mo ay may inaabot.

Mabilis na nilapitan ni Jarred ang bata at hinawakam ang kamay nito. "Jarra."

"Mama, nandito na po si Jarra. Mahal na mahal kita."

Alam ni Jarred na nananaginip lang ito, at masaya siyang makita ang ngiti ni Jarra kahit natutulog ito. Napangiti din siya ng maalalang nakuha ni Jarra ang matamis na ngiti ni Ella.

"Ella," sambit niya habang inaalala ang mga kilos at nangyari kay Ella nitong mga nakaraang nakasama niya ito. "Ano ba talagang nangyari Ella? Magsalita ka naman," anas pa niya.

Unti-unting nagmulat ng mata si Jarra at napansing nasa tabi niya si Jarred. Nagtatampo siya sa lalaki, dahil sa pangako nitong makikita niya ang mama niya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakasama.

"Jarra."

"Alam ko pong hindi naman ninyo ipapakita sa akin ang mama ko. Ayos lang po ako dito. Salamat po kasi ipinapagamot po ninyo ako. Pero hindi ko po kailangang gumaling kung wala din naman po ang mama ko."

Napalunok pa si Jarred sa sinabing iyon ni Jarra. Nasasaktan siya.

"Dadalahin ko din dito ang mama mo pangako."

"Saka na lang po kayo mangako kung kasama na ninyo ang mama ko," tinalikuran siya ni Jarra at muling ipinikit ng bata ang mga mata.

Wala na rin namang nagawa si Jarred kundi halikan na lang sa ulo si Jarra na palagi niyang ginagawa pagdumadalaw siya doon. Ipinatawag na rin niya ang nurse na nagbabantay kay Jarra. Bago siya tuluyang umalis.












In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now